RIDA‘S POV “Nasaan ka na ba, Winston?” tanong ko sa aking sarili. Bumalik kami ng mga kapatid ko at ni tatay sa bahay dahil hindi na nga natuloy anmg pade–demolish. Nagpasasalamat ako. Pero, hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko ngayon dahil sa nalaman ko na alam na ni WInston ang totoo. “Okay lang ba, HIja?” tanong sa akin ni tatay, ngunit umiling ako. “Hindi ko alam kung anong pinupunto ni Mr. HEnderson kanina. Pero, totoo ba ‘yong mga narinig namin?” tanong pa ni tatay sa akin. Nangiulid ang luha ko. “Hindi ko ho alam, ‘Tay na mapamamahal ako kay Winston ng ganito. NO’ng kami pa ni Jayson, sinusunod ko lahat ang gusto niya, kahit alam kong mali ang pinagagawa sa akin ng lalaking ‘yon. Hindi ko inisip ang mangyayaring kahinanatnan ng lahat kapag nagkabunkingan na. Akala ko,

