KABANATA 5
"BITUING MAHIRAP SUNGKTIN"
“Kung ano man ang dinadala mo ngayon, gusto ko sanang sabihin na mawawala din iyan. Pero hindi, e. Habang nabubuhay tayo, laging nandyan yung sakit. Laging nandiyan yung paghihirap. Pero gusto kong sabihin na kaya mo ‘yan. Alam kong kaya mo ‘yan. Lahat na ng sakripisyo tiniis at kinaya ko. kahit di mo kausapin.. heto pa rin iyong-iyo, makipag-usap sa iba di magawa yan ang tutoo, mga mata'y parang bulag nagsilbing alipin mo! Minahal ka ng totoo't walang hinintay na kapalit, kahit na ang dulot mo'y puro hirap at pasakit, dapat bang tapusin na pagluha kong walang patid, pagdurusa ng buhay kong ikaw ang may hatid,sa buhay na ito'y ikaw ang tanging pinangarap, pangarap na dumating ikaw ay aking mayakap, mga ala-ala mong lalagi na lang sa ulap, mga pangarap kong walang katuparang maganap, itinuring kang isang pinakamatalik kong kaibigan, pasikut-sikot ng buhay ko'y ikaw lang ang nakakaalam, ngayong kailangan ka ikaw nga ay nasaan?, nasaan ang pangako mong ako'y hindi mo iiwan? Sinabi mo sa akin ako'y iyong mahal, na kung susukatin wala kang paglagyan, lahat ba'y nagbago dahil sa ating kinalalagyan? O sadyang ikaw'y may iba ng minamahal? Bat di mo sabihin akin namang mauunawaan, wag ka ng magtago pa't maghabi ng mga dahilan, Dapat bang maging hadlang ang distansya nating pagitan? pagmamahal na pangarap ko'y dapat na nga bang wakasan? Ginawa ko ng lahat aking makakayanan, kung paanong pag-ibig ko sayo'y aking iniingatan... Sadyang ikaw na nga tumapos sa sumpaan, hindi mo man sabihin, ang salitang paalam! Wag kang mag-alala ako'y walang hinanakit, tanggap ng puso ko wala kahit konting galit, Salamat sa iyo ito man ang ating sinapit, ganyan talaga ang buhay, parang sugal ang pag-ibig, Hibang nga ba ang pusong labis na nagmamahal? O sadyang bulag lang harapin ang katutuhanan, pag-ibig daw ay bulag sadyang kasinungalingan, imulat ang isipan, lahat iyong makakayanan. Paalam sa iyo, tunay kong minamahal, tunay na ligaya iyo sanang matagpuaan, hangad ko'y iyong makamit lubos na kaligayahan, maluwag sa kalooban, mahal ko paalam, Mahal? Paalam na , paalam na sa mga araw at oras na tayo'y masayang magkasama, Paalam na sa mga masasayang ala-ala na binuo nating dalawa, Paalam na sa mga matatamis na salita na binanggit natin sa isa't isa, Mahal? Paalam na sa mga ngiti tawa, iyak, halakhak at sakit na nangyari sa ating dalawa, Mahal sana alam mo kung gaano kasakit sakin ang salitang paalam, Sana alam mo kung gaano ito kahirap bitawan, Yung dating tuwa, at pagmamahal, ay napalitan ng iyak, at salitang paalam, Ang hirap, ang hirap hirap, ang hirap muling bumangon sa sakit ng aking nararamdaman, Kaya ko namang tiisin lahat ng sakit na dulot mo, Wag lang nating banggitin sa isa't isa, ang salitang paalam, Mahal paalam na sa lahat lahat , lahat ng nangyari sating dalawa ay naging isang ala-ala nalang talaga. Hindi ko inakala na sa isang iglap, mawawala lahat ng ala-alang ating ginawa, Ginawa natin ng mag kasama, Mahal? Mahal kita pero PAALAM NA!"
Biglaang nagising si Lucas sa kaniyang napaka masalimuot na panaginipan, pawis na pawis si Lucas at kinakabahan, di maipinta ang mukha, tulala at hinahabol ang hininga nito.
Kinabukasan nag bukas ng usapan sa akin ang aking kaibigan na si Akie bakit ang daming hadlang pag-nakikita silang dalawa na magkasama ni Kathy,
"Pre bakit yan ang pinili mo hindi naman kagandahan"
"Bakit yan pinalit mo sakin, eh mas maganda pako dyan e"
Boys wag kayong makinig sa mga sinasabi ng mga katropa niyo or mga ex nyo at sa kung sino mang ibang tao. Dahil tayo ang nagmahal at Hindi sila. dahil kong mas better pa sila edi sana sila na ang pinili natin, kaso Hindi eh dahil mas better pa yung taong nakilala natin ngayon. h'wag nating basihan ang pisikal na anyo ng isang babae kundi yung ugali nya mismo. aanhin naman natin ang kagandahan kung ang sama naman ng ugali. diba?
Mas maganda na yung piliin mo yung babaeng simple lang at walang arte kasi kahit Hindi mo siya madala sa mga mamahaling restaurant ay okey lang sa kanya. kung para sa ibang tao ay hindi sila kagandahan pero para sa paningin natin sila na ang pinaka magandang dyosa ng buhay natin.
Isisingit ko lang muna ang storya naming mag Jowa ah, Siya yung unang babaeng nakilala ko na sobra-sobra kung mag sikap, siya lang yung babaeng nakilala ko na sobra sobra kung maka surpresa siya lang yung unang babaeng nag sikap sakin gumawa ng surpresang kahon, siya lang yung unang babaeng hindi nahihiyang ipagsigawan sa buong mundo na ako lang yung mahal niya, siya lang yung unang babaeng naguudyok sakin na gumawa ng proyekto, takdang aralin at nag-uudyok sakin na kailangan kong mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan ko at ng pamilya ko, at lahat naman ng mga payo niya sinunod ko at ang naging resulta with honors kami pareho sa room at nung gumraduate kami ng kolehiyo laking pasasalamat ko sa kanya dahil inalalayan niya ako sa tamang paraan Hindi ko matatanggap ang medalyang suot ko nuong graduation day namin.
Dahil sa kanya lalo akong ginanahan mag-aral maraming pagbabago ang nangyari sa buhay ko nung nakilala ko siya. kung noon palagi akong absent sa school, palagi akong Hindi nakikinig sa klase, minsan hindi ako gumagawa ng projects at assignments kaya ang naging resulta mababa ang mga nakuha kung grades.
Pero simula nung dumating siya maraming nagbago palagi nakong present sa school, palagi nakong nakikinig sa klase at palagi nadin akong gumagawa ng assignments and projects ng dahil yun sa pag papalakas ng loob niya sakin siya yung babaeng walang arte kasi kahit sa harap ko nag kakamay siyang kumain hindi siya nahihiyang magsabing natatae siya or nauutot sabay paamoy pa sakin kung mabaho ba sobrang clingy niyang babae Kasi kahit sa harap ng maraming tao Hindi siya nahihiyang sabihan ako ng mahal kita kahit sa maraming tao Hindi siya nahihiyang makipag holding handa sakin at yumakap sakin ganyan siya ka proud na nobya. Hindi siya yung tipo ng babaeng maluho, streetfoods lang sa daan ay ayos na sa kaniya. Wala na akong ibang mahihiling pa. Kung sino siya noong una ko siyang nasilayan, siya padin ang babaeng hanggang ngayon ninuman ay papangaraping makamit.
Napatawad nga ako ng babaeng minahal ko, ooppsss... pansamantala nga lang pala, tulad ng pangako ko sa kaniya sa oras na dumating si Mark. Ibabalik ko na siya, parang nanghiram lang ako ng ginto tapos ibabalik ko lang kapag nandiyan na ang nagmamay-ari sa kaniya. Ang hirap bitawan ng taong ginawa mo nang mundo mo.
Napakahirap ibalik ng tiwala kapag ito ay nagalusan na lalo na kung napakasakit ng ginawa nito sa iyo, kahit ganun pa man kaya mong magpakatanga sa kaniya kahit na nasasaktan ka na at umaasang balang araw ay maibabalik ang dating kami, kapag mahal mo ipaglaban mo dahil sa mga problema na kahaharapin mo ay mismong problema na lang ang susuko sayo lalo na kung napaka positibo mong nagmamahal.
Muling nag paramdam si Mark kay Eula, isang mensahe ang natanggap ng dalaga galing sa hindi pamilyar na numero. "nakakamiss yung mga panahong kapiling pa kita sana di ko hinayaang mawala ka, kung mabibigyan muli ako ng pagkakataon upang makapiling ka hinding-hindi ko na hahayaan pang mawalay ka sa piling ko, nagulat ang dalaga sa nabasa nito. " Nagkakamali ka ata ng numero?" wika ng dalaga. "Si Mark ito Eula."
Tirik ang araw, maiingay ang busina ng dyip habang nag-aantay si Eula ng masasakyan, patungo sa paaralan. Nang biglang may bumulong sa kaliwang bahagi ng taenga ni Eula gawi sa kaniyang likudan. "Maligayang kaarawan" malaking tinig ang kaniyang narinig.
"Mark? ikaw pala yan, kamusta?" gulat na sambit ng dalaga. "Oo, Eula tara sabay na tayo, parehas lang naman tayo ng iskwelahan e." sagot naman nito. "Talaga ba? totoong lumipat kana sa aming paaralan?" pang-uusisa ng dalaga. Nagpatuloy ang usapan ng dating magkasintahan.
"Kamusta kana? kamusta kayo ng nobyo mo?"
"Ayon, di ko akalaing magagawa niyang maghanap ng atensyon sa ibang babae, ang masaklap pa doon ay yung hindi lang isang babae, madami sila hindi ko na inisa-isa pero ang sakit padin. Totoong napakahirap magpatawad, pero mas mahirap makalimot. Ano pa ba ang magagawa ko? kundi tanggapin nalang anh katotohanan, ang pagpapatawad na lang ang mag-papalaya sa akin."
"Aba matindi pala yang nobyo mo!"
"Masaya na ako, kung anong meron ako ngayon."
"Alam ko namang, mabait ka pero mainaman pading alagaan mo ang sarili mo."
"Salamat Mark, ikaw kamusta? kayo ng nobya mo?"
"Ahh, eto single may inaantay pa kasi ako e, yung babaeng pinangakuan ko dati pero mukhang komplikado pa sitwasyon niya sa ngayon e kaya hindi muna siguro ako papasok."
Napasarap ang usapan ng dalawa, animoy magkaibigan lang at walang ilangan sa isa't-isa.
Hindi lamang isang beses nag-paramdam si Mark kay Eula. Kahit pa halata ang sabik nitong mapabalik si Eula sa kaniya. Hindi naman nagpadala at nag bigay motibo sa kaniya ang dalaga.
"Susungkitin mga bituin para lang makahiling na sana'y maging akin puso mo at damdamin, kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo ang lahat ng ito'y iaalay ko sayo......" Muling napaawit si Lucas, hawak muli ang litrato ng dalaga.
"Eula, mahal hindi ko pala talaga kaya ng wala ka. Ang gago ko kasi, ang gago ko kasi, nangako ako sayo na aalagaan kita poprotektahan kita, pero hinayaan ko lang na umalis ka." Humagulgol ang binata sa inis at galit, pinag-susuntok nito ang pader habang tumutulo ang walang tigil nitong luha. Animo'y pinagsakluban ng langit at lupa ang binata.
Makalipas ang ilang buwan ay nakita ni Lucas si Eula na kasama si Mark, nag-uumapoy ito sa galit lalo na't iba ang saya sa mukha ni Eula habang pinapatawa ito ni Mark.
Hindi lahat ng pinapangarap natin ay nananatili, napakahirap man tanggapin pilit pading tatatagan aking loob. Hindi ko pala kaya na makita siyang kasama na ng iba. Hindi ko pala kayang makita siyang masaya ng hindi na ako ang dahilan ng kaniyang pagtawa, para akong binabalatan.
Lingid sa kaalaman ng binata ang sakit na nadarama ng dalaga, mas pinili nitong manahimik ngunit durog na durog ang kalooban.
Isang balita ang ipinahatid ng Ina ni Lucas may liham ito para sa anak.
"Anak, patawarin mo ang mama sa mga pagkukulang ko. Alam kong nag-kulang ako sa inyong magkakapatid. Mahal na mahal kita anak, kaya ako naghahanap-buhay upang maiahon ko kayo sa kahirapan. Anak, sana mapatawad mo ako. Nais kong bumawi sayo, binigyan ako ng panginoon ng pagkakataon upang matulungan ka, nais ng aking amo dito sa Singapore na bigyan ka ng magandang trabaho. Sa Lunes na ang alis mo at inihanda ko na din ang Visa mo. Sana'y dinggin mo ang aking liham. Nagmamahal, Mama."
Isang liham na pumukaw sa damdamin ng binata, sa wakas at nakamit na din niya ang matagal na niyang inaasam ang paghingi ng tawad ng kaniyang ina.
Gayunpaman ay nagugulumihanan padin si Lucas sa magiging disisyon nito. Biglaan ang pag-alis ng binata.
Dalawang araw bago ang pag-alis ng binata ay napagpasyahan nitong magpaalam kay Eula. Kaya naman ay pumunta ito sa tahanan nila Eula, ngunit walang katao-tao dito.
"Baka umalis lang sila." wika nito sa sarili.
Wala ng oras ang binata, kung kaya't hindi na siya muling nakabalik kanila Eula, sapagkat kinakailangan niya ng asikasuhin ang mga gamit na kaniyang dadalhin.
"Mahal, pangako babawiin kita kay Mark, pangako babalik ako dito. Bubuo na tayo ng pamilya, mayroon na din tayong sariling bahay, gagawin kitang Prinsesa."
Mula ng lumipad pa Singapore si Lucas ay wala na itong naririnig na bakita tungkol sa dalaga. Nagsumikap ang binata nagtrabaho siya hanggang sa unti-unting nakakapag-pundar ng mga properties. Sagana si Lucas dahil sa pagpupursige nitong maabot ang kaniyang pangarap.
Lingid sa kaalam ni Lucas ay ang unti-unting panghihina ni Eula, magmula noong malaman nito na umalis na pala ang Minamahal.
"Kailan mo balak sabihin kay Lucas ang sakit mo? Eula may oras ka pa." tanong ni Kathy.
"Paano ko nga ba sasabihin kung nakalimutan niya na ako?"
"Noong Kolehiyo tayo, naalala mo noong na hospital ka? sinabi mo na huwag ipapaalam kahit kanino, pero hindi din ba karapatan ni Lucas malaman ang kalagayan mo?"
"Oo, Best alam ko yun kaya minabuti ko nang hindi ipaalam yun dahil ayaw kong mas masaktan pa siya, mas ok na siguro na naghiwalay kami para hindi siya masaktan ng sobra kapag nawala na ako." tumulo ang luha ni Eula.
"Best, anu ka ba ? wag ka ngang mag-sasalita ng ganyan! gagaling ka huwag kang panghihinaan ng loob, gagaling ka!"
Oras ng pahinga ni Lucas sa trabaho, nang mapatingin ito sa mga bituin, bumalik lahat ng ala-alang kasama nito si Eula. Ang unang kasunduan ng dalawa, animo'y huminto ang oras ng binata habang sinasariwa nito ang gabing kapiling niya ang minamahal.
"Ikaw ang naging dahilan ng aking pagbabago, naging mas malakas ako sa bawat araw na kasa-kasama pa kita, sandigan ka sa lungkot at ligaya. Kung kaya ko lang sungkitin ang mga bituin sa kalangitan ginawa ko na mapasakin ka lang muli."
"Sana sa aking pagbalik, maramdaman mo ang prisensya ko, maramdaman mong totoo lahat ng nararamdaman ko para sayo, totoong hindi ko kaya na wala ka sa akin aking sinta. Sana'y magkaroon pa ako ng pagkakataon na makasama ka. Tanggapin mo sanang muli ang aking pag-irog mahal ko."
"Panginoon ko, kung nadidinig mo ako, hindi ko malilimutan ang bawat pagtangis ko mabigyan mo lang ako ng pagkakataon na makasama at mapasaya si Eula. Pangalawang pagkakataon ko muling lalapit sa iyo, nasaan man siya ngayon sana huwag na huwag mo siyang pababayaan, bigyan niyo pa ako muli ng pagkakataon, kahit pa mariming beses na akong nag kamali." Labis ang pag tangis ng binata.
Natigilan si Lucas sa pag-luha ng marinig nito ang pag tunog ng kaniyang telepono.
"Kuya Lucas, kailangan mo ng umuwi dito sa Pinas... Si Ate Eula"
"Bakit anong nangyari sa kaniya?"
"Kuya, kinakailangan mo na siyang mapuntahan sa lalong madaling panahon. Malubha ang kalagayan niya ngayon nasa hospital siya."
Nanginginig ang binata sa nalaman, di mapakali at pabalikbalik ang lakad nito. Gumawa agad ng paraan si Lucas upang makauwi ng Pinas.
Pagka landing ng eroplanong sinakyan ni Lucas, ay wala itong atubiling lumabas, nagmamadali, wala pang pahinga ang binata ng tumungo sa hospital kung saan naka confine si Eula.
Sa Hospital, nakasalubong ni Lucas ang stretcher na may naka talukbong ng kumot, kasabay naman ang pag-aninag ng binata sa Ina ni Eula na tumatangis.
"Tita?" napaluha ang binata.
"Nasaan po si Eula?"
"Malubha na ang sakit niya, iho matagal niya na tong nilhim sa iyo. Pasensya kana at di na kami nakapag-sabi sa iyo, minabuti na ni Eula na huwag kang gambalain. sa katunayan iho, Mahal na mahal ka ng anak ko, walang araw na hindi siya umiiyak dahil sayo, hindi na din siya makakain kakaisip sayo."
Napaluhad na lamang ang binata sa narinig, humingi ito ng tawad sa ina ni Eula, "Paumanhin po sana mapatawad niyo ako, buong akala ko naging sila ni Mark, noong nagkaroon ako ng pagkakataong makapag trabaho sa ibang bansa ay sinikap ko. Dahil nais ko pong bawiin ang anak niyo kay Mark. Ngunit nag-kamali ako. Hindi ko dapat siya iniwan. Hindi dapat."
Kinakailangan ng operahan ni Eula kaya naman, minabuti na ni Lucas na sa ibang bansa ito ipagamot.
"Mahal, patawarin mo ako. Sana'y malaman mong mahal na mahal kita. Hindi ko ninais na mapahamak ka, hanggang sa dulo pinapangako kong sasamahan kita."
"Lucas, mahal?" Tumangis ang dalaga labis ang galak ng makitang muli ang binata.
"Patawarin mo ako Eula. Hanggang sa dulo. Tayo padin, ipaglalaban kita, hindi ko na kaya pang bitawan ka. Labis ang aking tiniis na panahon makapiling ka lang muli, hindi ko na ito palalampasin pa.
Nag-handa na ang lahat sa pag-alis nina Lucas at Eula.
"Lucas, ingatan mo si Eula anak. Mahal na mahal ko yan."
"Opo tita, hinding-hindi ko po iiwan si Eula."
Sumakay na ng eroplano ang dalawa. Laking tuwa ng dalawa at muli silang nag-kasama, wala na nga talagang hihigit pa sa pag-ibig na pinaghihirapan at pinagsusumikapan. Imposible man sa mata ng iba. Tayo padin ang gagawa ng ating tadhana.
"Isang private plane ang bumagsak sa isang resort sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna bandang alas-3 ng hapon Linggo, batay sa ulat ng mga awtoridad."