02

2636 Words
Kinabukasan ... Amirah Revierie Zacarias Ang taray ng pangalan ko diba? Hindi ko alam kung bakit yan ang ipinangalan sa 'kin ni author -este ng magulang ko, pero ang sabi nila may lahi raw kaming espanyol dahil ang magulang raw ng papa ko ay purong espanyol. Share ko lang Kagabi, gutom na gutom na talaga ako dahil wala pa akung kain simula umaga, nahiya naman akong magsabi sa bestfriend ko dahil malaki na nga ang utang kong pera sakaniya tapos ay uutang nanaman ako eh sa makalawa pa ako susweldo. Mabuti na lang at may isang lalaking nag aya sa 'king kumain kagabi kahit tanggihan ko pa siya kahapon dahil nasungitan ko, ay talaga'ng gutom na rin ako, so kinapalan ko na mukha ko. Makapal na pala talaga siya mas kinapalan ko lang. Pagkauwi ko kagabi hinanap ko agad yung wallet ko na nasa likod lang pala ng unan ko. Pababa na ako mula sa aking kwarto ng mapansin ko ang kumpulan nila sa salas at nang makalapit ako dito ay tumambad sa akin ang isang malaking flat screen na tv. Nasapo ko ang aking noo. Wala na nga kaming pambayad ng tubig at upa ng bahay may bago nanama'ng bayarin. Malalim na buntong hininga ang iginawad ko sa kanila. Lumingon silang lahat sa akin " Hindi pa sira yung tv natin bakit may bago nanaman?" ubos ang pasensya kong saad Nginitian ako ni mama." Mura lang naman ito anak eh!" sagot niya. " tignan mo oh hindi ba ang ganda manood sa ganito kalaki" dagdag pa niya. Napahilot na lang ako ng sintido at umalis sa lugar na 'yon. Kaasar! Pumunta ako sa kusina para tignan kung anong ulam at nang maka kain na. Nakita ko ang kapatid kong si drake, college student pero hindi ako sigurado kung nag aaral ba ng mabuti o puro pang chi chick lang ata ang ginagawa sa eskwelahan. Gaya ngayon nakangiti mag isa parang tanga! Nang makakuha ako ng pagkain ay umupo ako sa tabi niya at palihim na sinulyapan ang cellphone na hawak niya at nakita kong may ka chat siya with puso puso emoji pa, tsk! " Baka malate ka niyan" saad ko sabay subo ng kanin at ng hotdog " Hindi naman ate 9:00 am pa umpisa ng klase ko ngayon" sagot niya nang hindi man lang ako nililingon at hindi pa rin matigil ang pag ngiti Nang matapos akong kumain ay naligo nako at nagbihis. Konting foundation, lip tint at blush on lang ang nilalagay ko sa mukha ko para naman mag mukhang presentable sa mga tao, hindi na ako nag kikilay dahil natural na makapal na ang kilay ko at isa pa, hindi rin ako marunong magkilay. Mag si 7:30 siguro nang matapos ako. Pagkababa ko, pasakay na sana ako sa sasakyan ng mahagip ng mata ko ang isang lalaking naka black na hoodie sa tapat ng bahay namin. Nakasandal siya sa isang magarang kotse habang naninigarilyo. Kung hindi ako nagkakamali siya yung lalaking kasama ko kagabi " Anong ginagawa niya dito?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko. Sinara ko muna ang pinto ng sasakyan ko tsaka lumapit sa kaniya Nang makalabas ako ay sakto naman ang paglapit ng kababata ko sa kin. Si Von, nang magkolehiyo kami ay naging manliligaw ko hanggang ngayon hindi ko pa siya sinasagot dahil sa pamilya ko, kailangan ko munang pag aralin ang mga kapatid ko. Kaya wala pa sa isip ko ang mag asawa " Amirah!" nakangiting tawag niya habang palapit sa kin " Ohh Von ikaw pala!" Saad ko sa kaniya nang tuluyan na siyang makalapit sa kin. Naka uniporme siya ng pang pulis, bagong ligo at mukhang magduduty na siya. Wow fresh! " Papasok kana sa trabaho? Tara sabay na tayo" pag aaya niya sa kin. Napatingin ako sa lalaking masama na ang tingin ngayon. Napalunok ako at binalik ko ang tingin ko kay Von na ngayon ay nakatingin rin sa lalaking nakasandal lang sakaniyang kotse at nakapamulsa " Sino siya?" Nagtatakang tanong sa kin ni Von at tinuro ang lalaking ito Eh sino nga ba siya? Hindi ko pa nga pala ang pangalan niya ... " Ahhh- hindi ko rin kilala eh... baka may ibang hinihintay, tara hatid mo 'ko" , pumayag na lang ako na magpahatid sa kaniya. Sinulyapan ko pa siya sandali bago kami umalis at nakita ko ang pag igting ng panga niya Pinagbuksan ako ng pinto ni Von. Kung ikukumpara ang buhay ko sa buhay ni Von ay masasabi kung malayo sa buhay na meron ako. Ang pamilya ni Von lahat ay nagtapos bilang mga respetadong Police. Mama, papa At maging ang dalawang niyang kapatid si Ate Ellise at kuya Jayvee. Ang papa niya ay retired police, ang kaniyang ina ay nananatili pa rin ito bilang Police Chief Master Sargeant. At ang kaniyang dalawang kapatid ay naka bukod na at may kaniya-kaniya na ring pamilya. " Bakit ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong niya sa kin habang kami ay nasa daan " Gaano kalalim?" " Kasing lalim ng pagmamahal ko sayo ayiieeeee!" sabay tusok niya niya sa tagiliran ko dahilan para lalo akung matawa " Ang corny mo naman sir!" natatawang saad ko at sinamaan niya ako ng tingin " Grabe ahh!" singhal niya sa'kin at tinawanan ko lang siya Gwapo naman si Von, matalino at mabait pa. Magaling maki tao kaya gustong gusto siya ng pamilya ko para sa akin. Pero kung ako ang tatanungin niyo kung may pagasa ba siya sa akin? meron naman, sa ganito kabait kagwapo ba naman ay magrereklamo pa ako. Nang makarating kami sa parmasya'ng pinagtrabahuan ko 'parmasyang sinisugurong gamot ay laging bago. Pinag buksan niya akong muli ng pinto. Napaka gentleman talaga ng pulis na ito. " Salamat!" nakangiting sabi ko Ginantihan niya ako ng ngiti " You're always welcome" , sabay halik nito sa noo ko. Hindi ko 'yon inaasahan kaya pinamulahan ang mukha ko at nailang sa ginawa niya. " Una nako anong oras na pala sige bye ingat" saad ko at mabilis na pumasok sa loob ng botika " Good morning ma'am!" Bati ni manong guard Naglog in, pagkatapos ay chineck ko ang aking temperature, yan ang pinaka unang ginagawa bilang isang pharmacist pagpasok mo ng pharmasya. Umiikot sa botika para magcheck ng expiration date ng mga gamot, ng mga brands, Mgf. date at batch number ng mga gamot na nakalista sa prescription book. Nang mag lunch break ay muli akung nag check ng temperature ko bago lumabas ng botika. " Bakss nagbaon ka?" tanong sa kin ni dallas ang aking best friend na laging nanlalait sa kotse ko. Si dallas ay moreno, matangkad, bilugan ang mata tapos naka salamin, gwapo si dallas. Kung sa unang tingin, di mo aakalaing bakla siya. Naging crush ko nga ito eh kaso lalaki din pala ang gusto, yawa " Hindi baks eh, ubos ulam sa bahay" " Ay nako baks sabayan mo na lang ako kumain share na lang tayo ng baon ko marami naman ito eh" aya niya sa kin, ngunit tumanggi ako. Minsan talaga hindi ko na tinatanggap ang mga bigay niya sa kin, kesyo naaawa daw siya kin ngunit ayaw kong maging abusado, may kaniya kaniya kaming buhay at ayaw ko namang dumagdag pa sa suliranin niya. Oo bestfriend ko siya, pero hindi naman pwedeng sa lahat ng oras siya na lang lagi sasalo sa mga problema ko, diba? Ganon? ...Ganern " Ma'am Amirah may gustong kumausap sa 'yo sa labas " tawag ng manong guard sa 'kin habang busy ako sa pakikipag chickahan sa mga ka workamate kong naka lunchbreak din gaya ko. " Nako baks first time 'yan ha, kayo na ba ng kine kwento mong pulis na manliligaw mo?" tanong sa kin ni dallas habang siya ay kumakain " Hay nako baka bagong manliligaw niya yan" Nakangiting sabat ni anne, ka work mate namin " Sa wakas magtatapos kana ng pagiging NBSB baks!" kinikilig na sabi naman ni ericka sabay hampas sa balikat ko " Hindi pa kami ni Von, Hmm maka alis na nga lagi niyo na lang akung binubully sa pagiging NBSB ko" sabay irap ko sa kanila. Isuknubit ko na ang sling bag ko " Basta baks kung ayaw mo na kay Von akin na lang,HAHAHAHHA charet! sige na gora kana bumalik ka ha baka mamaya itanan kana ng lalaking 'yan" ,bilin sa kin ni dallas sabay kumpay niya ng kaniyang kamay " BYE! " paalam ko habang kinakaway ang kamay ko patalikod Bago ako lumabas ay tinanong ko muna si manong guard kung anong itsura ng gustong kumausap sa 'kin " Basta may itsura ma'am at mestiso , nasa labas siya" sabi ni manong guard, lumabas ako para tignan kung sino ang sinasabi niya Paglapit ko ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha. Naninigarilyo nanaman siya Kapre ba ito? Tanghaling tapat may kapreng nakatambay. Nang makita niya ako ay agad niya itong itinapon at ibinuga ang huling usok na nasa bunganga niya " Hi " Saad niya nang makalapit siya at pawis na pawis ganon pa man ay mabango pa rin ang amoy niya. Bakit ba naman kasi dito siya nag hintay, eh talagang pagpapawisan siya dito sa labas, ang init! Kinuha ko ang panyo ko sa sling bag at inabot sa kaniya, di pa gamit 'yon. Baka kasi sabihin niyo gamit na " Thank you" anas niya at tinapunan niya ako ng mabilis na ngiti. Bakit ba ako hinahanap ng lalaking 'to. Hindi kaya, maniningil siya ng utang ko kagabi Inunahan ko na siya, " Magkano na nga ulit yung utang ko sa 'yo kagabi?" alam ko namang sisingilin lang niya ako. Baka gipit din " No!" mabilis niyang sagot " Hindi pera ang kailangan ko kaya ako nag punta dito" saad niya habang naka tingin sa mga mata ko " Eh anong kailangan mo?" Pagkatapos ay napangiti siya ng bahagya. Humakbang siya palapit sa 'kin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko bago siya nagsalita "Your time!" nakabibighaning saad niya. Naks!. Napalunok ako " H-hindi p-pwede may duty pa ako" nauutal kung sabi habang kinakabahan. Naging mabilis ang pagtibok ng puso ko sa paglapit ng lalaking 'to sa kin Ni hindi ko pa alam ang pangalan niya pagkatapos ay sasama ako sa kiniya, tsaka kapag biglaan akong hindi pumasok papagalitan ako at makakaltasan ang sahod ko. Ang dami ko pang bayarin ngayong buwan jusko naman tapos ay ako lang ang may trabaho " Ako ang bahala sayo" pamimilit niya kin sabay kindat niya " Ayuko pa din", aba! kapag ako nawalan ng trabaho may magagawa ba siya?. May kung anong kinuha siya sa bulsa niya maya-maya pa ay pinakita niya sa kin ang kinuha niyang piso " Cara y cruz?" ,tanong niya sa kin, at iniharap niya ang hawak niyang barya sa 'kin, napakamot tuloy ako ng ulo dahil sa pauso na ginagawa ng lalaking 'to sa harap ko " If it is a tail you will come with me", pagkatapos ay pinitik niya ang barya paitaas ang barya at inilapag sa likod ng kamay niya. Para naman akung tumaya sa lotto na naghihintay sa kung ano ang lalabas kung ulo ba o buntot ... Unti-unti niyang tinanggal ang nakatakip niyang kamay, At buntot nga ang lumabas nang tuluyan niyang tanggalin ang kamay niya, pagkatapos ay tumingin siya sa kin at abot na tainga ang ngiti niya. " The coin says you will come with me" nakangiting sabi niya. Namulsa siya at tila naghihintay sa sasabhin ko Inirapan ko siya. " Saan ba kasi tayo pupunta? " Hindi naman siguro to kidnapper, noh? O kaya carnapper! Nako sa paraan palang nagpagkakasandal niya sa kotse ko kagabi, alam kong may balak na 'to eh. Nako hindi pwede. Kaya nagisip ako ng mabuti " Pumapayag kana?" " Sige na, Oo na " pinag isipan ko ito ng mabuti. Ewan ko ba napaka komportable ko sakaniya, kahit noong una ko pa lang siyang nakita Nasulyapan ko pa ang kumpulan ng aking mga kaibigan habang pinapanood kaming naglalakad bago sumakay sa sasakyan niya. Siya ang nagsuot ng seatbelt ko tuloy ay lalong lumakas ang t***k ng puso " I can hear your heartbeat, do you know what it says?" tanong ng baritonong boses niya habang nakalapit ang mukha niya sa kin at nakangisi. Para tuloy akong yelong unti-unting nalulusaw sa titig niya " A-ano?" Nauutal kong tanong " Reidjantugtog-reidjantugtog-reidjantutog", napakagat siya ng labi para pigilan ang kaniyang tawa sabay pindot niya ng ilong ko. " Masyado kang seryoso ha?" ngingiti-ngiting anas niya at umayos na upo " tsk! pag ako talaga nawalan ng trabaho lagot ka sa kin " babala ko sa kaniya at inirapan ko siyang muli Kinindatan niya sa ako. " Ako ang bahala ... just trust me" Wait. reidjan ang pangalan niya? Parang naririnig ko na ang pangalan nito hindi ko lang alam kung saan. Dumaan muna kami sa isang restaurant para kumain dahil malayo layo raw ang pupuntahan namin. Pagkatapos naming kumain pina palitan niya sa kin ang uniform na suot ko sa binili niyang damit kanina bago niya ako sunduin. Siguro ay nasa dalawang oras ang byahe bago kami nakarating nakatulog na nga ako sa sobrang haba ng byahe. Pag buklat ko ng mga mata ko, malayo na kami sa syudad kung saan maraming mga nagtataasang mga building at mga kabahayan. Binuksan ko ang bintana at ini enjoy ang sariwang hangin " Hanggang ngayon di ko pa alam ang pangalan mo ... so what's your name?" tanong niya sa kin, habang ako nakadungaw ako sa bintana " Pangalan ko ay Amirah ...Revierie Zacarias " sagot ko sa kaniya " What a beautiful name, my name is Reidjan Constantine" saad rin niya " Maganda rin naman ang pangalan mo" nginitian ko siya. Nakita ko ang pasimpleng pagngiti niya Liniko niya ang kaniyang sasakyan sa isang lugar kung saan wala kang ibang makikita kung hindi ang kulay green na mga malalaking puno, palayan at mga damo. Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan sa patag na bahagi. pinagbuksan niya ako ng pinto, sumalubong agad sa kin ang presko at malamig na simoy ng hangin kasabay nang pagtunog ng mga sumasayaw na sanga ng mga puno. " Ang ganda dito reidjan!" nakangiti kong sabi at inilibot ang aking tingin, nasulyapan ko ang dalawang babaeng nagba barbeque at ang dalawang lalaking nag tatayo ng kani kanilang tent " Nako reidjan mukhang may nauna na dito" saad ko habang nakatingin pa rin sa kanila " They are my friends, come let me introduce them to you" sabay hila niya ng kamay ko. Dinapuan ako ng hiya. Baka isipin nilang kung saan lang ako napulot ni reidjan. Mukha pa naman akong hampas lupa Kumaway si Reidjan sa kanila. " Hi guys!" Saad ni reidjan habang palapit kami sa kanila " Reidjan!!" Bati ng isang babae " Love, Reidjan is here! " sigaw niya sa lalaking abalang nagtatayo ng tent sa di kalayuan. Napalingon silang dalawa kay reidjan. Hindi ata nila ako napansin dahil nasa gilid niya ako. " Wala akong pakealam!" Sigaw niya at muli siyang bumalik sa pag aayos ng tent Napangiwi tuloy si reidjan sa sinabi ng kaibigan... " Ahhhhhh... Hi I'm Alaia Viglianco and that man is my husband Nikko Viglianco" nakangiting baling ng alaia sa kin sabay turo niya ng lalaking nagsabing 'Wala akung pakealam' " Hello! ako si Amirah Revierie Zacarias, amirah for short Hahaha " nahihiya kong sabi at nakipag kamay " Ako di mo ba ako balak kilalanin?" nakangusong sabi ng isang babae at nag cross arm siya " Hi I'm Amirah" at inilahad ko ang kamay ko sa kaniya Nginitian niya ako. " I'm Cheska Myers, Tristan's fiance. Nako teka yung barbeque mukhang luto na!" at dali dali siyang bumalik sa kaniyang ginagawa. Puro pala may mga partners ang nandito kaya lang siguro ako sinama ni Reidjan para may kasama siya? " Girlfriend reidjan?" biglang tanong ni alaia sa kaniya dahilan para malaglag ang panga ko. Nagtinginan kami ni reidjan " Hindi ko siya girlfriend pero soon magiging girlfriend ko siya" sagot nito. At tuluyang nahulog ang panga ko. Pinamulahan ako at napipi sa naging sagot niya " Pero paano si Ica?" tanong niyang muli, sinong ica? Tumingin sa kin si alaia pagkatapos ay muli niyang ibinalik ang tingin niya kay reidjan, sinamaan niya ng tingin si alaia tsaka ito sumagot ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD