Derrick's POV Ang masasabi ko ay para sa akin ay ang cake tasting ang pinaka the best part sa pagpa-plan ng wedding namin. Buti pala ay pinilit kong makapunta dito at nag-enjoy ako sa pagtikim ng iba’t-ibang flavor ng mga cake habang kasama ang kaibigan naming si Ava and Ben. May part lang na parang napatahimik at natigilan ako ng makita ko na pasimpleng hinaplos ni Ben ang tummy ng wife niyang si Ava at napansin naman ‘yun ni Farah Babe, nagkatinginan kaming dalawa at alam kong nababasa niya sa mga mata ko ang aking naiisip, at ang gusto kong mangyari, inilapit naman niya ang kanyang bibig sa may tenga ko at bumulong. “Huwag ka ng maiinggit sa kanila, don’t worry, tayo din, soon.” Ang rinig kong sabi niya kaya napa-smile ako, at hindi ko napigilan ang aking sarili at nahalikan ko tulo

