Farah's POV Nang tuluyan ko ng nahubad ang suot 'kong t-shirt at jogger pants ay napatili na lamang ako sa gulat ng bigla na lamang hinawakan ni Derrick ang isang kamay ko at hinila ito. Sa lakas ng pwersa ng pagkakahila niya sa akin ay napahiga na siya sa may buhangin, at napasubsob naman ako sa may dibdib niya. I know he loves me, at lagi naman niya pinaparamdam sa akin pero sana naman ay huwag 'yung tipong mababalian na ako ng buto. Wala na talaga ako'ng masabi sa pagiging maharot ng asawa 'kong 'to and I am not complaining lalo pa't nakita ko kung sino ang paparating. Naglalakad pa rin si Sabrina papunta sa direksyon namin kaya hindi ako nagdalawang isip na sakyan ang kalandian ng asawa ko. Nakipagtawanan ako kay Derrick, at para mas sweet ang moments namin ay ako pa ang nag-init

