WINSTON POV “Ulitin mo sinabi mo! Ulitin mo!” sigaw ko at muli kong sinuntok si Jayson. “Tama na ‘yan, Winston! At umalois ka na rito dahil kung hindi! Ipadadampot ka namin sa pulis!” sigaw sa akin ng papa ni Jayson. “Sinungaling ‘yang anak mo, Kuya Lando! Gagawa na nga lang ng kuwento’y hindi niya na gandahan!” segunda ko. “Kung ayaw mong maniwala, Uncle, puwes, maniwala ka na! Dahil ako ang nag–uutos kay Rida na ipanakaw ang mga proposals mo at ang agreement ninyo ng dalawa mong investors! Planado namin ang lahat ni Rida, bago ko siya ipasok sa trabaho. Pati ang pang–aakit niya sa ‘yo! But, bullshit! Dahil literal na umibig siya sa ‘yo! At ako rin ang dahilan kung ba’t hindi sumipot ang mga kausap mo dahil sinasabi lahat sa akin ni Rida ang kilos mo! Siya ang ispiya ko sa loob at

