Farah's POV Nagpasya ako na huwag na munang sabihin kay Ava na dadating pala ang asawa niyang si Ben mamaya sa cake tasting at baka mawala sa mood. Ang saya saya pa naman niya now, ipinagpatuloy na lamang namin ang aming pagkain. "You know what? May naalala ako, eh 'di ba kakasal mo lang din? Bakit parang excited na excited ka eh wala ka bang cake tasting?" Ang tanong ko sa kanya. "Walang ganu'n dahil si Nadia na ang nag-asikaso ng lahat, pinapili lang ako ng flavor at design ng cake kasi nga biglaan, ilang days lang ang preparation, at isa pa respected cake bakery ang pupuntahan natin, talagang specialized nila ang wedding, alam mo ba na kapag nag-inquire ka, it will take three months bago ka makakuha ng slot sa cake tasting, buti may Nadia at nagawa niya na makakuha ako ng slot para

