“Buntis ako, pero manliligaw ka? Huwag kang magpatawa, Dok. Bumalik ka na lang sa hospital dahil marami ka pang pasyente roon,” matigas na sambit ko. “Wala akong trabaho ngayon sa hospital dahil nmagday off ako. Um, hindi mo man ba ako patutuluyin?” saad nito. Bumuntong–hininga ako. Bastos naman ako kung hindi ko siya patutuluyin. “Okay, tuloy ka. AT pagpasensyahan mo na itong bahay namin,” wika ko. “HIndi naman mahalaga sa ‘kin ang bahay. Um, for you nga pala at nakatutulong ang prutas sa pagbubuntis mo,” anito sa akin. “Tatanggapin ko ‘to dahil sayang. Pero, sana next time ay huwag ka nang mag–abala pa,” pahayag ko. “Maupo ka at ikuhanan kita ng meryenda,” dagdag ko pa. “Tubig lang ay okay na ako. Nag–gy–gym kasi ako kaya hindi umiinom ng soda,” sambit nito sa akin. “Okay,

