Derrick's POV Ayaw gumana ng pangroromansa ko sa kanya habang nasa walk-in closet kami kanina, at ngayon nga ay nasa tapat na kami ng kama. Ibinigay niya sa akin ang unan, at huwag ko daw siya tabihan, siyempre nung una nagreklamo pa ko. Isipin mo unang gabi namin dito ay sa sahig niya ko patutulugin. Kaso talagang galit pa din siya, kung magmamatigas ako ay uuwi daw siya sa apartment niya kaya sinunod ko ang utos niya. Kaya heto ako ngayon na sa sahig nga nakahiga. Fùcking shìt! Hindi ako makatulog. Umupo ako para silipin kung tulog na ba si Farah Babe, at mukhang tulog na tulog na nga. Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa sahig. Hindi naman niya siguro mahahalata kung tatabihan ko siya, mukhang malalim na ang tulog niya. Dinampot ko ang unan mula sa sahig, at unti-unti, dahan-daha

