bc

Never Dare Forever

book_age18+
17
FOLLOW
1K
READ
billionaire
playboy
drama
humorous
realistic earth
cheating
secrets
affair
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

I hope there is also medicine for people who are constantly hurting and if there is only medicine that can be taken so that there is nothing left to feel? I presumably swallowed it all -Amirah

chap-preview
Free preview
NEVER DARE FOREVER
Sabi nila ang pagibig raw ay dumarating sa mga panahong hindi mo inaakala. Alam ko gas gas na 'yang sentence na 'yan sayo. Pero naniniwala din ba kayo sa love at first sight, ako kasi Oo. Kung saan nakasalubong mo lang siya sa isang lugar pagkatapos ay hindi na siya mawala wala sa isip mo, hanggang sa hindi mo alam na simpleng pagkasiko mo sa kaniya mauuwi pala sa isang masayang alaala. Siya na pala yung hinihintay mo, yung pinapangarap mo na magpapangiti sayo sa tuwing malungkot ka, yayakakap sayo sa tuwing pakiramdam mo ay walang nagmamahal sayo at magtuturo sayo ng salalitang pagibig. At sa bawat oras na kasama mo siya, sa bawat titig niya, sa bawat pakulo niya araw-araw mapasagot ka lang ng 'Oo', hanggang sa nare realized mo na lang isang araw, ay mahal ko na pala itong lalaking 'to. Marami ang nagsasabi sa akin na tama na, pero ang sabi ko gusto ko pa! Sige pa! choss. Ang masasabi ko lang ay hindi madaling lumimot sa nakaraan lalo na kung yung nakaraan na 'yon ay ang bumuo sayo ngayon. Ang memories na nabuo habang kasama ko siya ay mananatili hanggang sa huli, dahil 'yon ay natatangi at hindi mahihigitan ng kahit na sino. A love that started in the wrong place but at the right time Ang gulo diba? Basta intindihin niyo na lang " Ate asaan yung baon ko malalate nako!" irritableng sigaw ng pang-apat kong kapatid na si Drake mula sa labas ng banyo at naghihintay sa paglabas ko dahil abala ako sa pagtoothbrush Napa irap ako sa harap ng salamin dito sa banyo." Andiyan sa ibabaw ng tv gamitin kasi ang mata drake!" nabubulol na singhal ko sa kaniya " Ate sabay nako sa 'yo pagpasok!" sigaw naman ng pangatlo kong kapatid na si pia mula sa baba na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa kaniyang almusal dahil abala sa pag pindot ng kaniyang cellphone " Sige!basta bilisan mo lang kung hindi ay iiwan talaga kita!" sigaw ko rin sa kaniya at muling pumasok sa aking kwarto para ihanda ang uniporme ko sa trabaho Paglabas ko ng pinto ay sakto namang sumulpot ang bulto ng aking 4 years old na pamangkin, anak ng ate kong panganay sa aming lima. Dala ni Angela ang isang mahabang papel " Bigay ko raw po sayo ate sabi ni mama" inosenteng saad ng bata sa 'kin. Nang damputin ko ito ay nasapo ko ang aking ulo " 3,385.67?" patanong kong anas habang nakatingin sa bill ng tubig namin Malalim akung huminga." Bakit ang taas ng bill ng tubig!?magtipid naman kayo!" dumungaw ako sakanila sa baba kung nasaan sila, ngunit hindi nila pinansin ang aking sinabi Umirap ako." Ate baka pwedeng ikaw muna magbayad ng tubig at ako na ang bahala dito sa upa ng bahay!" Saad ko sa aming panganay na kapatid na si ate Dana " Wala akung pera alam mo namang walang trabaho si Brent ngayon di 'ba? " pagtukoy niya sa kaniyang asawa habang abala siya sa paglinis ng kaniyang kuko " Lagi namang walang trabaho 'yang asawa mo!" singhal ko sa kaniya Paano lagi na lang silang naka asa sa 'kin akala siguro nila tumatae ako ng pera at madali ang trabaho ko sa pagiging community pharmacist. May dalawang anak na sila at hanggang ngayon ay sa 'kin pa rin naka asa.kaasar! Dahil sa lintek na resibo na 'yan andito nako sa banyo nakalimutan ko pang kumuha ng tuwalya tuloy ay bumalik akung muli sa aking kwarto. Napa buntong-hininga na lang ako. Bagot na bagot akung naglalakad dahil unang una hindi pa ako kumakain ng almusal dadaan na lang siguro ako sa 7/11 para bumili ng hotdog sandwich " Ate ako muna hinihintay nako ng classmate ko sa baba! " Nagmamadaling singit ng pangatlo ni Pia. Kanina ay nag ce cellphone tapos ngayon akala mo hinahabol ng aso sa pagmamadali Hinatak ko ang kamay niya "Ano ba! mala late nako sa trabaho" ngunit nagpumilit pa rin siyang pumasok sa banyo " Ate mala late na rin ako" saad niya pagkatapos ay mabilis na isinara ang pinto, sa inis ko ay nasuntok ko tuloy ang pinto ng banyo " Pia bilisan mo diyan ang bagal mo pa man din maligo!" sigaw ko " Oo ate siya nga pala di na 'ko sasabay sayo" sigaw niya sa akin mula sa banyo " Wala akong pakealam kung sasabay ka o hindi basta bilisan mo!" Singhal ko rito, Habang wala akong ginagawa ay nag tingin-tingin ako kung ano ang pwede ko pang gawin habang naliligo si pia. Nagwalis, naghugas ng pinggan, nag plantsa ng uniporme ng bunso naming kapatid na si Kevin. At nang matapos siya ay kinuha ko na muli ang aking tuwalya at tumungo na sa banyo. Babatukan ko na ang sisingit pa Kinuha ko ang sabong natira " Ano ba naman 'to, pwet na lang siguro ang kayang sabunin nito eh" saad ko habang nakatingin sa maliit na sabon. Napailing na lamang ako Nang makabihis at nakapag ayos nako ng sarili ay agad na akung bumaba. Kumakalam na ang aking tiyan kaya sa pag babakasakali ay tinignan ko ang laman ng mga kaldero, kaserola, palayok at kung ano pamang lalagyan ang naroon pero taklob lahat " Ate alis nako " paalam ko sa ate ko ngunit hindi niya ako pinansin. Hinanap ko si mama upang magpaalam rin sa kaniya pero di ko siya nakita, kung si papa naman ang tatanungin niyo kung nasaan siya ay malamang baka nasa sabungan o tagayan na ng alak 'yon ngayon. Pagkalabas ko ng bahay ay pasakay na sana ako sa mu murahin ko na kotse pang 'junk shop' ika nga ng aking baklang best friend. Habang ako ay palabas ng kanto nadaanan ko ang tito ko kapatid ni papa, pinagkakautangan ng pamilya ko. Kumaway siya sa kin at kumaway rin ako kaniya, sumunod naman ang kumare ng mama ko tinatanong niya kung asan daw si mama eh maski ako nga ay hindi ko alam kung nasaan siya Binuksan ko ang bintana ng kotse. " Hindi ko ho alam anty!" pasigaw na sagot ko, medyo bingi pa naman ito mabuti sana kung chismis ayon daig pa ang tainga ng elepante Bago naman ako makalabas ng kanto ay nakita ko ang bulto ng aking ina na nagba bayad sa naka motor na bumbay, di ko na ito pinansin dahil baka hingian pa ako ng pera. Nang maipark ko sa tabi ng botikang pinagtratrabahuan ko ang sasakyan ay naisipan ko munang bumili ng hotdog sandwich dito sa 7/11 na tawid lang ng botikang pinagtra trabahuan ko Habang papasok ako sa pinto ng convenience store hinahanap ko ang wallet sa sling bag ko na dala dala ko ngunit malas pa ata ako dahil mukhang nakalimutan ko sa bahay. Kinapkap ko ng maigi ang loob bag ko at sa kasamaang palad ay may nasiko akung lalaki. Tumilapon ang hawak niyang maliit na box na kulay pula Dinampot ko ang maliit na kahon " ayy sorry" saad ko sa kaniya nang hindi man lang nag abalang tignan ang mukha niya. Pag dampot ko ay nagulat ako sa aking nakita 'Codom?!', OA na kung O.A pero sa edad kong ito ngayon pa lang ako nakahawak ng ganitong bagay Kaagad ko iyong inilagay sa palad niya at agad na umalis sa lugar na 'yon hindi rin naman ako makakabili dahil naiwan ko nga ang wallet ko. Bago pa ako tuluyang maka tawid ay nakita ko pa sa gilid ng mata ko ang pag ngisi ng lalaki ngunit hinayaan ko na lang. Infairness chick yung lalaki! and this is how our love story started ...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Gemini Wolves

read
1.8M
bc

Desert Nightmare (Book 3 to Desert Series)

read
1.2M
bc

The Blue Moon Chronicles (Book 6 of the Blue Moon Series)

read
1.7M
bc

My best friend and his brother

read
369.4K
bc

Desert Heat (Complete) (Book 1 to Desert Series)

read
1.6M
bc

Crimson Princess and Her Fated Lover

read
89.1K
bc

Dragon's Ice

read
461.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook