KABANATA 2 “SULYAP SA BITUIN”

3117 Words
KABANATA 2 “SULYAP SA BITUIN” Sa unang pag-dilat ng kaniyang mga mata nasilayan ni Lucas ang bana-ag ng araw kasabay ang huni ng mga ibon at langhap ang sariwang hangin. Panibagong umaga para sa isang binatang kababalik lamang sa dating tahanan, makalipas ang limang taon sa probinsya. Bumangon ang binata mula sa pagkakahiga,gumawi patungo’ng kusina may kinuha sa Kabinet isang maitim na bagay kasing tapang ng binata, na upo sa tumba-tumba hawak-hawak ang tasa, langhap ang aroma ng mainit na kape kapares ng masarap at malasang pandesal. Handa na muling harapin ni Lucas ang nakaka-panibagong yugto ng pagiging isang ganap na binata. Laking tuwa ni Lucassa kaniyang muling pag-babalik.Sa ganda ng gising ng binata ay dali-dali nitong isinalpak ang paboritong awitin sa kaset dumiretso sa banyo upang maligo habang sinasabayan ang awitin “Susungkitin mga bituin para lang makahiling na sana'y maging akin puso mo at damdamin.... Kung pwede lang kung kaya lang kung akin ang mundo ang lahat ng ito'y iaalay ko sa iyo...” “Lucas...” Malaking boses ang narinig ng binata gawi sa labas ng kanilang bahay. “Pare si Akie ito, matagal din tayong hindi nag-kita ikaw naman kasi e hindi ka manlang nag-sabi na luluwas pala kayo ng Probinsya noon, na miss ka ng tropa!” sambit ng ka ba-bata ni Lucas. “Pasensya na pare, hindi ako nakapag-paalam sa inyo, biglaan din kasi. Mag pa-paalam na pala ako sa grupo, kailangan ko nang mag-bagong buhay pare, nakakadala yung mga naging karanasan ko sa probinsya pare kailangan ko nang magtino” “Ayos lang yun pare,basta kapag kailangan mo kami andito lang kami. Madami na ding nag-bago noong nawala ka dito. Tumigil na din ang grupo dahil sa bagong polisiya dito sa lugar natin”. Sagot naman ni Akie. Kinailangan na di'ng humanap ng mag kaibigan ng panibagong iskwelahan sa kolehiyo. Bakas man ang pagbabago sa ugali ng binata ay hindi padin naging madali sa kaniya'ng baguhin ang pananaw sa mga kababaihan hanggang sa. “Pare ang dami namang magaganda dito!” wika ni Akie. “Wala pa sa isip ko yan pare, pare-parehas lang naman yang mga babae na yan e, mang-iiwan din yan sa huli...” Hanggang sa na baling ang kaniyang atensyon sa isang babaeng naka-upo sa harapan. Hindi kagandahan at hindi rin katangkaran ngunit hindi maipaliwanag ang bilis ng pintig ng puso ng binata lalo na noong nabaling din ang mata ng dalaga sa kaniya, kasabay ng mala Prinsesa nitong dating sa binata, nakakabihag ang ngiti lalo na ang mapupungay nito'ng mga mata. “Pare, hoooyyyy.... kanina pa ako nag-sasalita dito nakanga-nga ka padin diyan kulang na lang tawagin ko lahat ng langaw para pumasok diyan sa bunga-nga mo! Bat parang napatigil ka ata sa sinasabi mo?” tanong ni Akie sa kaibigan. “Ahh hah? wa.. wala ito pare may naalala lang ako.” pinigilan ni Lucas ang sarili at inilayo agad ang tingin sa dalaga. 'Bakit sa lahat ng babae dito, bakit siya pa? Madami namang magaganda pero bakit ka-kaiba ata yung dating ng babaeng iyon sa akin?' bulong ng binata sa sarili. “Wag ako pare may natipuhan ka nanaman ano? Hindi mo ako maloloko sa ganyan kabisado na kita, ikaw nga pambansang chick boy sa atin e! Sino ba diyan ha?” “Isa siyang bituin, mahirap sungkitin, kakaiba siya sa lahat mahirap abutin, ngunit kung iyong matatanaw siya'y mangingibabaw sa taglay niyang kinang hindi mapapantayan. Pare ganyan na ganyan yung nararamdaman ko ngayon, tingin ko hindi kami na ba-bagay, kakaiba siya sa mga babae'ng nakita ko.” “Aba! Pare napa-tula kana ata, ang bago diyan mukhang ngayon ko lang din nakita yang ganyang itsura mo sa babae, samantalang pinag-lalaruan mo nga lang damdamin nila e simula nung umalis si Alisa nag-bago na pananaw mo sa mga babae, ni lahat mo na sila.” pag-patol naman na sagot ni Akie sa kaibiga'ng si Lucas. Natigil ang usapan ng mag kaibigan nang dumating ang kanilang guro, ipinangkat sila at nag-bigay ng asignaturang upuan para sa bawat isa ayon sa pag-kakasunod ng kanilang mga apelyedo. Maingay at magulo ang paligid nang silid habang patungo sa kani-kanilang upuan. “Mag-mula ngayon iyan na ang inyong permanenteng upuan sa oras ng aking pag-tuturo”.Nang mapansin ni Lucas ang katabi'ng dalaga ay laking gulat nito.“Hi kamusta?Kathy nga palaikaw ano’ng pangalan mo?” Hindi tinanggap ng binata ang kamay ng dalaga'ng naka-abang sa kaniyang harapan. “Gusto mo’ng mag-basa? Mayroon akong libro dito” akma namang sinulyapan ng binata ang librong iniaabot sa kaniya, nang makita ang kagandahan ng pabalat nito ay agad naman niyang kinuha ang libro.Habang inililipat ang pahina ay “Komiks? ang ganda ng daloy ng kwento pati na din ng pag-kakagawa at pag-guhit, ikaw ba ang gumawa nito?” tanong ng binata kay Kathy. “Ahh e, Oo ako gumawa niyan.” Napa-sulyap muli ang binata sa harapang upuan kung saan naka-upo ang dalagang kaniyang pinag-mamasdan kamakailan lamang. Madali namang napansin ni Kathy ang kilos ng binata. “Gusto mo ba siyang makilala? Gusto mong malaman ang kaniyang pangalan?” seryosong tanong nito sa binata. “Kilala mo siya?”Palusot na tanong ni Lucas kahit pa alam niya nang mag-kaibigan si Kathy at ang dalagang kaniyang tinutukoy. “Siya nga pala ang maganda ko'ng bestfriend si Eula, halos mag kapatid na ang aming turingan, mamaya ipapakilala kita sa kaniya.” tugon naman ni Kathy. “Ah e, hindi ko naman tinatanong.” Iring nito, na-ngangamatis na ang mukha ng binata sa tukso sa kaniya ni Kathy. Oras ng pahinga, “Pare, katabi ko nga pala kanina yung tinititigan mong babae sa harapan, ang bait niya pare, kaso sa sobrang dami niyang kwento e hindi ko manlang nakuha yung pangalan niya.”Pag ku-kwento ni Akie kay Lucas. “Kanina din pre katabi ko yung kaibigan niya, Eula daw ang pangalan, hindi ko naman tinatanong, may sapak ata yung babaeng yun!.” Habang nag-uusap ang dalawa ay pansin ni Akie ang papalapit na si Kathy, natulala ito, Nang mahimas-masan saglit ay tinapik niya si Lucas upang ipaalam na nasa likuran si Kathy kasama ang dalagang si Eula. Agad namang tumayo si Lucas at halatang natataranta, inayos ang buhok at ang naukot na uniporme sa pag-kakaupo.“Tulad nga pala ng sabi ko sayo kanina ipapakilala ko sa iyo ang aking matalik na kaibigan, Eula si Lucas nga pala sa likuran kasi sila naka-upo kaya siguro hindi mo masyadong pansin.”Nanlamig ang binata akmangdi” maintindihan ang nararamdaman parang bumabaliktad na ang sikmura ng nakikipag-kamay na ang dalaga sa kaniya. “Lu...Luu... Lucas, ako nga pala si Lucas...”Ang binatang dati'y eksperto sa pakikipag-kilala sa mga babae ay uutal-utal. Ang dating eksperto sa pag-kuha ng loob ng mga dalaga ay naging isang maamong kuting. “Eula, ikinagagalak kong makilala ka Lu..Luu... Lucas.” sabay ngiti nito’ng nakakaakit. Nagawa'ng mag-biro ng dalaga sa binata. Lingid sa kanilang kaalaman ay patago'ng kinikilig ang binata sa dalagang si Eula. “Bakit ang ganda niya padin kahit nakakaasar na?” pabulong nitong sabi ngunit pinipili padin niyang pigilan ito. Dahil pinanghahawakan padin ng binata ang nakaraang karanasan sa mga dalaga. “Baka pu-pwede mo nang bitawan ang kamay niya pare, ako naman ang ipakilala mo sa magandang binibining kasama ni Eula?” pang-aasar naman ni Akie. “Ah e, sorry Eula.” nahihiyang sabi ni Lucas. “Pare si Kathy nga pala.”Matapos mag-pakilala “Kathy ito nga pala yung libro’ng pinahiram mo sa akin kanina, ang ganda ng gawa mo.” Kinuha naman ito ni Eula, sa binata. “Nandito lang pala ito’ng libro ko Bes, hindi mo naman sinabi sa akin, kanina ko pa kasi hinahanap pasensya na Lucas.” namula si Kathy sa nakita. “So.. Sorry Bes, pinabasa ko lang kay Lucas kanina.” sagot naman nito. “Te.. teka? Sa iyo itong libro Eula? aa.. akala ko ba ikaw ang gumawa nito Kathy?” pag-tatakang tanong naman ng binata. “Pasensya na kayo'ng dalawa bes, kanina kasi napakatahimik niya'ng si Lucas kaya inako ko yung libro mo.” pag-amin ni Kathy. “Ayos lang bes, mukha ngang tahimik ito’ng si Lucas.” Naudlot ang usapan ng mag-kakaibigan nang dumating na ang kanilang sunod na guro. Kinabukasan sa paaralan, naabutan ng binatang si Lucas na tumatangis ang dalagang si Eula. Ngunit nag-iba ang awra ng binata ng matanaw ang isang kamag-aral, na tila ba’y nakapag-palagayang loob ng dalaga habang ito’y pinapatahan sa kaniyang pagtangis. Tumungo ang binata sa kaniya’ng upuan at agad naman nitong hinagis ang kaniyang napsak sabay ang upo nito at tila hindi maipinta ang mukha. “Ohh, pare ano nanaman ba ang iyong problema? Mukha ka nanamang angry bird diyan sa itsura mo.” Pang-uusisa ni Akie sa kaibigan, “Paano ba naman pare!”Natigilan ang binata habang nakalingon sa dalaga at sa kamag-aral.” Tugon ni Lucas. “Yun naman pala! Kaya pala! Nag-seselos ang kaibigan ko. Ang masama diyan, wala kang karapatan hahaha… walang kayo Uy!”pang-aasar ni Akie. “Ito tatandaan mo pare, magiging akin din yan! Parang hindi mo naman ako kilala pagdating sa mga babae?”Pagmamayabang na sambit ni Lucas. “Sige, tingnan natin? Aabangan ko yan Pare!” “Ano kaya ang problema niya? Bakit siya umiiyak? Bakit parang ako yung nasasaktan kapag nasisilayan siyang ganiyan? Tama naman si Akie walang kami.Pero hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakukuha! Kailangan may gawin ako upang mas lalo pang mapalapit ang kaniyang loob sa akin.” bulong nito sa sarili. Sumimple ang binata na tumabi kay Eula nang makita’ng papaalis na ang kaniyang kamag-aral. “Mawala’ng galang na? pwede bang mag-tanong? Nakita kasi kitang umiiyak kanina, may problem ba?” tanong ng binata. “Pasensya kana, napansin mo pala iyon? Nakakahiya naman di’ng ibahagi, pero dahil nag-tanong kana may pag-pipilian pa ba ako?” At nag kwento na nga ang dalaga kay Lucas. “May nobyo ako, matagal siyang nanligaw sa akin, wala naman din kaming pinag-aawayan, masaya ako at tanggap ko kung sino siya, pero hindi ko na din kasi kayang dalhin pa yung ganito’ng pakiramdam, isang araw tumawag siya sa akin tinanong niya ako kung kaya ko ba daw siyang antayin after 7 years babalikan niya daw ako” napakunot ang noo ng binata sa narinig. “Bakit daw?”sunod na tanong nito. “Iyon ang masakit sa parte ko, wala ako’ng kahit na ano’ng maisip na dahilan. Kahit pa napakasakit sa akin tinanggap ko yung pangako niyang iyon. Sa Tuwing kami’y nagkikita mistulang Kriminal na may sala, madaming nakapaligid na bantay na wari’y may ginagawa kaming masama. Minsan iniisip ko kung ano bang ginawa kong kasalanan para maranasan ko ito, hindi ko na alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na hindi ko na kaya? Kasi masyadong mahabang panahon ang pitong taon, para mag-tagpo pa ang aming mga puso’t panigurado ay marami na siyang makikilala bukod sa akin lalo na ngayo’ng hindi kami parehas ng paaralan. “Hihintayin mo pa siya?”Pang-uusisa ng binata, natulala na lamang ang dalaga at bigla nalang pumatak ang mga luha nito. ”Sorry, kung natanong ko, siguro hindi ko din mailalagay yung sarili ko sa sitwasyon mo, pero panigurado naman akong malalampasan mo din yan, kung kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako!’ sabay abot ng panyolito sa dalaga. “Sa.. salamat Lucas.” Lumipas ang mga araw ay mas lalo’ng napalapit ang loob niLucas sa dalaga, panay naman ang kwento ng dalaga sa binata, hindi matiis ni Lucas ang dalaga sa tuwing ito’y lumuluha sa iisang dahilan. “Dati-rati’y wala akong pakialam sa nararamdaman ng mga kababaihan. Hindi ko ni minsan’g maisip na madadala ako ng kaniyang kalagayan. Tulad ko na iniwan ng walang dahilan, tulad ko na nilisan ng ganun na lang. Paano ko malalagay ang sarili sa sitwasyo’ng mayroon siya kung ako’y wala din’g kalabanlaban nang iwan ako ng taong minahal ko ng sobra?” Isang palaisipan sa binata kung papaano niya makukuha ang dalaga. “Hindi siya dapat sinasaktan ng ganun, sapagkat hindi siya karapatdapat saktan, mabuti siyang tao, ni hindi ko nga alam kung bakit ganito ang aking tingin sa kaniya. Tama ba’ng nararamdaman ko ito? Tama si Akie, sa kaniya lang ako umakto ng ganito sa babae, kadalasan ay wala akong pakialam, karamihan sa kanila ay hinuhuthutan ko lamang ng pera, may masabi lang na nobya, pero kakaiba itong si Eula. Siguro nga siya na yung babaeng makapagpapabago sa akin.” Nagkakagulo sa paaralan ng dumating si Lucas, animo’y may artistang dumating, ngunit mali ang kaniyang hinala. Nagimbal ang binata ng maabutan ang dalagang si Eula na buhat-buhat papuntang ambulansya.Mabilis ang pangyayari, matagal itong natulala bago mahimasmasan. Tumungo si Lucas papunta kay Akie na nakaupo sa silya habang pinapatahan nito ang matalik na kaibigan ng dalaga na si Kathy. “Ano ang nangyare pare? Bakit siya I sinakay sa ambulansya?” “Pare, nawalan ng malay si Eula kanina, hindi namin alam kung ano ang kaniyang lagay, sumunod kana kung gusto mo siyang puntahan, hindi na sumunod si Kathy dahil nagulat na lang kami sa pangyayari.”Sagot naman ni Akie. “Lucas, huwag ka nang sumama kami na ang bahala kay Eula.” Singit naman ng kaniyang kamag-aral na nais lamang ay makaliban sa klase. Natataranta ang mga guro sapagkat wala silang sapat na kagamitan upang malunasan ang kalagayan ng dalaga kaya’t napag-pasyahan ng mga ito na dalhin agad si Eula sa malapit na Hospital kalapit ng paaralan. Agad naman nilang tinawagan ang magulang ng dalaga upang ipaalam ang nang-yari.Hindi mapalagay ang binata, pabalik-balik ang lakad nito.Hindi malaman ang gagawin, walang kasiguraduhan kung makikita pa ang dalaga. “Hindi ako nag-dadasal matagal na din ako’ng hindi lumalapit sa iyo, paki-usap kahit ngayon lang dinggin mo ako, huwag mo nang iparanas muli sa akin yung pakiramdam na iniiwan, Oo mahalaga siya sa akin, paki-usap huwag mo naman siyang kunin Lord, parang-awa mo na sanahuwag mo siyang pababayaan. Kakakilala ko pa nga lang sa kaniya, Ngayon na lang ako ulit nakaramdam ng tunay na pag-hanga sa isang babae, bigyan mo pa sana ako ng pag-kakataon na makasama at makilala pa siya. Paki-usap huwag ngayon, nararamdaman ko’ng siya na ang tamang babae para sa akin. Hindi kita pinangungunahan, sana kung totoo lahat ng pangako mo at malakas ka nga bibigyan mo padin ako ng pagkakataong makasama pa siya! Pangako ko’ng gagawin ko ang lahat mapangalagaan lang siya.” Napaluha ang binata habang sinusuntok ang paderhindi matigil ang pag-agos ng kaniyang mga luha sa mata. “Pare, tama na yan, mamaya susunod kami ni Kathy pa hospital, sumama ka sa amin, hayaan mo yun si Chin pabida lang iyon, may gusto lang kasi sayo yun!“ Habang pinapalubag ni Akie ang loob ni Lucas. Matapos ang klase ay agad namang dumiretso sina Lucas, Akie at Kathy sa Hospital. “Bes, ano bang nangyari sayo? Bes, ayos kana ba? Pinag-alala mo kami, siya nga pala nasa labas nga pala sina Lucas at Akie”“Bes, pasensya na kung napag-alala ko kayo, pero bes pangako mo sa akin, huwag na huwag mong ipag-sasabi ito sa kanila, ayos bay un?” “Oo bes makakaasa ka, basta ang isipin mo muna ngayon kailangan mong makapag-pahinga, para makapasok kana”Sa labas ay di parin mapalagay si Lucas, namumugto na ang mga mata, kasabay ang paglabas ni Kathy mula sa kwarto. “Lucas at Akie, maaari na kayo’ng pumasok tandaan niyo ahh? Hindi pa maaring pagalitan si Eula! Kapag nalaman ko lang naku! Humanda kayo’ng dalawa sa akin!” “Huwag kang mag-alala Bes kami na bahala sa kaniya.” Sagot naman ni Lucas. Kumatok si Lucas sa pintuan ng kwarto kung saan nag-papahinga ang dalagang si Eula. “Eula? Kamusta kana, pinag-alala mo kami.” Tanong ng binata, bakas sa kaniya’ng mukha ang pag-aalala sa dalaga. “A… medyo ayos na ako Lucas, salamat nga pala sa pag-aalala.” sagot ng nanghihina’ng si Eula. “Eula, ano nga pala ang obserbasyon sa iyo ng mga Doktor ano daw sakit mo? Nagulat nalang kasi kami kanina nang nawalan ka ng malay.” Pang-uusisa ni Akie. “Pa… pagod lang daw ito, kulang daw ako sa pahinga, mababa daw ang aking dugo.” Sagot naman ng dalaga. “Ikaw kasi! Huwag ka kasi masyadong nag-papagod, masama din sa katawan natin ang sobrang pagod, huwag mong aabusuhin ang iyong katawan!” panenermon na tugon ni Lucas. “Excuse me, Sir oras na po para makapag-pahinga na ang pasyente, maaari lamang po kayong mag-hintay sa labas, salamat.” Singit naman ng Nurse na nakadungaw sa pintuan. “Sige na Lucas at Akie, salamat sa pag-dalaw ninyo pakisabi na lang din kay Kathy salamat.” “Wala iyon Eula, basta ikaw malakas ka sa amin e.” tugon naman ni Lucas. Dahil sa kalagayan ni Eula ay mas minabuti ng kaniya’ng mga ka-guruan na bigyan siya ng ilang araw, upang makapag-pahinga sa kanilang tahanan upang bumalik sa dati ang kaniyang lakas. “Ano kaba namang bata ka, sabi ko naman sa iyo mag-iingat ka,wala pa naman tayong kakayana’ng makapagbayad sa ganito kalaking hospital at pribado pa!” “Pasensya na po kayo ma, pa hindi ko naman po alam na ganito ang mangyayari, nagulat na lang po ako paggising ko nandito na po ako sa Hospital” tugon ng dalaga. “Pasensya na ho kayo Ma’am, Sir. Ako po ang guro ni Eula, ang skwelahan na po ang sasagot ng inyong bill sa Hospital, huwag na po kayong mag-alala.”“Maraming salamat ho Madam.” Sagot naman ng ama ng dalaga. “kinakailangan niyo padin pong sumailalim sa pag-susuri kapag nakalabas na ho kayo ng Hospital.” Sa labas ng Hospital ay nakaabang naman ang mga kamag-aral ni Eula kabilang na din ang kaniyang unang naging nobyo na si Daniel kabilang din sa kanilang kamag-aral. Kilala ito ng mga magulang ng dalaga kung kaya’t mas naagaw ang atensyon ni Lucas ng tinawag ito ng ama ni Eula. “Kuya Daniel, kamusta na? nandito ka pala nasaan nga pala ang mga gamit ni Eula?” tanong ng ama ni dalaga. “Nasa eskwelahan pa po tito, ako na lang po ang kukuha. Babalik na lang po ako dito agad” sumabay si Daniel sa van lulan pabalik ng kanilang paaralan upang kuhain ang mga kagamitan ng dalaga na naiwan sa klinika. “Balang araw ako naman ang mag-aalaga kay Eula, hindi na tulad ng mga dating naging nobyo ni Eula na sinaktan lamang siya. Magiging akin din siya.” Bulong nito sa sarili. Lalong nag-pursige ang binata na mapalapit ang loob ng dalaga. Kung kaya’t hiningi nito ang numero ng telepono ni Eula, upang sa gayo’y makamusta ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD