Farah's POV Nakakatawa lang na parang naduduwag si Derrick na mag-dinner kami kasama ang ex niyang si Sabrina. Gusto niya pa talagang palabasin na may sakit ako para lang hindi matuloy ang dinner na 'to. Anyway wala naman siyang nagawa ng naglakad na ko palabas sa villa namin, ang tanging nagawa niya ay ang sumunod na lamang sa akin. Pagpasok pa lang namin sa restaurant ay agad naming natanaw si Sabrina. "I'm sorry we're late, kanina ka pa ba naghihintay?" I think 'yun ang tamang sabihin, dahil totoo naman na late kami habang napuwesto kami ng upo. "Hindi naman, mga twenty minutes lang naman." She said while smiling. Is she being sarcastic right now?! Dahil kung Oo ay game ako makipagbardagulan. Mukhang matagal na nga siyang naghihintay dahil naka-set up na ang mga plates. Tanging

