“Paandarin n’yo na ho ang traysikel, Mang Pengwin,” sanmbit ko sa may–ari ng traysikel at sinunod naman agad ako nito. “Rida!” narinig ko pang tawag ni WInston, pero hindi ko na siya pinansin pa. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon na tila may bato sa dibdib ko. Sana, pinaghandaan ko na sana ang bagay na ito, lalo na ang sinabi ni Mr. Henderson na pampalipas oras lang ako ni Winston. “Kung ba’t ka pa kasi pumunta sa party na ‘yan! Wala na nga sa listahan ang pangalan mo’y pumasok ka pa rin! Ang boba mo kasi! Ang boba–boba mo!” kastigo ko sa aking sarili. At hindi ko maiwasang hindi humikbi. Hindi ako naririnig ni Mang Pengwin dahil sa lakas ng tambutso at samahan pa ang mga nakasasalubong naming mga sasakyan. Tumingin ako sa kalangitan at makulimlim ito. Tila babagsak ang ulan, kay

