Farah's POV Inabot na kami ng dilim sa daan, nagpatuloy naman sa pagda-drive si Derrick hanggang pumasok kami sa isang exclusive subdivision. Alam ko ng mayaman siya pero parang wala namang nagbago, hindi ko pa din ma-feel, pano ba naman eh lagi siyang walang pera, pero nung pumasok kami dito ay wow. Talagang napapa-wow ako sa mga hitsura ng bahay na nadadaanan namin. Large houses, perfect landscaping, and expensive cars, mga katangian para masabi na nasa lugar ako ng mayayamang tao. Hanggang sa tumigil kami sa isang malaking gate, at mula dito ay kitang-kita ko kung gaano kalaki ang bahay na pupuntahan namin. Hindi lang malaki, as in sobrang laki kaya napatanong ako sa katabi ko. "Is that you're house?" Habang ang paningin ko ay nanatiling nakatingin pa din sa malaking bahay na 'yu

