Dos POV Alas-sais palang ay naghahanda na ako para sa date namin ni Heather ang dami kong naiisip na pagdalhan sa kanya. Nasa harap ako salamin at sinisipat sipat ang sarili ko. Inayos ko din ang suot kong black t-s**t na pinatungan ko ng red checkered long sleeve polo na tinupi ko hanggang siko at pinabayaang hindi nakabutones. Pinaresan ko iyon ng black jeans at black low cut vans. Inaayos ko ang buhok ko ng mapansin ako ni Bitoy. "Naks naman talaga si kuya, poging-pogi ah." Pang aasar ni Bitoy na hindi ko naman pinansin. Maya-maya pa ay napansin din ako nila itay. "Aba Denya tingnan mo nga itong anak mo't nagbibinata." Ayan na naman po ang tatay kong alaskador. Natawa naman si inay at tinulongan pa akong ayusin ang buhok ko na ikinangiti ko. "May date kayo ni Heat 'no?" Tanon

