Farah's POV Papasok na kami sa restaurant and guess what nauna pa pala sa amin si Derrick at ang Daddy niya. Papalapit na kami sa table nila ng tumayo ang Daddy ni Derrick para salubungin ang mommy niya, at kiniss niya sa may cheeks ang kanyang asawa. Habang si Derrick naman ay nanatiling nakaupo at nagse-cellphone. "Derrick, ano ba nandito na kami?" Ang sita sa kanya ng mommy niya. Nag-angat naman ng tingin sa amin si Derrick sabay tayo at inusog ang katabing upuan at tinuturo niya sa akin, para bang itinuro lang niya sa akin na du'n ako uupo. Talaga ba Derrick?! Hindi mo talaga ako kakausapin. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga, pinag-usapan lang namin 'to ng mommy niya kanina. Mahabang pasensiya please saniban mo po ako. "Umorder ka na ba, hon?" Ang tanong ng m

