“Hindi kami natatakot sa inyo, Mr. Henderson! Gawin ninyo ang gusto n’yo pero hindi ko lalayuan si Winston! Kung natatakot ako sa inyo noo’y hindi na ngayon dahil nagmamahalan kami ng anak ninyo!” lakas loob na sambit ko. “Ang tapang mo na ngayon, Ms. Rodriguez. Pero, tingnan natin ang tapang mo. Dinadaan na kayo sa mabuting usapan, pero ang tigas pa rin ng ulo mo! At talagang dinadamay mo pa ang pamilya mo at buong barangay ninyo sa kadesperadahan mong ito! Tandaan mo ‘to, kailanmay, hindi kita magugustuhan para sa anak ko!” sigaw ni Mr. Henderson sa akin at nagmartsa na ito. Pumasok na ito sa kotse at pinaharurot na ang sasakyan. ‘Tay, totoo ba na kay Mr. HEnderson ang lupaing ito?” tanong kay tatay. Huminga nang malalim si tatay. “oO, Hija dahil kay Don Mariano ang lupaing ito a

