Derrick's POV Agad ako'ng nagmadaling magbihis dahil sasama ako sa kanya. Akala niya papaiwan ako dito, linggo naman ngayon eh, wala naman akong pasok so, sasamahan ko siya kahit saan pa niya gusto magpunta. "Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko, sandali lang ako, kukunin ko lang 'yung ibang mga gamit ko!" Ang mataray niyang sabi pero hindi ko siya pinansin, habang nagsusuot ako ng maong pants. Ah, basta kahit ayaw niya sasama ako. Hanggang sa natapos na ko magbihis. "Oh, tara na babe, ang bagal mo naman, naunahan pa kita!" Sabay kindat ko sa kanya. Naglakad naman siya papunta sa direksyon, inginuso ko pa ang lips ko ng malapit na siya sa akin pero nilagpasan lamang niya ko. Sungit naman oh! Lumabas na siya sa walk-in closet para sundan siya pero fùcking shìt lumabas na pala siya n

