Gising pa si Belle nang alas onse ng gabi at nasa balkonahe siya ng silid ni Alejandro. Bukas ay aalis siyang muli sa pag-asang maaayos niya ang mga commitments niya sa agency bago tuluyang iiwan ang mundo ng pagmomodelo. Narinig niyang bumukas at sumara ang pinto ng silid. Maya maya ay naramdaman niya ang kamay ni Alejandro na yumakap sa baywang niya saka ipinatong ang ulo sa balikat niya. "I'm sorry, I was being selfish again..." "No, you were not. Tama ka naman... Dapat ay sinabi ko kay Duke kung ano ang mga plano natin. Hindi ko lang alam kung saan ko sisimulan kanina..." "Do you still have feelings for him?" "Ano ba namang klaseng tanong 'yan?" inis niyang sagot na humarap sa asawa. "Hindi pa ba sapat na iiwan ko ang pagmomodelo para bumalik dito at ayusin ang pagsasama n

