Derrick's POV Nagmadali ako'ng magpunta ng banyo para sundin ang utos ni Farah Babe. Hindi ako nagdalawang isip na sundin ang kagustuhan niya, dahil ang mahalaga ay nandito na ako sa loob ng apartment niya, at hindi niya ko pinapaalis. Mabilisan ako'ng naligo, at ng paglabas ko ng banyo ay agad naman niya kong sinita. "Ang bilis mo naman matapos, naligo ka ba talaga, bumalik ka sa loob, gusto ko isang oras ka maligo, kuskusin mo maigi ang buong katawan mo mula ulo hanggang paa!" Ang pagalit niyang utos sa akin, at inabot niya pa sa akin 'yung maliit na digital timer na ginagamit niya sa pagluluto at sinet niya pa talaga for 60 minutes. Wala naman ako'ng nagawa kung hindi kunin ang inaabot niya, at pumasok muli sa loob ng banyo, hindi ko magawang umangal dahil kitang-kita sa face niya

