Heather's POV Eksaktong labasan nila Dos ng dumating ako. Lumapit pa siya agad sa sa car ko at saka binuksan ang pinto sa side ko at walang sabi-sabing hinalikan ako. Napangiti naman ako at yumakap sa kanya saka gumati ng halik. Naghiwalay lang kami ng pareho na naming kailangan lumanghap ng hangin. Nakangiti siyang yumakap saakin at hinalikan ako sa noo. "I miss you so much. And im sorry." Malungkot niyang bulong saakin. I rubbed her back. "It's okay, I understand. But understand too that im not gonna give you up, Dos." Sabi ko naman. Napatingin siya naman saakin. "Akala ko nga ayaw mo na akong kausapin eh." Napalabi niyang sabi na ikinatawa ko. "Crazy. When i said I like you, I really mean it. And when I say I love you I mean it too. I love you, Dos, so much." Sabi ko naman sa kanya

