06

2456 Words
Sa wakas! naka uwi na rin kami. " Dito ka muna sa kwarto mo ... sasabihin ko na lang sa kasambahay natin na dalhan ka ng pagkain rito" bilin ko sa kaniya habang hinahatid siya sa kwarto niya." Don't stress your self" Kaka discharge lang niya sa hospital ngayong umaga. Maaga pa kaya nasiyahan ako dahil gusto kong sunduin si Amirah sa kanilang bahay para ihatid siya sa kaniyang pinagtratrabahuan. Naiinis ako dahil hanggang ngayon wala pa din siyang reply, I sended a good morning text to her earlier and until now she still has no reply. Nang mai hatid ko si Ica sa kwarto niya ay akma na sana akung aalis para pumunta sakanila nang hilain ni Ica ang laylayan ng damit ko Malungkot siyang tumingin sa akin." You will leave again ?" Ang sabi ng doctor bawal siyang ma stress dahil mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan niya. " I will not leave, I just want to talk someone on the phone " Sagot ko sa kaniya at binitawan niya na ang laylayan ng damit ko " Okay but can I ask a favor?" malambing ang boses niyang tanong sa kin. Hindi naman ako makatanggi dahil kaibigan na rin ang turing ko sa kaniya kahit na ganito ang sitwasyon naming dalawa. Bumuntong-hininga ako " Sure what is it?" tanong ko sa kaniya " Can you cook for me?" nakangising sabi niya sa akin " Ica you know that I'm not good at cooking" natatawa kung sabi sa kaniya " Magpaluto na lang tayo sa maids , ano bang gu--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya " Please reidjan tamo oh? gutom na yung baby sa tiyan ko" sabay hawak niya sa tiyan niya. Nasapo ko ang noo ko " Fine. but do not complain if it tastes bad ... okay?" I uttered to her, she quickly nodded and smiled to me Nagtataka ako sa ikini kilos ni Ica, parang naging malambing siya sa akin. Kung dati ay hindi ko napansing may pagtingin siya para akin, ngayon parang* basta hindi ko maintindihan. Ngayon ay pababa na ako sa hagdan at papunta sa kusina. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan ang numero ni Amirah. Agad naman siyang sumagot ... " Hi love! good morning" masayang bati ko sakaniya, habang kinukuha sa ref ang ibang ingredients ng lulutuin ko " Good morning!" masiglang bati niya rin sa akin " Kumain kana?" " Not yet, ikaw ba?" " Ito nagluluto pa" nakangiti ko na sabi, parang nagulat ata siya sa sinabi ko dahil ilang saglit siyang natahimik " Hmmmm? isang reidjan nagluluto " Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin " Tsk! oo nga po" " Oo na sigee na, naniniwala na ako" nakangising sabi niya " later, I'll pick you up at work so you don't need to see Von" I uttered to her while slicing the cabbage " Ha? bakit anong meron kay Von" takang tanong niya " Basta makinig ka na lang sa akin-" " Hon sinong kausap mo?" sigaw na tanong ni Ica habang palapit sa akin. At saan naman niya napulot yung salitang 'Hon?!' " Mukhang nakaka abala ako sayo" pagkatapos ay pinatayan niya ako ng telepono " Damn it!" naiinis kung sabi naiinis sabay lingon kay Ica. Natakot ata siya sa tingin ko sa kaniya kaya pinilit 'kung kumalma " Bakit mo ako tinawag sa ganon Ica?" tiim ko na tanong sa kaniya. She shrugged to me and look at what I am cooking nilingon niya ako. " Anong niluluto mo" Nasapo kong muli ang noo " Ikaw muna ang bahala rito sa niluluto ko, may kailangan lang akung kausapin" sagot ko at nilapasan siya Agad kong tinawagan si Amirah noong una ay pinatay niya, nang mga sumunod ay nagriring na lang at hindi niya na sinasagot hindi ako sumuko at hinintay na sagotin niya ngunit sa maka ilang ulit na pag tawag ko ay out of coverage na ang linya niya. --- " Ang hirap ng sitwasyon mo ngayon bro" saad ni Nikko sa akin. Andito kami ngayong dalawa sa terrace, pina punta ko siya dito dahil wala akong maka usap, si Ica tulog nanaman. " Sabihin ko na kaya kay Amirah na may asawa ako, ano sa tingin mo?" tanong ko kay Nikko sabay simsim ng alak sa basong hawak ko Ngumiwi siya. " Bro when you tell amirah that you are married, nanliligaw ka pa lang bro busted kana agad " " So anong ipa paliwanag ko sa kaniya mamaya? mag sisinungaling ako?" " Not a good way bro but that's the best to do" Kakarating ko lang sa parmasyang na pinag tratrabahuan niya. Ang sabi niya sa akin 7pm ang out niya, pero past 7:30pm na ako nakarating dahil nagpa luto pa sa akin si Ica ng dinner niya. Mina buti ko na lang magtanong sa guard, baka nga naka uwi na siya " Ayyy nako sir kanina pa naka alis si Amirah " sagot ng guard sa akin Napa mura ako sa inis sa sarili ko. Nagui guilty ako kasi nangako ako na su sunduin ko siya tapos ay he'to ako. Ipinihit ko ang aking sasakyan ko papunta sa bahay nila para kumpirmahin kung naka uwi na siya. Tinawag ko ang pangalan niya mula sa labas ng bahay nila ngunit ang ama niya ang nagbukas ng gate sa akin at may hawak itong bote ng alak. Nani-ningkit ang mata niya habang naka tingin sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla akong dinapuan ng kaba " Sino ka? Bakit tinatawag mo ang pangalan ng anak ko?" tanong niya sa akin sabay tungga ng bote ng alak na hawak niya. Anong sasabihin ko? sasabihin ko bang manliligaw niya ako? tsk! bahala na nga " Manliligaw ho ako ni Amirah, andiyan po ba siya?" magalang kong tanong sa daddy niya " Nako manliligaw ka niya? Hahahahahahha napaka ganda talaga ... ng anak ko at napaka rami niyang manliligaw" Hagikgik na saad ng matanda sa akin, " Wala pa siya, halika pasok ka muna sa loob... pia ibilhan mo pa nga ako ng alak" utos niya sa batang babae na kahawig ni Amirah --- Amirah POV " Von thank you rito ha? napaka ganda talaga" Saad ko kay Von nang makababa ako sa sasakyan niya habang hawak hawak ang man size teddy bear na binili niya para sa akin Siya ang sumundo sa akin kanina, ang sabi ni reidjan susunduin niya ako kaya nag commute na lang ako nang pumasok sa trabaho pero hindi siya dumating buti na lang at sinundo ako ni Von, siguro busy siya sa babaeng narinig kong kasama niya kanina sa telepono. Nakita ni Von na malungkot ang mukha ko kanina kaya pinilit niyang pumunta kami ng mall at gumala. Nagpaalam siya sa akin na mag si cr lang siya pero pagbalik niya may dala na siya malaking teddy bear " Walang anuman makita lang kitang nakangiti ayos na sa akin 'yon. Kanina kasi naka busangot yang mukha mo, Teka may problema ka ba?", I shooked my head " Halika pasok ka muna sa loob at ikaw na lang magbigay sa mga pinamili mo para kay kevin at sa mga pamangkin ko" pag iiba ko ng usapan ... Pagpasok namin sa loob ng bahay ay kumakain na si Pia at Drake sa kusina, sina ate dana at kuya brent ay nasa salas nanonood ng tv, sina kevin at ang dalawa ko namang pamangkin ay abala pa sa paglalaro. " Kevin, angela at Angelo halikayo may regalo sa inyo si kuya Von niyo!" nakangiting tawag ko sa mga bata at excited naman silang lumapit sa amin " Hahahaha ayan tig-iisa kayo diyan sa mga laruan, pag pasensyahan niyo na wala pang sweldo si kuya eh" sabay gulo niya ng buhok ng mga bata " Thank you kuya!" sabay-sabay na sabi ng mga bata " Ayy kuya Von wala sa akin?" Nakangusong saad ni pia nang lumapit sa amin at mukhang kakatapos lang kumain " Wow! ate Amirah akin na lang niyannnnnn!" " Ayukooo ngaaaa ! akin 'to " sabay layo ko sa Teddy bear na hawak ko sa kaniya, lalo namang bumasangot ang mukha niya " Hayaan mo na lang Pia next time ikaw naman bibigyan ko" nakangiting sabi ni Von sa kaniya at ginulo rin niya ang buhok ni pia " Ohh hiram lang ha?kukunin ko rin sayo 'to " sabay abot ko ng teddy bear sa kaniya dahilan para lumiwanag ang mukha ng kapatid ko " Nasaan pala si papa at mama?" tanong ko kay pia " Si mama ate na kila tita Jessica, si papa naman umiinom sa likod ng bahay umiinom kasama yung lalaking bisita mo" sagot ni pia sa akin, sino namang bisita yon? " Sinong bisita?" takang tanong ko " Ewan ko ate pero alam mo ba ate ang gwapo niya, sobrang gwapo tapos ang cute pa ng mata niya, tapos ang puti niya ate parang keso aaaaccckkkkkk!!!!" tiling sagot ni pia sa akin. Hindi ko naiwasang batukan siya, para kasing kambing kung makatili " Ano raw pangalan?" curious kong tanong " Reidjan pero hindi ko alam ang apelyedo, sayang nga ate ia add ko sana sa sss kaso* " Hindi na natuloy ang sasabihin ni pia dahil agad ko siyang nilagpasan at pumunta sa aming bakuran kung talaga nga na andito siya. Napakamot na lang siya ng ulo May kung anong saya ang aramdaman ng puso ko nang marinig ko ang pangalan niya. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero tila gustong umurong ng dila ko ngayong andito na siya, nanaig ang saya na nararamdaman ko na makita ko siya. Pakiramdam ko parang isang taon kaming hindi nagkita. Nahanap ko sila sa likuran ng aming bahay. Andito nga siya kainuman ang papa ko habang nagtatawanan silang dalawa ... " Ohhh andito na pala ang anak ko ... Amirah halika dito ...ipa pakilala ko sayo... si Reidjan" tawag sa akin ni papa. Lasing na si papa at talagang siya pa ang magpapakilala sa kin kay reidjan. Lumapit ako sa kanila, nginitian ako ni Reidjan pero hindi ko siya pinansin. Bakit hindi niya ngitian yung babae niya hindi ako. Nawala ang ngiti niya nang sumulpot si Von sa likuran ko " Von... andito ...ka... pala magkasama ba ...kayo ni Amirah? " putol-putol dahil sa kalasingan na tanong ni papa at napatingin si Reidjan sa amin. Napalunok ako sa paraan ng pagtitig ni Reidjan parang kakainin ako ng buhay " Oo pa" maikling sagot ko. Nakapikit na si papa sa kalasingan, si Reidjan naman namumula na ang pisnge niya " Halika ... dito ... Von ... kakausapin ko kayong dalawa... ni reidjan " saad ng papa ko kay Von " Pa 'wag na, itigil niyo na ang pag inom niyo " sabat ko kay papa " Huwag kang ... mangialam Amirah.... pumasok ... ka sa... loob gabi ...na, ikaw ..Von upo ka dito..." sagot ng papa ko, at ako pa talaga huwag mangialam " Sige na okay lang", saad ni Von sa akin " Huwag na gabi na " pag awat ko sa kaniya, ngunit tumango lang siya na parang sinasabi niyang akong bahala Ilang sandali pa ay hindi ko rin naawat si Von, kaya iniwan ko na nga sila at pumasok na ako sa loob, bahala sila buhay nila kung malasing sila huwag nila akong sisisihin. Pagpasok ko naman ay pilit na sinasabi sa akin ni pia na kuhanan ko daw sila ng picture ni reidjan kesyo mukha raw model at artistahin, tsk! " Ate sige na please!" " Next time na lang pia, lasing na siya mukha ng unggoy na siya ngayon" saad ko sa kaniya, Andito siya ngayon sa kwarto ko ako naman kakatapos lang maghilamos at nakabihis pangtulog. Bahala sila sa buhay nila ... Nagising ako sa malakas na kabog sa pinto ng kwarto ko, nang buksan ko ang lasing kong tatay ang bumungad sa akin ... " Kunin mo si ... ano na kasing... pangalan ng ...bago mong manliligaw?" taong ni pa na tila nakalimutan na ang pangalan ng nakainuman niya " Reidjan at Von pa " bagot kong sagot sa kaniya " Oo ... tama hahahahaha... kunin mo sila ... sa labas nak ... lasing na sila ... wala eh weak sila nak .. hindi nila kayang talunin ... ang tatay mo hahahahha" Natatawa pa niyang sabi at umalis na Sinabi na kasing umuwi na sila pero hindi sila nakinig sa akin, ang titigas ng mga ulo. Nagpusod ako ng buhok pagkatapos ay bumaba para tignan kung buhay pa ba sila. Nang makita kong mag isang nanonood si Drake sa salas ay tinawag ko siya para tulungan akong buhatin ang dalawa. Ako ang umalalay kay reidjan at si drake naman kay Von. Mas knockout si Von kumpara kay reidjan dahil si reidjan ay nakakalad pa kahit papaano, si Von talagang hindi na niya kaya, wala naman kasi itong bisyo at bihira lang siya kung uminom " Naks napaka ganda naman ng ate ko dala dalawa manliligaw" tukso ni drake habang pinapasok si Von sa kwarto ko " Ipasok mo na nga yan sa loob ang dami dami mong sinasabi" singhal ko sa kapatid ko habang nasa likuran niya kami ni Reidjan " Amirah ..." Anas ni Reidjan sa akin habang naka akbay siya sa akin, " Amirah" ulit niya sa pangalan ko kaya kahit na lasing na siya ay napilitan akong kausapin siya, kasalanan to ni papa eh, tsk! " Mmm ...bakit? " tanong ko, napaka bigat naman ng lalaking 'to, Nasaan ba kasi 'yung babae niya, Hmmm! Tumingin siya sa mga mata ko " I'm afraid that maybe one day you choose the person you are always with than the person who really loves you and wants to be with you forever" Bakit ba ako nalulungkot na nakikita ko siyang malungkot siguro ay hindi lang ako sanay na ganito ang mukha niya. At dapat galit ako kasi may kasama siyang babae kanina hon pa nga ang tawagan nila, Tama! dapat galit ako sa kaniya. " Bakit mo ba sinasabi sa akin 'yan?" Ngumiwi siya. " Dahil saglit pa lang tayo'ng nagka kilala. Maraming lalaki na mas mabait sa akin, mas maraming oras na kayang ibigay sayo at mas higit kesa sa akin although mas gwapo ako sa kanila " huminto siya ng sandali. Ang hambog talaga ng lalaking to, " But Amirah when you choose me ... every day we will be happy even if the world we live in is chaotic " Ipinasok namin sila sa kwarto ko. Syempre sa lapag sila matutulog at ako sa kama, naglatag ako ng mattress na higaan nila sa lapag. Panay ang bulong nila sa pangalan ko ngunit hinayaan ko na lang sila, bahala sa buhay nila. Hmmm!. Hindi pa rin ako maka tulog kahit anong palit ko ng posisyon ng paghiga ko, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Reidjan ... " I'm afraid that maybe one day you choose the person you are always with than the person who really loves you and wants to be with you forever" " Dahil saglit pa lang tayo'ng nagka kilala. Maraming lalaki na mas mabait sa akin, mas maraming oras na kayang ibigay sayo at mas higit kesa sa akin although mas gwapo ako sa kanila " " But Amirah when you choose me ... every day we will be happy even if the world we live in is chaotic " Anong ibig niyang sabihin? ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD