Farah's POV After ng lunch sa restaurant ay naghiwalay na kami, I mean not hiwalay as in hiwalayan. Bumalik si Derrick at ang Daddy niya sa office at kami naman ng Mommy niya ay umuwi na sa bahay. Hindi talaga ako pinansin ni Derrick, kahit kiss man lang sa cheeks ay wala. Buti na lang gumanda ang mood ko dahil kay Baby Jacob sana magkita kami ulit para mas mabuhat ko siya ng matagal. Nasa loob na ko ng room namin at nakaupo sa kama habang kinakalikot ang bagong laptop ko. Inopen ko 'yung account ko sa isang site kung saan ako nakuha ng mga project sa online jobs pero parang wala ako sa mood para mang-hunting ng job. Chineck ko ang aking cellphone, at walang message. Nababadtrip na naman ako! Nabo-bored ako sa totoo lang pero ayoko naman mag-work ng bigla 'kong naisip na magkikita

