Reidjan Constantine
Palabas na sana ako ng convenience store nang masiko ako ng babaeng naka salubong ko sa pinto. Hindi ko maintindihan parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko sa pagkakasiko niya sa 'kin kaya napatingin ako sa mukha niya well she's pretty and sexy but she's different ...
Kitang kita ko kung paano siya nagulat nang pulutin niya ang tumilapong condom na binili ko 'gusto ko nga'ng matawa dahil parang ignorante siya sa pag hawak 'non at agad niyang ibinigay sa kin. Pagkatapos niyang ibalik ay agad siyang pumihit patalikod at walang sabi sabi ay iniwan ako.
" First time someone ignored my face " ngi ngiti ngiting sabi ko habang tinitignan ang palayong bulto niya. Hindi ako makapaniwala na napangiti ako ng ganon kasimple ng babaeng 'yon. Napa iling na lang ako pagkatapos ay sumakay na sa aking kotse
Maybe I should go home first, to sleep? drink? smoke? find a woman who will make my day? I do not know which ones I will prioritize ...
I'm the only one here at home now, my wife? I do not know where she is, maybe she is in her father's office and busy taking care of her parents' company or maybe she's flirting with another man. Tama kayo may asawa na ako
I am married with Francisca Parter- Constantine a model in a famous magazine, but we both don't like each other she's party girl,umiinom, naninigarilyo at lalakero pa, parehas kami ng pag uugali pero talagang ayaw ko na sa kaniya kahit noong bago pa kami ikasal 'we're married but we just friend ' . Ang turing lang namin sa isa't isa ay magkaibigan, yon lang.Noong nag honeymoon nga kami naglasing lang kami sa hotel na pinag check-in 'an namin
" Too early to drink beer reidjan" anang ng isang babae mula sa likuran ko. Napa ngisi lang ako sa kaniya
" What's on your mind?", at umupo siya sa tabi ko
" A woman bumped into me earlier and then I don't know but I felt weird?" I said to her while looking at our big chandelier here in the living room
Rinig ko ang pagtawa niya sa 'kin ngunit hindi ko siya pinansin at uminom na lang ako ng alak, maya maya pa ay tumayo na rin siya at nag inat
Tinapik niya ang dalawang balikat ko mula sa likuran " That is just a call of lust ... walang true love sa ganiyan reidjan" Tinapik niya ang dalawang balikat ko mula sa likuran at umakyat na sa kwarto
" Akala ko pumunta ka sa opisina ni tito?" Pahabol kong tanong ko sa kaniya habang siya ay nasa hagdan
Napabuga siya ng malalim na hininga. " Why should I go there if I'm busy as married life" at tinapunan niya ako ng tingin
Kinasal ako kay Fransisca 2 years ago. Simula nang magkasakit ako at gumaling nawala lahat ng memorya ko. Ang sabi nilang lahat, malaki raw pagbabago ko simula ng gumaling ako. Ang dating matalino, mabait at masunurin sa mga magulang ay naging gago at pasaway, natuto ako ng kung ano anong bisyo. Ang sabi rin ng doctor sa akin maari raw bumalik ang tumor ko sa utak kapag tinuloy tuloy ko ang ganitong gawain. Pinakasal ako kay Ica, Isang Magna c*m laude ng isang sikat na unibersidad at nagtapos ng B.S in accounting. Ang pamilya nila ay business partner ng pamilya ko dati na kalaunan ay nagkaroon ng malaking pagkakautang sa Kumpanya ni daddy. Napag isipan ni daddy na bilang kapalit na lang ng malaking utang ng pamilya nila ay ang ipakasal siya sa akin, nagbakasakali sila na baka kapag ginawa nila 'yon ay magbabago ako. But they were wrong. And I proved to them that they were really wrong in their decision. I want to live alone, on my own rules
Nang magtanghali ay muli akung bumalik sa convenience store para abangan siya ngunit nabigo ako kaya naisip ko na lang na bumalik mamayang gabi.
Nandito ako sa sports bar niya as usual para uminom pero ako lang dahil pinagbawalan na siya ng fiance niya ." New target ba 'yan bro?" tristan asked
" she is not on my lists pre"
Dito ako sa bar niya nagpalipas ng oras nagbilliard at basket ball habang umiinom ng alak at naghihintay dumilim para sunduin o kausapin man lang sana siya kung sakali. Ang daming nag ti texts sa 'king mga babae buong araw pero lahat ay di ko inabalang basahin.
" Nako bro mukhang miss na miss kana ng mga chicks mo" sabi ng aking kaibigan mula sa aking likuran habang pinapanood ako mag shoot ng bola
Shinoot ko muna ang panghuling bola bago nagsalita. " Isa lang ang gusto ko ngayon pre"
" Coming from a Reidjan Constantine" natatawang saad niya," pupusta ako magsasawa ka rin agad sa babaeng 'yan"
" HAHAHHA Tsk! by the way, where is Nikko hindi pa rin ba siya napunta dito?" tanong ko sa kaniya habang nagsisindi ng yosi
Napagod ata ako sa ginawa ko. " Hindi pa baka busy sa inaanak natin... para ngang ikaw na lang ang walang balak mag settle down sa 'ting tatlo" tugon ko sa sinabi niya. Nagpakuha ako ng tubig sa babaeng naglilinis ng sahig
Binigyan ko ng nakakapang akit na ngiti ang babae. " Miss can you get some water for me?" Kinikilig na tumalima ang babae sa sinabi ko, that's life gwapo eh.
" Ibang klase ka talaga bro!"
" Mas nauna pa nga akung nag asawa sa inyo" natatawa kung sagot at sakto namang bigay sa kin ng babae ng isang bottled water
Umupo kami sa costumer table. " Kamusta pala kayo ni ica?" pagtukoy niya sa asawa ko.
" Maayos naman kami, may boyfriend nga siya ngayon pero ayos lang sa kin ang mahalaga hindi malaman ng pamilya ko ang ginagawa namin"
Nang gumabi ay muli akong bumalik at hinintay siyang lumabas sa palagay ko ay isa siyang pharmacist base sa uniporme niya pa lang ay halata na. Tumawid ako sumandal sa lumang pula'ng sasakyan. Ginamit pa ito ni FPG sa bakbakan.
I do not know why I am here and patiently wait for a woman. I lit a cigarette first and read the texts to me as a pastime while waiting for her ...
" Baby kailan tayo magkikita ulit I miss you"
" Hi babe how are you?"
" Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko"
" Hi Thank you for last night I enjoyed?"
" Why are you not talking to me anymore!"
and 69+ others...
Yamot kong binack at muling ibinulsa ang cellphone sa likuran ng pantalon ko. Pa ulit ulit na lang mga nababasa ko. Walang ka challenge challenge. Nang maibulsa ko ang cellphone ko ay nahagip ng aking mata ang paa niya.Tinignan ko siya pataas, from her stiletto to her angelic face
" Tapos kana?" Mataray na boses ng isang babae, hindi ko ine expect na tatarayan ako ng babaeng ito.
Napa ngisi na lang ako sa kaniya dahil hindi ko naman alam kung sinong tinatanong niya ng 'tapos kana'
Umayos ako ng pagkakatayo. Rinig ko ang pag buntong-hininga niya at bakas sa mukha niya ang pagka irritable sa akin. Ngumiti ako sakaniya. " who are you talking to?". Tanong ko sakaniya at muli nanaman niya akong ginawaran ng buntong-hininga
Instead of answering me she just pushed me and got into the old car. Regrets killed me for insulting this car earlier.
Dumungaw ako sa bintana ng kotse niya. " Hey! pwede ba kitang ayaing mag dinner?" tanong ko. Tiim niya akung tinignan ' pumayag ka please!' . I was nervous for the first time while asking a woman if I could invite her to eat.
Ilang segundo siya bago sumagot." Sige" tipid niya'ng sabi. Fortunately, she agreed because otherwise it would have been the most embarrassing of my whole life.
Sumakay ako sa aking ducati at sinundan siya kung saan niya gustong kumain hanggang huminto kami sa isang maliit na karinderya. First time kong kumain sa ganitong lugar masikip, mainit, at maingay masyado dahil maraming tao ang kumakain. What do you expect reidjan kainan 'to malamang marami tao talaga ang narito para kumakain. tsk! Para na akong sira na kinakausap ang sarili ko sa aking isip
May pahawak pa siya ng baba niya habang namimili ng ulam. Palihim akong napangiti. Nang lumingon siya sa akin ay nag kunwari akong namimili ng ulam na gusto ko.
Ngumiti siya sa babae'ng nag abot sakaniya ng ulam at kanin." Salamat po ate!" saad niya sa babaeng crew, inilapag niya ang kaniyang ulam sa maliit na lamesa tsaka muling bumalik sa tabi ko
Tinignan niya ako kaya tinignan ko rin siya. " Ayaw mo ba lahat ng ulam na narito ?" tanong niya
Baka isipin niyang hindi ako kumakain sa ganitong lugar. " Yung parang sayo na lang rin" nagaalalangang sagot ko
" Ate isang order pa ngang order ng dinakdakan at dinuguan" anas niya sa tindera pagkatapos ay iniabot sa kin ang dalawang platito na kaparehas ng kay- I still don't know her name siguro mamaya ko na lang ta tanungin pagkatapos niyang kumain ...
Kaagad siyang kumain nang maka upo siguro ay napagod siya sa kaniyang trabaho. Hinayaan ko na lang muna siyang kumain. Masarap din naman pala ang ulam nila, ibang iba sa ine expect kong sabi ni mommy sa akin na marumi raw at hindi masarap ang mga pagkain sa mga ganitong lugar.
Habang kumakain kami ay hindi ko naiwasang kausapin siya." you look very hungry, is your job hard ? " tanong ko sa kaniya habang kumakain siya
Napahinto siya sa pagkain at parang napa isip pa ng isasagit." Hindi kasi--" parang nahihiyang niyang sabihin kung ano man ang gusto niyang sambitin
" Hindi kasi- what ?" Putol ko sa kaniya
" Hindi naman mahirap gutom lang talaga ako" sagot niya at napalingon sa kin pagkatapos ay napalunok siya nang makitang nakatingin ako sa kaniya. Umiwas siya ng tingin tsaka sumubo ng muli sa kaniyang kinakain
Pagkatapos naming kumain ay ako ang nagbayad ng lahat ng nagastos first time nanlibre ako ng isang babae. Hindi sa pagmamalaki pero kasi laging babae ang gumagastos para sa kin.
" Salamat nga pala ha, wag kang mag-alala babayaran kita bukas pag nakita ulit kita naiwan ko kasi yung wallet ko" nahihiya niya'ng saad sa akin ng makalabas kami ng karideryang kinainan namin
" You're welcome! so pwede ulit tayong magkita bukas?" tanong ko sa kaniya at namulsa ako
Nginitian niya ako" Sige! treat ko naman bukas". Para akung nanalo sa lotto sa naging sagot niya ...
" Asahan ko yan ah" nakangisi kong sabi at tumango naman siya
" Sige una na ako gabi na rin kasi "
" Hatid na kaya kita " tanong ko sa kaniya ngunit umiling siya
" Hindi na kailangan, sige see you tomorrow" malapad ang ngiti niya'ng saad. Pumasok na sa kaniyang sasakyan at walang sabi sabi ay umalis na ito
" Fvck I forgot to ask her name!" naiinis kung saad sa sarili ng maalalang hindi ko pa pala alam ang pangalan niya
Dahil don ay naisip ko na lang na sundan ang sasakyan niya. Hindi ako nagpahalata sa kaniya, dalawang sasakyan ang pagitan namin sa isa't isa. Naka motor naman ako kaya pwede akong mag over take any time. Lumiko siya sa isang kanto, gabi na ngunit marami pa ring tao sa labas, may mga nag iinuman, barbeque' han at mga tambay ngunit hindi naman nakakatakot ang lugar, may mga street lights. Huminto siya sa isang maliit na bahay ngunit dalawang palapag. Binuksan niya ang maliit nilang gate pagkatapos ay muli siyang sumakay at ipinarada ang kaniyang sasakyan. Nang maka daan ako sa bahay nila nag iwan ako ng busina at mabilis na lumisan sa lugar na 'yon
Pag uwi ko sa bahay ay nawala ang ngiti ko ng makita ang mga magulang ko sa hapag kainan at naroon din si ica kumakain. Bumeso ako kunwari kay ica
" Hi hon" at pumeke ng ngiti
Pumunta din ako sa aking magulang upang bumati, nagmano kay dad at nakipag beso kay mom.
" Bakit pawis na pawis ka son, saan ka ba nagsusuot?" tanong niya sa kin
" Baka dahil sa leather jacket ko" sagot ko, nagkatinginan kami ni ica at agad din siyang nag iwas ng tingin. Ayaw kong sabihing kumain ako sa isang karinderya dahil paniguradong kung ano-ano lang ang sasabihin nila, ang tingin kasi nila sa mga ganoong lugar ay marumi at hindi maganda ang pagkakaluto were in fact sobrang sarap
" Bakit biglaan ata kayong umuwi mom ?"
" We will be on vacation here for two months" Sagot ni mommy habang kumakain ng cake
Nagkatinginan kaming muli ni ica at kung hindi ako nagkakamali pareho naming ayaw ang aming narinig.
" Why here? " di ko maiwasang itanong
" Don't you want us to come here?" balik na tanong sa kin ni mommy
" That's not what I mean mom" pagkatapos tapos ay akma na sana akung aalis sa lugar na 'yon ng magsalita ang aking ama
" Have you eaten dinner?" tanong niya habang naka upo sa pinaka dulo ng hapag-kainan
" Yup" maikling sagot ko tsaka tuluyang umakyat sa kwarto ko
Nagpalit ako ng damit dahil amoy pawis na nga ang damit ko. Ngayon ay naka sando at short na lamang ako. Kumuha ako ng beer sa mini ref dito sa kwarto ko at nagtungo sa balcony para mag yosi. Mabuti na lang may magandang nangyari sa kin ngayong araw at hindi ako masyadong nainis sa pag uwi ng magulang ko at dahil ito sa babaeng 'yon. Napangiti ako sabay hit hit ng sigarilyong hawak ko.
" Saan naman galing ang magaling kong asawa" saad ni ica mula sa king likuran at humithit sa yosing hawak ko
" I saw her again", pagtukoy ko sa babaeng nakasama ko kanina but she is not just a 'girl for me she's special
Marahan siyang bumuntong-hininga." Then what happened?" tanong niya habang nakatingin sa kin, at nasa malayo ang tingin ko
" We're together earlier, and then my heart was pounded fast and I felt nervous, you think this is normal ?" I asked unnaturally, at ramdam kong muli ang pagtitig niya sa 'kin
" I think your you're in danger reidjan" sagot niya lang sa kin, at napalingon ako sa kaniya
" So you mean I'm inlove?" Naguguluhan kong tanong habang nakataas ang dalawa kong kilay
" No, your in danger because your parent is here" saad niya at muling tumingin kung saan. Napa iling na lamang ako
" Our life will be in hell for two months" she said, habang naka tingin rin sa malayo
" That's for sure", sabay tungga ko sa bote ng beer
There is a part of me that wants to get to know that woman and I think my life would be meaningless if I did not get to know her.
...