KABANATA 3
“PANGARAP NA BITUIN”
Sabi nila “Libre lang mangarap” pero mas naintindihan ko ang katagang iyon noong dumating si Eula sa aking buhay. Libre ang mangarap ngunit ikaw ang gagawa ng iyong tadhana, ikaw ang magsusumikap makuha lamang ito, lahat ng bagay ay may proseso’ng kailangang pagdaanan, kailangang lampasan at kailangang ipaglaban. Kaya naman mas ginanahan akong magpursige sa aking pangarap, iyon ay ang makuha ang isang babaeng nag-patibok ng aking puso.
“Napakaganda niya talaga! Wohhoooo….” Pa talon-talon na sambit ng binata’ng si Lucas, habang hawak-hawak ang litrato ng dalagang si Eula, pulang-pula na ang pisngi ng binata sa kilig at hindi mapakali sa kinatatayuan. Bigla naman itong na pahinto nang maisip muli ang kalagayan ng hinahangaang dalaga.
“Kamusta na kaya siya? E kung dalawin ko kaya siya sa kanilang tahanan?”bulong nito sa kaniyang sarili. “Tama, ganun na nga! Magandang ideya Lucas wahahahhaha.” Pilyong pagsagot naman nito sa kaniyang sarili. Dali-daling dumiretso ang binata sa kabinet upang kumuha ng kaniyang uniporme. “Pareee…. tokkkk… tooookkkk… toookkkkk…” malakas na sigaw at katok ang narinig ni Lukas gawi sa labas ng kanilang bahay. Agad naman ito’ng binuksan ng binata. “O pare, kung maka katok naman akala mo wala nang bukas e” reklamo ni Lucas sa kaibigan. “Hahahaha, O! bakit napakaaga mo naman yata gumayak, maaga pa ah?” pang-uusisa naman nito pabalik kay Lucas. “Pare, tulungan mo akong makuha ang numero ng telepono ni Eula, nais ko lamang siyang kamustahin. Gusto ko sana siya’ng dalawin sa kanilang tahanan” agad naman nitong sagot kay Akie. “Oo nga pare, maganda ya’ng naisip mo!Sige na’t mag-asikaso kana maya-maya aalis na tayo” agad namang sagot ng kaibigan. “Salamat pare, salamat!” Dumiretso agad sa banyo ang bintana, mistulang hindi maubusan ng sigla sa tuwa.
Matapos ang klase ay agad naman nito’ng kinausap ang kaibigan ni Eula. “Kathy! Maaari ko bang makuha ang numero ng telepono ni Eula?” agad naman nitong bungad sa dalaga. “Sige, basta sasagutin mo tanong ko!” pakikipag-kasundo ni Kathy kay Lucas. “Ano ba iyon?” “May gusto ka sa bestfriend ko ano?” sambit nito’ng may halong mapang-asar na titig. “A… ee… yung totoo bes, meron talaga pero kailangan ko munang pigilan kasi alam ko namang may nag-aantay pa sa kaniya. Pero kung mabibigyan sana ako ng pagkakataon. Liligawan ko siya” seryoso namang tugon ng binata. “O sige na nga ito na!” kumuha ng pilas na papel at panulat si Kathy at agad naman nitong inabot sa binata. “Goodluck bes!” “Salamat bes!” laking tuwa naman ng binata.
Nakatingin sa bituin ang binata ninanamnam ang ganda nito sa paningin. “Napakaganda talaga ng mga bituin, pero mas maganda parin siya” abot tainga ang ngiti ni Lucas ng mabaling muli ang kaniyang mata sa teleponong hawak-hawak. “Lord, di man ako tulad nilang malakas sa pananampalataya sayo, gusto ko padi’ng mag pasalamat sapagkat binigyan mo ako ng pag-asa, dininig mo ang aking kahilingan at dalangin sa iyo. Lord na ngako ako sayo na pangangalagaan ko ang babaeng iyon. Kaya sana magsilbi kitang gabay pati na ang bituing iyan” pumatak ang luha nito ng di namamalayan. “Ano ka ba Lucas bakit ka umiiyak? Hahaha” tanong nito sa sarili. “Walang mang-yayari nito kung hindi ako kikilos.” Agad naman nito’ng kinuha ang telepeno.“Hi,kamusta kana? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?” agad na pinasa ng binata ang mensahe sa numerong ibinigay ni Kathy sa kaniya. “Sino po sila?” tugon nito. “Si Lucas ito, Eula pasensya kana nga pala, kinuha ko na kay bes, ang numero mo. Gusto ko sana’ng mag-tanong sayo kung maaari ba kitang dalawin diyan sa inyo?” “Ikaw pala yan Lucas, ayos lamang iyon, heto medyo kailangan ko pa ng pahinga, salamat nga pala sa pag-aalala. Maaari ka namang dumalaw” “Sige bukas na bukas pupunta ako diyan sa inyo, mag-pahinga kana para may lakas ka bukas, gusto ko makita ka’ng naka-ngiti ayos lang ba iyon?” “Hehe, oo sige Lucas, salamat.”
Kinabukasan sa paaralan. “Kathy, alam mo ba kung paano makapunta kanila Eula?” tanong ng binatang si Lucas. “Oo bes, kaso nga lang hindi kita masasamahan sa ngayon dahil may kailangan din ako’ng puntahan.” “Ahh, ganun ba bes? Paano kaya ako makakapunta dun?” “Alam ko na bes, siya sa kaniya ka mag-tanong” itinuro ang kanilangkamag-aral, maputi, may katangkaran at di maipagkakaila ang angkin nitong kagwapuhan. “Si Daniel?” “Oo bes, si Daniel siya yung unang naging nobyo ni Eula, bago si Mark yung iniiyakan niya nung nakaraan, mas matutulungan ka niya makapunta kanila Eula.”“Sige bes salamat” Sagot ng binata. May halong pagkainggit ang naramdaman ni Lucas, ngunit nilakasan padin ang loob upang kausapin si Daniel. “Pare, maaari mo ba akong samahan sa kanila Eula? Dadalawin ko sana siya” “Oh pare, sige ayos lang mamayang uwian sabay kana sa akin malapit lang naman bahay nila.” “Pare, may itatanong sana ako sayo, lalaki sa lalaking usapan” sambit nito kay Daniel “May nararamdaman ka padin ba kay Eula?” wika ni Lucas. “Pare matagal na panahon na iyon, nakapag-usap na din kami ni Eula tungkol diyan. Tanggap na namin pareho na pinagtagpo lamang kami, ngunit hindi itinadhana. Masaya naman akong nakilala ko siya, napakabait ni Eula pare, kaya nga siguro hindi siya nababagay sa tulad ko” sagot naman nito kay Lucas. “ Ahh, ganun ba pare? Pasensya kana kung naitanong ko sa iyo” “May mga bagay lang talaga pare na hindi na kailangan pang balikan, may mga bagay na hanggang alaala na lang pero hindi ko pinag-sisihan mga panahong nakasama ko siya, malaking bagay sa akin naka-tagpo ng tulad niya, isa siya sa dahilan kung bakit maayos ang pananaw ko ngayon sa buhay, siya nag bukas ng puso’t isipan ko, sa totoo lang pare Anghel ang tingin ko sa kaniya. Kaso ako naman to’ng si gago sinayang ko yung babae’ng pinapangarap ng madaming lalaki.May gusto ka ba sa kaniya?” “Ha? A… e… sa totoo lang pare Oo meron” sagot naman ni Lucas. “Bakit hindi mo siya ligawan?” tanong naman nito sa binata. “Siguro pare napaka komplikado padin ng sitwasyon niya sa ngayon, mahal padin niya yung nobyo niyang pinangakuan siya’ng babalikan. Pare sa totoo lang gago din akong lalaki, hindi ko sineseryoso lahat ng babae, napakawalang kwenta nila, ganun pananaw ko dati dahil na din sa una kong naging Nobya. Iniwan niya ako ng walang dahilan, iniwan niya ako ng basta-basta kaya siguro ganun na lang kababa tingin ko sa mga babae. Pero lalaki sa lalaki pare, unang kita ko palang nakita si Eula noong pasukan, hindi ako makapaniwala na titibok muli itong puso kong matagal ng patay, hindi siya yung tipo ko pero, ang bilis ng pana ni kupido.” Sagot naman nito. “Hahaha… halata naman pare, pero sigurado akong hindi mo pag-sisisihan na sa kaniya ka nahulog” sagot naman ni Daniel. “Pare, pinapangako ko sayo aalagaan ko siya, hindi ko siya sasaktan dahil karapat-dapat siyang itrato tulad ng isang Prinsesa, pare kapag dumating yung panahong nasa akin na siya hinding-hindi ko na siya iiwan. Pangako yan pare” Naabutan ng batingaw ang dalawa sa pag-uusap nito. “Sige pare mamaya na lang salamat”
Naghahanda na ang mga kamag-aral nito sa pag-uwi. “Eula papunta na ako diyan sa inyo” mensaheng agad naman nitong ipinasa sa dalaga. “Sige Lucas, susunduin ko na lamang kayo kapag-malapit na kayo.” Tugon naman ni Eula. Sa byahe pa lamang ay kinakabahan na ang binata bakas ang pagkasabik na makita ang dalaga at sa isang banda’y hindi malaman ang iaakto nito kapag nagkita na sila. “Malapit na kami sa inyo” Lingid sa kaalaman ng dalaga na kasama nito ang unang dating nobyo.
“Kamusta kana? Balita ko na hospital ka daw? Dadalaw ako mamaya” mensaheng natanggap ni Eula galing sa dating nobyong si Mark. Hindi na nakatugon si Eula sa nabasa dahil sa hindi padin nito makalimutan ang sakit na dulot ng kanilang pag-hihiwalay ngunit nandoon padin ang pag-aalala sa kaniya ng binata. (Tokkk... toookkk… toookkkk….) Laki’ng gulat ng dalaga ng makita si Mark pagbukas pa lamang nito ng pinto. “Sabi ko naman sayo, huwag kang pasaway, hay naku, alam mo bang pinag-alala mo ako?” Sambit ni Mark ng may pag himas nito sa ulo ng dalaga, napa yoko ito, kasabay naman ng pag-patak ng luha. “O, bat ka umiiyak? Nag-aalala lang naman ako sa iyo, sa susunod mag-iingat kana ah?” hindi man sanay ang dalaga ay pinilit parin nitong umakto bilang isang kaibigan sa binata kahit dama padin ang kirot sa puso nito. “Opo, masusunod kuya” pagbibiro nito sa binata. Pinilit ng dalaga’ng ngumiti kahit na nahihirapan ito. “Siya nga pala darating din ang aking kamag-aral”
“Nandito na kami, Eula” mensahe ni Lucas sa dalaga “Sige paakyat na kami Lucas”
Pagbaba nina Lucas at Daniel sa trysikel, laking gulat nito na may kasama itong isang lalaki. “Pare, sino yung kasama ni Eula?” “A… pare patay ka, pag nagkataon nga naman, hahaha siya yung dating nobyo ni Eula.” Pang-aasar naman nito kay Lucas. Nag-iba ang awra ng mukha ng binata, mistulang binalatan ng makita nito’ng mag kasama ang dalawa. “O, Lucas nandiyan na pala kayo.” Biglang na ilang ang dalaga ng makita ang tatlo, ngunit umakto padin ito’ng normal. “Lucas, si Mark nga pala, Mark si Lucas at si Daniel” pagpapakilala nito sa binata. “Pare, ikinagagalak kitang makilala, nakipagkamay si Lucas kay Mark” “Ako din oare” “Daniel kamusta?” tanong naman ni Mark ng may kasamang ngiti. “Ayos naman Mark” patuloy na nag-usap ang dalawa. Dati pa lamang ay mag-kakilala na sina Daniel at Mark. Ramdam naman ang tensyon sa dalawa. Habang walang kaalam-alam si Mark sa totoong nararamdaman ni Lucas para sa dalaga.
Nang makarating sila sa tahanan ni Eula ay agad namang naisipan ni Daniel na asarin ang dalawa. “Welcome, sa bahay namin, huwag kayong mahihiya pasok lang” pang-aasar nito sa dalawa. Nag-handa si Eula ng makakain habang naka-upo naman ang tatlo sa hapag-kainan. Nang dumating ang ina ni Eula. “Hello po tita!” wika naman ni Daniel. “o, Daniel kamusta kana? Tagal mo nang hindi nagawi dito” sagot naman nito. “Ayos naman po tito sabay mano rito. Kasabay din anh pagbati ni Mark at Daniel. Nang na-ihanda na ang pagkain sa hapag ay naglabas ng inumin si Eula. “Oh, Eula diba bawal ka sa softdrinks? Wag kang iinom niyan ayos ba iyon? Huwag pasaway” Bilin naman ni Daniel sa dalaga habang bakas padin sa mukha ni Lucas ang pagka-inis. “Bakit ba ako napunta dito? Hindi ko naman akalain na nandito yang ugok nay an e! Hayssttt” pabulong na sabi ni Lucas sa sarili. Habang inosente ang binatang si Mark sa mga nangyayari. Sa hapag-kainan hindi maalis ang tensyon na nararamdaman ng dalaga habang nasa harapan niya ang tatlong lalaki. Senyas naman ng mata nito kay Daniel. Sapagkat halata niya na gusto na din siya ng binatang si Lucas, pansin nito ang seryosong mukha ng binata at nakasaradong palad.
Matapos ang pag-kain ay nag-karoon ng pagkakataon si Lucas na makausap ang ina ni Eula. “Kamusta naman si Eula sa klase?” tanong nito sa binata. “Ayos, naman po tita matalino nga po ya’ng si Eula, hanga po ako sa kaniya pag-dating sa pag-aaral wala po akong masasabi sa husay niya” “Kaibigan mo siya?” “Opo tita bestfriend ko po siya. Hayaan niyo po tita makakaasa po kayo na hindi ko siya pababayaan sa eskwelahan, ako po nag mag-babantay sa kaniya para hindi na po siya mahimatay.” “Mabuti kung ganun, salamat ano nga ulit ang iyong pangalan?” “Lucas po, makakaasa po kayo tita, pangako po iyan”
“Magandang simulain Lucas…” bulong nito sa sarili. Habang tumatagal ay mas napapalapit ang binata sa dalaga. Bilang isang kaibigan ay inubliga ng binata ang sarili na ihatid sundo ang dalaga, upang maiwasan na din ang nangyari rito. Mas naging maayos ang samahan nina Lucas at Eula, ng lumaon ay naging malalim ang pag-kakaibigan ng dalawa, mag-kasama sa paggawa ng mga pang-asignaturang Gawain, dahil na din sa galing ng dalawa sa pag-awit ay mas lalo pa silang napalapit sa isa’t-isa sumali sila sa mga patimpalak.
Araw ng mga puso ay na-isipang surpresahin ni Lucas ang dalaga. Naghanda siya ng simpleng Dinner date sa labas ng kanilang bahay kung saan kita ang mga Bituin sa kalangitan. May mga kandila na tanging nag-bibigay ng liwanag sa paligid. Simple ngunit tiyak na magugustuhan ng dalaga, sapagkat alam ng binata ang hilig ng dalaga, simpleng bagay lamang ay pinahahalagahan na nito, hindi mahilig sa tsokolate, bulaklak o magagarbong bagay, sulat kamay lamang ay kaniya ng kasiyahan.
“Eula, maligayang araw ng mga puso!” sambit nito sa dalaga habang tinatanggal nito ang piring sa mata ng dalaga. Nagulat ang dalaga sa nakita at bigla na lamang pumatak ang mga luha nito na may kasamang ngiti sa mga labi. “Lucas… salamat, hindi ko akalain na may surpresa ka pala!” “O, bakit ka naiiyak?” “Wala ito natutuwa lamang ako salamat”
“Walang anuman, gusto kong iparamdam sa iyo na mahalaga ka, na hindi ka basta-bastang babae lang, gusto ko iparamdam sa iyo na hindi ka dapat sinasaktan.Bes, sa totoo lang ako nahihirapan sa tuwing nakikita kitang umiiyak ng dahil sa kaniya. Ayoko na maranasan mo ulit iyon. Alam kong mabuti kang tao, at ikaw nag-paunawa sa akin nun. Nagawa mong mahalin yung taong pinag-aantay ka ng matagal, hindi mo dapat maramdaman yung ganun, babae ka dapat ikaw ang inaalagaan, ikaw dapat ang inuunawa niya, hindi ka dapat sinasaktan dapt kang ipaglaban. Ngayon aaminin ko sayo ito, hindi ako yung taong aakalain mong matino, dahil dati pa lamang gago na ako, hindi ako nakukuntento sa iisang babae lamang, may grupo din ako lahat ng kalokohan ko dun ko nakuha, yung nakikita mo sa akin ngayon na masipag akong mag-aral dahil yun sayo, dahil ikaw ang tanging naging inspirasyon ko para lalong mag-sumikap bes, lumiliban ako madalas sa klase, palagi kong napag-ttripan ang aking mga kamag-aral ko dati. Maging sa mga magulang ko palasagot ako. Bukod dun? Tulad mo din ako’ng iniwan ng taong mahal ko. Ilan sa mga dahilan kung bakit napaka-baba ng tingin ko sa lahat ng mga babaeng nakakasalamuha ko. Pero nag-bago lahat ng iyon nang makita kita.Kaya sana ibigay mo sa akin ang pagkakatao’ng ito para maparanas sa iyo na dapat kang nirerespeto, dapat kang binibigyan ng halaga at lalong dapat kang minamahal.”
Pinaupo nito ang dalaga sa silya at kinuha naman nito ang gitara. “Ang awiting ito ay iniaalay ko sa isang magandang dalaga na naka-upo sa aking harapan. Namnamin mo ang awitin ko para sa iyo habang sinisilayan mo ang ganda ng mga bituin sa Kalangitan, para sayo ito” nagsimula na ang pag-kalabit ng string sa gitara
“Hmmm… hmm... hmmmmm… Kung ako ang may-ari ng mundo,ibibigay lahat ng gusto mo, Araw-araw pasisikatin ang araw, Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan, para sa'yo, para sa'yo….” Huminto ng bahagya ang binataat huminga ng malalimsabay itinuloy ang pag-tugtog. “Susungkitin mga bituin, para lang makahiling na sana'y maging akin puso mo at damdamin kung pwede lang, kung kaya lang kung akin ang mundo ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo... Ohhh… Ohhhh... Ohhhh…” Hindi maalis ang ngiti ng dalaga habang pinag mamasdan ang mga bituin. “Salamat Lucas, isasama ko ito sa pinakamahalagan pangyayari sa buhay ko.” Kinilig ang binata sa narinig, mistulang kumalembang sa kaniyang tainga ang mga katagang binitawan ng dalaga sa kaniya. “Wala iyon, alam mo ba’ng masaya na ako ngayon dahil nakita na naman kitang naka-ngiti” tugon naman ng binata.“Maari ba akong humiling sa iyo?” Tanong ni Lucas sa dalaga. “Ano iyon?” tanong naman ni Eula.
“Maaari mo ba akong pahintulutan na iparamdam sa iyo yung pagmamahal na ipinag-kait sa iyo ni Mark? Pag-bigyan mo ako na iparanas sayo iyon. Kahit alam kong wala akong karapatang pumasok sa buhay mo, sana pahintulutan mo akong punan yung kulang diyan sa puso mo. Isipin mo nalang na bumabawi na lang din ako sa mga pag-kukulang ko noon sa aking nobya. Pangako ko habang hindi pa bumabalik si Mark, gagawin kitang Prinsesa, kapag dumating na yung araw na bawiin kana niya sa akin, wala naman na akong magagawa nun ibabalik kita sa kaniya. Ibigay mo sana sa akin itong mga natitirang panahon na wala pa siya.” May kasamang pag-patak ng mga luha.
“Bakit? Bakit mo sinasabi iyan?” tugon ni Eula. “Pwede bang ako muna ang nobyo mo? Una palang nabighani na ako sayo, alam mo bang nasa isip ko nun? Hindi tayo bagay, dahil sa ugaling meron ako at ang taas ng tingin ko sayo. Binuksan mo ulit yung puso ko ikaw ang lagay ng kulay sa madilim kong buhay mistulang bahaghari na dumadating pagkatapos ng matinding pag-ulan.”
“Lucas, salamat nauunawaan mo ang aking kalagayan, siguro nga hindi parin ako handang mag-mahal muli, Oo mahal ko padin siya ngunit ayaw ko ding paasahin ka” Malungkot na sagot ng dalaga.
“Eula, bago pa man ako pumunta at humarap sa iyo, napag-handaan ko na ang sagot mo, at alam kong mahal mo padin siya, masakit man sa akin , pero ipina-unawa mo sa akin ang tunay na pag-mamahal, magiging masaya ka para sa kaniya kahit walang kapalit, dahil mahal mo siya. Eula ginagawa ko ito hindi dahil pinag-lalaruan kita, ginagawa ko ito dahil buo na yung loob kong mahalin ka kahit hindi mo ibalik sa akin, buo na yung loob ko maparanas ko lang sayo na mahalaga ka at kamahal-mahal kang talaga. Hindi ko intensyon na humingi ng kapalit. Yung kaligayahan na mayroon ka ngayon yan ang tangi kong inspirasyon yan ang tangi kong lakas” Napaluha ang dalaga sa narinig.
“Lucas, salamat hindi ko maipinta ang aking nararamdaman sa ginagawa mo, dahil na din sa iyo kahit papaano naramdaman ko na sa hamon ng buhay hindi dapat sumusuko. Pinapalitan mo ng ngiti sa tuwing ako’y lumuluha.”
“Eula kasiyahan ko na yung mapasaya ka pangako ko ito ang ating kasunduan, saksi ang mga bituin sa kalangitan iibigin kita, susulitin ko iyong mga panahon na kasama ka, at Ibabalik kita kay Mark kahit masakit basta’t alam kong Mamahalin ka niya at handa kana. Sa ngayon ito muna ang aking katanungan. Eula bes, pumapayag ka ba’ng maging temporaryong nobyo ang isang tulad ko?” Naka luhod ang binata habang binibigkas ang mga kataga.
“Oo,Lucas” tugon ng dalaga. Niyakap ng mahigpit ang dalaga at hinalikan ito sa noo. “Pinapangako ko sayo’ng tutuparin ko lahat ng aking sinabi. Ipaparamdam ko sayo na hindi ka dapat sinasaktan, sa ngayon tutulungan muna kitang kalimutan lahat ng sakit na dulot ni Mark sa iyo.”
Isang gabi’ng tumatak sa dalawa, gabing katuparan ng isang pangarap. Tinapos ang gabing may mga ngiti sa kani-kanilang labi, luha na pumatak dahil sa kasiyahan at kalungkutan. Hanggang saan kaya dadalhin ang dalawa ng mga pangako’ng pinag-kasunduan? Iisa lamang ang nakakaalam iyon ay ang gumawa at lumikha ng lahat. Ano pa man ang masamang karanasan sa buhay ay mayroon padin’g pag-asa sa hulihan. Kinakailangan lamang din nating pagsumikapan, dahil sa dulo nito ay ang kasiyahan.