RIDA’S POV “Tatawag–tawag, tapos papatayin naman,” kausap ko sa sarili ko. Nilagay ko na sa kuwarto ko itong phone ko at ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Dahil kung magmumukmok ako sa kuwarto ay lalo akong malulungkot. Dapat, masaya lang. At pipilitin ko ang sarili kong sumaya kahit sa papaanong paraan. Hindi porke, iniwan ako ni Winston ay magpakalulugmok ako. Hindi pangdrama ang buhay ko, para gawin iyon. At na–realise ko kanina na kailangan kong magpakatatag. At pagkatapos kong manganak, ay babalik ako sa pag–aaral ko. Ipakikita ko kay Winston na hindi siya kawalan sa akin. At ipinangangako ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak! “Lalaki ka lang, Winston. Hindi ako nagsisi na minahal kita. Ang pinagsisihan ko lang ay ang nakiusap ako sa ‘yo na hindi mo naman ako pinakinggan

