Farah's POV Panay ang katok ni Derrick sa may pintuan pero ayoko siyang pagbuksan, ano ganu'n ganu'n na lang magdusa siya. "Farah para kang ewan, papasukin mo na 'yung asawa mo!" Ang sita sa akin ni Ava. Sa tantiya ko ay mga thirty minutes na atang nakatok sa labas si Derrick pero wala akong pakielam. "Ayoko nga, magdusa siya!" Ang agad na sagot ko. "Grabe ka, napanood na natin yung kuha ng CCTV malinaw na sadyang baliw yung secretary niya, huwag mong sabihin hindi ka naniniwala sa napanood natin." She said while pointing her fingers at me, halatang kampi talaga siya kay Derrick. Sinend kasi sa akin ni Derrick ang mga CCTV footage na kuha sa office, kung saan naka-cut na ang mga scene na pinaggagawa ni Miranda. Napanood namin sa footage na may hinalo si Miranda sa kape na itinimpla

