RIDA’S POV "Ughh!” narinig kong ungol sa labas. Pero, hindi ko ‘yon pinansin. Hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil si WInston ang iniisip ko. Hanggang ngayon ay tigagal pa rin ako dahil sa mga narinig ko. Akala ko, sa pelikula lang ‘yong ayaw ng mayaman sa mahirap. Iyon pala’y maayro’n din ‘yon sa totoong buhay. Akala kasi nila, pera lang ang gusto namin sa mayayaman. Pero, hindi, eh! “Kaso, iyon ang ipinamumukha sa ‘yo ng daddy ni Winston, Rida,” kausap ko sa aking sarili. “Pinamumukha nila na mukha kang pera. Na iyon lang ang gusto mo sa anak nila,” dagdag ko pa. Nag-umpisa na namang mangilid ng luha ko dahil sa isiping iyon. At hindi naman ako magkagaganito kung hindi ko siya mahal. “Sorry, Winston dahil hindi ko alam kung ano’ng puwedeng gawin ng daddy mo sa amin,” g

