Farah's POV Kumakain ako ng french fries, at umiinom ng softdrinks habang si Derrick naman ay patuloy pa din sa pagda-drive. "Babe, peyngeng french fries." Ang sabi ni Derrick, sabay buka ng bibig niya, kaya sinubuan ko naman siya. Tignan mo 'to kanina nagrereklamo ng sinubuan ko siya ng french fries, nagsorry-sorry pa ko pero sabagay basta ko lang kasi sinalampak sa bibig niya kanina, at muntik na siyang mabulunan. Siyempre dahil sinusubuan ko siya ng french fries ay itinapat ko na din sa bibig niya ang straw ng hawak ko'ng softdrinks para makainom din siya. Ayos din nakakuha siya ng magpapakain sa kanya pero sabagay nakakuha din naman ako ng driver. Akala ko talaga kanina ay ayaw na niya ko ipag-drive na dati naman niya ginagawa tapos bigla bigla ayaw na niya. Ano porket sinabi ko

