Derrick's POV Nagising ako ng may naramdaman ang malamig na tubig na ibinuhos sa may mukha ko. Agad kong nabungaran si Ate Denise na may hawak na bote ng mineral water, at si Daddy sa hindi kalayuan pagkamulat ko ng aking mga mata. Unti-unti ako'ng bumangon at napansin ko na nakasubsub pala ako sa mga importanteng dokumento na binabasa ko kanina. "What the fùck?! Ano'ng nangyari?" Ang tanging nasambit ko, at parang medyo nakaramdam pa ako ng konting pagkahilo. "Oh, what happened, wala naman masyado, it's just kanina ka pa namin kinakatok dahil naka-locked ang pintuan, and then pinabuksan namin tapos heto nakita ka namin natutulog during office hours, no big deal.!" Ang sarcastic na sagot ni Ate. "Ano'ng sinasabi niya?" Nagawi naman ang tingin ko kay Dad, and fùcking shìt, nakasimango

