Chapter 55: May Bagong Boyfriend Si Rida

1219 Words

“Pa–Pakiulit nga ho ‘yong sinabi ninyo, Manong guard,” garalgal na saad ko nang makabawi ako sa aking pagkabigla. “Ang sabi ko, Miss ay ikinasal na si Sir Winston. Sayang nga lang at ang layo. Dahil kung dito lang ‘yong sa Tarlac, kuh! Makakakain na naman ako at makatitikim na naman ako ng taba-tabang karne,” sambit nito sa akin. Bigla akong nanghina sa narinig kong ‘yon. Mabuti na lang at to the rescue si Matty sa akin at sinalo niya ako. “Are you okay?” tanong nito sa akin. Matagal, bago ako nakasagot, dahil biglang–bigla ako sa nalaman ko. “Ki—Kinasal na. . . ki–kinasal na si Winston,” muling garalgal na sambit ko at nagsimula nang magsilaglagan ang mga luha ko. “Ang sabi niya sa akin, mahal niya ako. Pero, bakit siya nagpakasal? Ba’t hindi man lang niya ako kinausap ng maayos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD