“Winston!” narinig naming sigaw ng babae at mama ito ni Jayson. “Balak mo bang bugbugin ang anak ko, ha!” sigaw nito. “Sana, kung hindi ka dumating! At pagsabihan mo ‘tong anak mo, Ate Cory dahil malapit na siyang bumingo sa akin. Hindi mo ba nakikita, ha? Nananakit siya ng babae na walang kalaban–laban sa kanya? Iyan ba ang turo ninyo sa anak ninyong pabibo na ‘yan?” gagad ni Winston, sabay tulak kay Jayson at hinawakan niya ang kamay ko.. “Inggit ka lang sa anak ko dahil in–approve ni papa ang business proposal niya!” segunda naman ni mama ni Jayson. “Anong pag–iinggitan ko sa kanya? Naniniwala naman ako na ninanakaw lang ‘yon. Let’s see kung kaya ninyong panindigan ang negosyong iyon. Dahil ano bang alam n’yo sa restaurant? At ano bang alam ninyo sa pakisasalamuha sa mga taong nas

