KABANATA 4 “KINANG NG BITUIN”

3051 Words
KABANATA 4 “KINANG NG BITUIN” “Hindi maipaliwanag ang aking nadarama sa tuwing nariyan ka aking sinta, ikaw ang nagsisilbing liwanag sa madilim kong gabi. Hindi padin ako makapaniwala na nariyan ka sa aking tabi. Eula, mahal na mahal kita. Wika ni Lucas sa dalaga. Hinawi ng binata ang buhok ng dalaga gawi sa likuran nito, dahan-dahang hinaplos ang malambot nitong mukha, habang unti-unti namang papalapit ang mukha ng binata sa dalaga na halos magkadikit na ang kanilang mga labi. Pare, pare....! Isang malakas na sigaw ang gumising sa binata sa pagkakatulog nito sa tumba-tumba. Ano ka ba pare ang ganda-ganda ng panaginip ko e, nandun na e panira ka talaga kahit kailan! reklamo ni Lucas. Pare hindi ba naman kita gigisingin? e ngayon ang unang araw ng pag-susulit natin, nakalimutan mo na ba? Mahuhuli nanaman tayo sa klase baka gusto mong bilisan sa pagkilos? wika naman ni Akie. Oo na ito na, kikilos na! sabik na akong makita ang pinakamamahal kong babae. Naabutan ni Lucas si Eula sa loob ng silid-aralan, seryoso ito at mistulang hindi ma-ipinta ang mukha. Agad naman itong nilapitan ng binata. Ayos ka lang ba Eula? Mukhang problemado ka ata? pang-uusisa nito sa dalaga. Ahhh e, nakakahiya man, pero aamin na ako. Napayuko ang dalaga sabay hawak sa kamay ng binata. Anong ibig mong sabihin? kabadong tanong ni Lucas kay Eula. Nahihirapan na ako Lucas, hindi ko alam, hindi ko maintindihan. Nangingilid na ang luha ng dalaga. Nandito lang naman ako e, tutulungan kitang makalimutan siya. Agad na tugon ni Lucas. Ibig kong sabihin, hindi ko maintindihan kung paano gagawin itong sa Sipnayan hindi ko alam kung paano nakuha yung sagot, mamaya na yung pag-susulit, baka wala akong masagot maari mo ba akong turuan?. Tanong naman ng dalaga. Ahh, yun lang pala, akala ko kung ano na, walang problema. Malakas ka sakin e. Matapos ang pag-susulit ay nakakuha ng mataas na marka si Eula kumpara kay Lucas, laking tuwa ng dalaga na nakasagot siya sa pagsusulit. "Lucas salamat nga pala ah? napakagaling mong magturo, natuto talaga ako." bakas sa mukha ni Eula ang galak. "Sabi ko naman sayo e, kaya mo yan!" Bungisngis na sagot ni Lucas kay Eula. Matapos ang maagang uwian ng mga mag-aaral ay nag-kaayaan ang magkakaklase na tumungo sa kalapit na mall ng iskwelahan. Dahilan na din upang mas magkaroon pa ng oras ang dalawa upang makapag-usap. Sa entrans ng mall papasok na sina Eula at Lucas ng "Kuya, may bomba bag niyan!" Pang-aasar na sambit ni Eula sa gwardya. Kasabay ang pagturo nito sa bag ni Lucas. "Iha, lumabas kana!" galit na sambit ng gwardya sa dalaga. "Bakit ho?" Balik na tanong nito na may kalapit na pag-tataka. "Miss, lumabas ka nalang" singit naman ng babae’ng kasunod ng dalaga sa pila. Hindi na nakapagsalita si Eula sa pag-kakapahiya. Lumabas ang dalaga, tulala at nangigilid na ang mga luha dahil sa hindi maipaliwanag ang nadarama. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang pagsunod sa kaniya ni Lucas. "Tara na pasok na tayo, wag ka ng umiyak, ano ba kasi ginawa mo?" Pag-aalalang sambit ni Lucas. "Sinabi ko lang naman na may bomba bag mo e, nagbibiro lang naman ako tapos pinalabas ako ng gwardya. " Kasabay ang pagtulo ng mga luha nito habang nag-kukwento sa binata. "Kaya naman pala e, bawal kasi yun. Bomb threat ang tawag dun, Hindi ka pu-pwedeng mag-biro ng ganun lalo na sa mga ganitong pasyalan." Tugon naman ni Lucas. Patuloy padin ang pagtulo ng luha ng dalaga. Dali-dali namang hinawakan ni Lucas ang kamay ng dalaga at dinala ito gawi sa likurang entrans ng mall. "Saan tayo pupunta?" Tanong ng dalaga. "Dito tayo dadaan sa likod, Hindi ka naman nila mamumukhaan e, sa dinami-dami ba naman ng tao dito?." Sabay ngiti sa dalaga. " Sandali lang huhubadin ko lang ang aking dyaket upang Hindi nila ako makilala." May pilosopong ngiti ng dalaga. Agad naman silang nakapasok sa mall. Binitbit ng binata ang bag ng dalaga, upang mas lalong mapagaan ang pakiramdam nito, halos lahat ng madaanan nilang gwardya ay kinakatakutan ni Eula, sa pag-aakalang baka palabasin nanaman siya ng mga ito. "Lucas, salamat nga pala sa totoo lang ngayon ko lang naramdaman yung pinagtatanggol ako. Yung iniingatan ako, pinapalakas yung loob ko, salamat dahil nandiyan ka at hindi mo ako iniiwan." Sambit ni Eula kay Lucas habang nakaupo sila sa may kantina ng mall. "Alam mo Eula, mas nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko, sapagkat ikaw ang nagsilbing liwanag sa madilim Kong buhay. Ikaw ang dahilan ng aking pagbabago, Hindi ko din maintindihan kung bakit ganito ang aking nadarama, Basta ang Alam ko lang iniibig kita aking sinta. Hindi ka dapat sinasaktan, Hindi ko kayang nakikita kang tumatangis, sapagkat doble ang sakit na aking nadarama sa tuwing nakikita kang nahihirapan. Asahan mong aalagaan kita, pangako yan" sambit naman ng binata. Mas lalo pang nagkapalagayan ng loob ang dalawa, nagtutulungan sa lahat ng gawain sa paaralan, Si Lucas na dati'y barkada ang kasama at himalang inspirado sa pag-aaral. Walang sinasayang na oras ang dalawa, kung kaya't naipapasa nila ng maaga ang mga gawain sa paaralan. Dahilan na din upang mas lalo pa silang makilala ng kanilang mga kamag-aral at guro, bilang magkasintahan sa magandang paraan. Madalas na Cheer Leader ni Lucas si Eula sa tuwing may laban ito sa basketball, bakas ang pagiging maalaga ng dalaga sa binata, malambing ito at napaka responsableng nobya. Kung kaya't hindi lubos maisip ni Lucas ang dahilan kung bakit pinapaluha ng mga nagdaang nobyo nito ang babaeng kaniyang pinapangarap. Paglipas ng dalawang taon sa kolehiyo ay mas pahirap ng pahirap ang kanilang nararanasan. Kinakailangan na ding lumipat ng paaralan ni Lucas sapagkat di na kaya ng kaniyang mga magulang ang gastusin sa paaralan. Malaking disisyon ang kinakailangang gawin ng binata. "Eula, mahal ko gustuhin ko man sa hindi kinakailangan ko ng lumipat ng paaralan upang mapag-patuloy ko ang aking pag-aaral. Pangako mahal, magtatapos ako." Wika ni Lucas. "Mahal, natatakot ako, natatakot akong baka makahanap ka ng mas higit pa sa akin. Ngunit huwag kang mag-alala mas naiintindihan ko ang iyong sitwasyon, mahirap man mawalay sayo, titiisin ko alam kong mas makabubuti iyon kaysa hindi mo maipagpatuloy ang pag-aaral, malaki ang tiwala ko sayo mahal. Sana'y huwag mo itong sisirain." Tugon naman ng dalaga sa binata. "Nakahanap na pala kami ng iskwelahang papasukan ko, mahal nakuha ko na din ang iskedyul ng pasok ko, masusundo padin kita tuwing uwian. Pangako hindi ako papalya." Nabuhayan ang dalaga sa narinig. "Salamat, mahal palagi kang mag-iingat, huwag mong pababayaan ang sarili mo at palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." Hindi pumalya ang paghatid sundo ni Lucas kay Eula. Hanggang sa… “Mahal, sunduin kita mamaya?” Mensaheng natanggap ng dalaga sa binata. “Oo, mahal paubos na ang batterya ng aking telepono basta mag-aantay ako sayo doon sa tagpuan natin, hidi ako aalis doon kahit anong mangyari.” Tugon naman ng dalaga. Kasabay ng pagkamatay ng telepono nito. “Ang malas naman, buti nalang na ipasa ko na agad.” Pagka-bagot ng dalaga. Madilim na ang kalangitan ng makalabas ang dalaga sa paaralan. Nag-uunahan na ang mga estudyante sa pag-labas sapagkat unahan nanaman sa pagsakay ang mga mag-aaral. Tumungo si Eula sa dyip upang makasakay na, nagmamadali ang dalaga sa pag-aakalang inaantay na siya ng kasintahan. Nang makarating ito sa tagpuan ay hindi niya padin nakikita si Lucas, lumipas na ang ilang oras ay wala padin ang nobyong kaniyang inaantay. Labis na ang pag-aalala ng dalaga sa nobyo. “Panginoon ko, ano na po kayang nangyari doon? Kadalasan ay siya pa ang nauuna sa akin, hindi siya mahuhuli ng ganito.” Nangingilid ang luha ng dalaga, hindi na maipaliwanag ang nadarama, kinakabahan ang dalaga. “Mam,mawalang galang na po, sino po inaantay niyo? Kanina ko pa po kasi kayo napapansin na nakatayo diyan, nobyo niyo po ba?” Usisa ng gwardya. “Ahh opo kuya, may napansin ho ba kayong lalaki na medyo matangkad? “Pasensya nap o, Mam wala ho akong napansin, at masyado pong maraming tao dito.” Tugon naman ng gwardya. “Ah, sige po kuya, salamat po.” Nanghihina na ang dalaga sa pag-aantay, ngunit hindi parin nito inisip na umalis sa pag-asang darating pa si Lucas. May kumalabit sa likudan ng dalaga, agad itong humarap na may kasamang ngiti sa mga labi. Ngunit maya-maya pa’y unti-unti itong nabawi ng malungkot na awra. “Ohh? Eula ikaw pala yan? Nasaan si Lucas?” lalaking medyo mababa at tama lang ang taas sa dalaga ang bumungad sa kaniya. “Kuya Max, ikaw pala yan akala ko si Lucas na.” malungkot na dugon ni Eula. “Oo nga nasaan na ba siya bakit wala pa siya? Anong oras na delikado na sa daan ikaw lang mag-isa dito?” tanong ni Max. “Opo Kuya, kanina ko pa po kasi siya inaantay hanggang ngayon wala padin siya, Kuya maaari po bang makahiram ng iyong telepono magpapaalam lang po ako na uuwi na ako?” Agad nama’ng ibinigay ni Max ang telepono kay Eula. “Mahal mauuna na ako. Kanina pa kita hinihintay ngunit wala ka padin. Mag-iingat ka nalang po kung nasaan ka man ngayon. Mahal na mahal po kita.” Agad ibinigay ng dalaga ang telepono kay Max. “Hlina’t sumabay kana sa akin sa pag-uwi baka mapano ka pa diyan sa daan babae ka pa naman. Tamang-tama may dala-dala akong motor.” Pag-aya nito sa dalaga. “Salamat po Kuya.” Si Max ay ang malapit na kaibigan nina Lucas at Eula, kung kaya’t malaki ang tiwala nila rito. Matapos ang mahabang byahe, ng pababa na ang dalaga ay aksidente namang nadampi nito ang binti sa tambutso ng motor, nasaktan ang dalaga ngunit hindi nito pinahalata sa kaibigan. “Salamat sa pag-hatid Kuya.” Ringgg…. ringgg….. isang mensahe mula kay Lucas, ang bumungad sa dalaga paggising nito. “Mahal, pasensya kana, hindi ko alam na nag-antay ka pala ng matagal. Kamusta kana po?” “Ako po ang nag-aalala sa iyo kagabi, hindi mo naman gawain ang mahuli sa tagpuan natin mahal, ano ang nangyari?” Tugon naman ng dalaga. “Pasensya na po hindi ko sinasadya.” Dumaan ang mga araw ay hindi na pangkaraniwan ang kilos ni Lucas. Napabarkada na din ito, ngunit tiwala ang dalaga sa mga kasama nito sapagkat nakilala na din ito ni Eula. Lingid sa kaalaman ng dalaga ang paghahanda ng binata para sa nalalapit na ikalawang taon nila Eula bilang magkasintahan. Madaming tao sa Mall, may kaniya-kaniyang mundo ang bawat-isa habang bagot nang nag-aantay si Eula sa palaruan dahil sa pag-aalala nito sa kaniyang ina na may sakit. Pabalik balik ang dalaga sa entrans ng Mall kung saan karaniwang pumapasok ang kasintahan. Hanggang sa naaninag ng dalaga ang katulad na uniporme ng kaniyang nobyo, kasabay ang pagkaaninag niya sa nobyong kasunod ng lalaking nasa unahan. May dala-dalang mga pulang rosas si Lucas, kasama ang mga kaibigan nito, isang may hawak ng dalawang kahon ng pizza, at ang isa namay may hawak na lobong korteng puso. Nagulat ang dalaga sa surpresang dala ng binata. “Mahal, Maligayang ika-dalawang dekadang Anibersaryo.” Bati ni Lucas kay Eula na may kasamang matamis na ngiti sa mga labi. Tumulo ang matamis na luha ng dalag sa tuwa ng dumating ang kaniyang nobyo. Tumungo sila sa kantina, upang kumain ngunit nag paalam sina Lucas at ang kaniyang kaibigan na bibili lamang ng inumin at babalik kaagad. “Hindi ko inasahan lahat ng ito nagulat talaga ako.” Pagbabahagi ni Eula sa mga naiwang kaibigan ni Lucas sa kantina. “Mahal ka talaga niyan ni Lucas. Sobrang maabala sa surpresa para daw talaga sayo yan.” Tugon naman nito. Maya-maya pa ay dumating na sina Lucas, gawi sa likudan ng dalaga nakatayo ito. Tinakpan ng panyo ang mga mata ng dalaga. “Akala mo yan lang surpresa ko? Handa kana ba? Kapag ka bilang ko ng tatlo, tanggalin mo ang piring sa mata mo” Aligaga ang mag-babarkada upang ayusin ang surpresa. “Isa…. dalawa….tatlo……” Pagdilat ng mga mata ni Eula ay bumungad sa kaniyang harapan ang isang malaking cake at ang mas nagpasabik sa kaniya ay ang isang kahon. Malikhain ang pagkakagawa nito na may pulang rosas na papel sa ibabaw.Mas pumukaw padin sa pansin ng dalaga ang kahon, binuksan ito ng dalaga. Namangha ito sa laman ng kahon, mga malilikhaing gawang papel na may mga litrato at sulat. “Mahal, ikaw ang gumawa nito?” tanong ni Eula kay Lucas. “Oo mahal, alam kong matutuwa ka sa mga rosas, lobo at hindi din naman ako nagkamali na mas matutuwa ka sa sulat, alam kong napaka simple mong babae, at mas humanga ako sayo dahil alam kong kaya mong magpahalaga sa mga simpleng bagay na pinaghihirapan. Kaya para sayo talaga yan.” Tugon ni Lucas. “Salamat mahal.” Halos maluha ang dalaga sa tuwa ng matanggap ang surpresa ng binata sa kaniya. Minsan sa buhay ng tao, ang labis na kasiyahan ay may kalakip ding kalungkutan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya. Tulad na lamang ng pag-iibigan nina Lucas at Eula. Kay ganda ng umaga, sabik muling bumangon ang dalaga sa higaan, hindi padin nito malimutan ang mga pangyayari, tandang-tanda ng dalaga and bawat momento nila ni Lucas. Simula sa pag-uumpisa nila bilang pansamantalang mag-nobyo at nobya. Nagbalik tanaw ang dalaga, mistulang yagit sa saya. Agad nitong kinuha ang telepono, nakagawian na ng dalaga and pagbubukas ng f*******: ni Lucas, napunta ang dalaga sa Block list nito. maging ang bilang ng block list ng binata ay kabisado niya. Nang makita nito ang isang pamilyar na mukha, ngunit iba ang pangalan. Tinititigan'g mabuti ni Eula ang litrato ng bigla namang pag tulo ng luha nito. Tumangis ng tumangis ang dalaga halos isubsob na nito ang mukha sa kaniyang unan. Bakas ang sakit na nadarama nito. "Huhuhuhuhu.... Ang tanga ko, ang tang-tanga ko..." Di matigil ang luha ng dalaga. "Bakit???.... Bakiittt??...." Hinagis nito ang telepono'ng hawak. "Anong kulang ko... Huhuhuhuhu." Agad namang kinuha muli ni Eula ang telepono, nang sinubukan nitong buksan ang acc. na nakita ay hindi ito matagpuan ng dalaga, kung kaya't napag-isapan niya na gumawa ng panibago'ng account upang matagumpay na mahanap. Matapos ang ilang minutong ginugol ni Eula sa wakas ay natapos din nito ang paggawa ng panibagong account. Dali-dali namang hinanap ng dalaga and pangalan ng aacount. Mukha ni Lucas ang pambungad na profile, nag-iba lamang ang pangalan ngunit ang mga litrato nito kasama ang mga barkada ay nanandoon din. Muling tumangis ang dalaga, sinusuntok ang pader, tumatangis ng walang boses, muling sinubsob ang mukha sa unan upang hindi marinig na siya'y umiiyak. Halos hindi na ito makahinga sa sikip ng dibdib. Minabuti na lamang ng dalaga na kumalma kahit pa bakas rito ang sama ng loob. "Mahal, mag kita tayo mamaya. Kailangan nating mag-usap." Agad nito'ng mensahe kay Lucas. "Tungkol saan Mahal?" Tanong ng binata. "Basta, ang gusto ko lang mag-sasabi ka ng totoo." Wika naman ng dalaga. "Kung ano man yan Mahal, ipangako mo sa akin hindi tayo mag-aaway at malumanay lang tayong mag-uusap ah?" Pakiusap naman ni Lucas. Sa tagpuan, humanap ng puwesto si Eula upang makapag-usap sila ng masinsinan ni Lucas. Kung saan wala masyadong taong dumadaan. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. "Naglolokohan nalang ba tayo?" Pag-bubukas ng usapan ng dalaga. "Bakit mo naman tinatanong yan Mahal?" sagot naman ni Lucas. "Alam kong may kasunduan tayo, Alam Kong pansamantala lang tong lahat, pero minahal na din kita unti-unti natututunan kitang mahalin, pero bakit ganun? napakasakit lang isipin. Kailan pa yung account mong yun?" Pinipilit ng dalaga na magpakatatag sa harapan ni Lucas ngunit hind nito mapigilan ang patuloy na pagpatak ng kaniyang mga luha. Pinilit ng dalaga'ng pa aminin si Lucas ukol sa account na nakita nito sa black list ng binata, hanggang sa hindi na nito mapigilan ang mag sinungaling sapagkat Alam niyang bisto na ni Eula ang nagawang kasalanan. "Aamin na ako, sa akin nga yung account na yun. Matagal ko nang ginawa yun, ngunit hindi ko na masyadong nabubuksan iyon." Naka yuko'ng tugon ni Lucas. "Bakit? Kulang pa ba? Akala ko ba totoo lahat ng mga pangako mo? Akala ko iba ka sa kanila, akala ko hindi mo ako kayang saktan, nagkamali pala ako' maling-mali" patuloy ang pag tangis ng dalaga. Minabuti ni Eula na ipabukas kay Lucas ang account na iyon upang makasiguro. "Mahal pangako mo kung ano man ang makita mo wag kang magagalit sa akin. Ipapakita ko sayo ito dahil sa mahal kita, at alam kong karapatan mo din malaman ito patawarin mo ako mahal, labis akong nag-sisisi matagal na iyon, tinigilan ko na ang gawaing yan, pakiusap huwag mo akong iiwan." Nangingilid na ang mga luha ni Lucas. Nalantad sa harapan ng dalaga ang mga babaeng nakakapalitan ng mensahe ni Lucas. Sa sakit na nadama ng dalaga'y ibinalik agad nito ang telepoo ng binata. Tumakbo papalayo ang dalaga at hindi na ito naaninag ng binata. Nang makauwi si Lucas ay agad itong nag mensahe sa dalaga, lingid sa kaniyang kaalaman na hinablot ang telepono ng dalaga kung kaya't hindi na niya ito nakita. Dahil sa lubos na pagkabalisa ng binata ay kung anu-ano na ang sumagi sa isip nito, buong hinala ni Lucas na umuwi na ang dalaga sa kanilang tahanan. "Mahal kamusta kana? labis akong nag-alala sa iyo, patawarin mo po ako kundi dahil sa ginawa ko hindi ka mag-kakaganyan, patawarin mo sana ako Mahal." Dahil lumipas na ang oras ay wala padin ang tugon ng dalaga ay dali-daling nag asikaso si Lucas para puntahan ito sa kanilang tahanan. "Magandang umaga po tito't tita naririyaan po ba si Eula? nag aalala po kasi ako sa kanya dahil po di na siya nakapag chat sa akin kagabi." Dali-daling sinalubong ni Eua si Lucas habang umiiyak at kasabay ng mahigpit na yakap nito. "Mahal bakit ka umiiyak may nang-away ba sayo, patawad po sa aking nagawa'ng kasalanan." "Mahal, hindi ka pa humihingi ng tawad pinatawad na kita. Alam ko na walang perpektong tao, lahat tayo nag-kakamali. Hindi kita pu-pwedeng husgahan sa isang kamalian. Akma na po sana akong tutugon sa mensahe mo, ngunit may biglang humablot ng akong telepono." Pagpapatawad ang nanaig sa puso ng dalaga, ang tanging mag papalaya sa bigat ng kaniyang nararamdaman. Kahit pa labis ang sugat na iniwan sa kaniya ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD