Dos POV Alam ko namang matagal ng gusto ni Heather na maging kami pero kanina pa siya nakatingin lang saakin. Wala man lang siyang sagot ng tanongin ko siyang maging nobya. Kinabahan tuloy ako bigla, ayaw na niyang maging kami? "Heat, alam ko na wala akong kahit anong maiibibigay sayo maliban sa pagmamahal ko. Mahirap lang kami at di ko nga alam kung----" Naputol ang ano pa mang sasabihin ko ng halikan niya ako. "Yes, Dos." Ngiting-ngiti niyang sabi ng humiwalay sakin. "Yes?" Paninigurado ko pa. "Yes!" Mas lumapad pa ang ngiti niya at niyakap ako. Niyakap ko din siya ng mahigpit at pinupog ng halik sa mukha natatawa naman siya sumiksik pa lalo saakin. "I love you, babe." Sabi ko. "I love you more, babe." Kagat pabi niyang sabi. Kontentong magkayakap lang kami sa mapayapang lugar na

