bc

Fairytales Gone Wrong

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Fairytales aren't always have happy endings. ---Ikinulong si Raelle Montejano ng pamilyang mortal na kaaway ng kaniyang ina Sa loob ng labinlimang taon. Dahil doon ay lumaki siyang walang alam, ignorante at ang tanging alam niya para makita ang mundo sa labas ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga fairytales. Pangarap niyang magkaroon ng prinsipe na siyang magliligtas sa kaniya tulad ni Rapunzel, ang paborito niyang bida sa isang kwento. Hindi inaasahan ni Raelle na ang pangarap niyang iyon ay magkakatotoo nang iligtas siya ng makisig na si Apollo Calientes. Ang prinsipe maglalabas sa kaniya mula sa apat na sulok niyang mundo. Pero si Apollo nga ba ang prinsipeng matagal na niyang hinihintay? O ito ang magiging dahilan ng pagkawasak ng kaniyang puso at pagkawala ng paniniwala sa happy endings?

chap-preview
Free preview
Prologue
“PERO, Baka pagalitan po ako ni Teacher Annie,” sabi ko kay Mama nang palitan niya ng ibang mansanas ang hawak ko. “Huwag ka mag-alala, Raelle! Hindi 'yan mapapansin ng teacher mo, basta huwag ka lang maingay. At saka 'di ba? Bestfriend kami ni Annie, ninang mo nga 'yon e,” sagot ni Mama at marahan na itinulak na ako papasok sa backstage. “Mama naman e! Gumagamit ng bestfriend card!” Napangiwi naman ako at inayos na lamang ang sout kong witch costume habang naglalakad papunta sa kaklase kong nakasout naman ng snow white na si Freya Olivarez. Maganda siya at makinis kaya bagay na bagay sa kaniya ang prinsesa samantalang ako ay laging witch kahit na mas maputi ako sa kaniya. Siguro dahil mas mayaman lang sila kesa sa amin at mas maraming donations sa school. Sa susunod na play, ako na talaga gaganap bilang Rapunzel naman, kasi mas mahaba ang buhok ko. Kumaway ako kay Freya habang kasama nito ang kaniyang mga kaibigan pero inirapan niya lang ako. Napapailing ako at agad na ring nag-simula ang play namin. Nakaabang lamang ako sa likod at naghihintay para sa paglabas ko. Bahagya pa akong sumilip sa labas at napangiwi nang makita si Mama na para bang wala sa mood dahil kunot ang noo nito. “Hey, witch!” Napanguso ako at napalingon kay Apol, ang kaklase ko na gaganap naman na prinsipe ni Snow white. Malayong-malayo ang ugali niya sa role niya dahil kung mabait ang prinsipe, ubod naman ng sungit si Apol. Porke't anak siya ng mayamang pamilya ay malakas ang loob niyang mang-asar lalo na sa akin. “Bakit na naman?!” singhal ko dahil alam kong aasarin na naman niya ako. “Alam mo, eight years old na tayo pero bakit hindi ka tumatangkad?” pang-aasar niya sa akin na sinabayan pa ng pagsukat gamit ang kamay niya. “Eight na tayo pero ugaling one year old ka,” sagot ko na imbes na ikainis niya ay bigla lang siyang tumawa. “Whatever, Pandak. Siya nga pala, hinahanap ka ni Teacher,”sabi nito na hindi naalis ang ngiti. “Hoy! Bruha! Nasaan na 'yung meryenda namin?”tanong naman ng bagong dating kong classmate na si King. Kasama pa nito yung dalawa niyang kaibigan. “Wala akong allowance ngayon, King,”dahilan ko. “Ano? 'Di ba nangako ka sa akin kahapon! Ikaw na bruha ka—” “Wala ka bang sariling pera?”singit ni Apol. “Alam mo, Apol. Huwag ka ng makisali. Binubully mo rin naman si Raelle—” “You're right,”aniya kaya napangiwi ako. “Bukas na lang King—” “But I will bully whoever bullies her, in a worse possible way,”sagot niya kaya napakunot noo ako. “She is mine, King. Humanap ka ng i-bu-bully mo.” Dahil sa sinabing iyon ni Apol ay nakasimangot na umalis si King. Nang humarap naman sa akin si Apol ay seryoso ang mukha niya. Pati ba naman sa pag-bully sa akin pag-aagawa pa? “Wow, thank you ah,”saad ko. “Well, I am selfish,”sagot nito at nagkibit-balikat. “Sige na, hanap ka ni Teacher.” Ngumiwi lang ako at nilagpasan si Apol saka naglakad papunta kay Teacher na mukhang hinahanap na ako dahil panay ang linga nito sa paligid. Nang makita na niya ako ay nanlaki ang kaniyang mga mata at napangiti. “Rae, ready ka na ba? Papasok ka na,” nakangiting wika ni Teacher. “Opo, Teacher!” masigla kong sagot. “Very good,” anito at hinaplos ang buhok ko. “Dala mo ang apple?” Bigla naman akong natigilan at napalunok ng laway. Dahan-dahan kong ipinakita sa kaniya iyon na ikinakunot naman ng noo nito. Kita ko ang paghinga niya nang malalim. Hindi niya naman siguro mapapansin na iba ang apple na hawak ko. Ano ba kasi ang rason ni mama para palitan ang apple. “I-Ito po,” nauutal kong sabi. “Alright,” aniya at kinuha ang apple sa kamay ko saka bahagya niyang pinunasan. Mukha rin siyang nagtataka kaya mas lalo akong kinabahan. Mabait si Teacher Annie sobrang nakaka-konsensya ang magsinungaling. Napalingon ako bigla sa stage nang marinig ko ang hudyat na malapit na akong pumasok. Agad naman na binalik sa akin ni Ma'am Annie ang apple. “Good luck, Rae! Nanonood si Mareng Tere!”anito na napapalakpak pa. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang play hanggang sa dumating na rin ang oras ng paglabas ko bilang witch sa play kung saan ko ibibigay ang apple. Habang binibigkas ko ang aking linya ay napasulyap pa ako kay Mama na malapad ang ngiti kaya naman ay ginanahan ako sa aking pag-arte. Nang ibigay ko ang mansanas sa kaklase ko na gumaganap na snow white ay agad niya itong kinagat. Tulad ng nasa script ay natumba si snow white kaya naman ay tumawa na ako dahil iyon ang nasa lines ko. “Now, I'll be the fairest in the land!” malakas kong sabi sa lines saka dahan-dahan na napalingon sa kaklase kong nakahiga pa rin. Kumunot ang noo ko nang makita kong bumula ang bibig nito pero baka kasama iyon sa pag-arte niya. Lumapit naman ang prinsipe na salubong ang kilay. Humalik lang ito sa noo ni Snow white at tumayo na. Ngunit sa pagtataka namin ay hindi bumangon ang kaklase ko. Inulit ng prinsipe ang paghalik sa noo ni Snow white pero tulad sa nauna ay hindi pa rin siya bumangon at medyo namutla ang mukha nito. “Bakit hindi siya nagigising?” tanong ko at napatingin sa audience. Medyo nakaramdam na rin ako ng kaba. Lahat ay nagtataka na at ang parents ng kaklase ko ay biglang napatayo dahil sa pag-aalala. Ang mama ko naman ay nakaupo pa rin habang salubong ang kilay. Kumunot ang noo ko at muli akong napatingin sa kaklase ko na nilapitan na ng teacher. Bumaba ang tingin ko sa apple na binigay ni Mama at akmang pupulutin ko iyon nang may tumulak sa akin. Si Teacher Annie... Sobrang bilis ng pangyayari dahil ang sunod ko na lamang narinig ay sigawan at pagkakagulo ng mga tao sa stage. Napaigik pa ako nang bigla na lang akong hinawi ng kung sino na umakyat ng stage. Napaluhod ako sa ibang mga props kaya nasugat ang aking tuhod. Pero hindi ko iyon alintana dahil naguguluhan ako sa nangyayari. Tumayo ako at akmang lalapit sa kaklase kong gumaganap na snow white nang bigla na lang may humawak sa kamay ko at hinila ako paatras. Napakurap ako at napalingon sa humila sa akin palayo. “Apol?” takhang tanong ko sa kaniya. Huminto kami sa medyo malayong ang mga tao. “Hoy, witch! Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin. “Hala! Dumudugo yung tuhod mo!” “Anong nangyayari, Apol?” tanong ko. Lumuhod lang siya sa harapan ko at pinunasan ang dumudugo kong tuhod saka muling tumayo. Lumingon din siya sa mga nagkakagulo at napapailing. Bakas din sa mukha niya ang pagtataka. “Ewan ko, hindi ko rin alam e,” tipid niyang sagot at bahagyang inayos ang buhok ko. “What did you do?!”sigaw ng kuya ni Freya na si Francis. “H-Ha?”tanong ko. “Just because of the role? Papatayin mo si Freya?!”sigaw nito na pinagtaka ko. “Kuya Francis—” “You're not my sister! Huwag mo akong kuyahin!”anito at tinulak pa ako saka tumalikod. Muling bumalik ang tingin ko sa nagkakagulo at nakita ang nanay ng kaklase ko na lumapit sa akin. Takot na takot ako dahil sa mukha nitong parang isang galit na galit na dragon. Nang makalapit ito ay mabilis niya akong hinablot sa braso at malakas na inalog. “Anong ginawa mo?!” sigaw niya sa akin na puno ng galit. “H-Hindi ko po alam—” Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang bigla ako nitong sampalin sa pisngi. Sobrang lakas na halos nag-init na ang balat ko. Bukod sa sampal ay sinabunutan din ako nito ay muling sinampal. Hindi na ako makapagsalita dahil sa pag-iyak. “Tita! Tama na po!” sigaw ni Apol habang pumapagitna. “Huwag niyo pong saktan si Rae!” “Bakit mo gustong patayin ang anak ko!” sigaw nito at nang akmang sasampalin ako nitong muli ay agad humarang si Apol kaya siya ang nasampal. “Apol!” bulalas ko dahil dumugo ang gilid ng labi nito. “Tita, tama na po—” “Apollo Calientes!” sigaw ng isang bata na mas matanda sa amin. “Kuya Attic!”sigaw ni Apol. “Halika na. Mama is looking for you,”anito at hinila si Apol. “Pero kuya, sasaktan ulit nila si Rae—” “Raelle!” Hindi natapos ang pagsasalita ni Apol nang sumigaw si mama at bigla naman akong hinawakan sa braso saka bahagyang inilayo sa umiiyak na mama ni Freya. Si Apol naman ay tuluyang hinila palayo ng kuya nito ngunit hindi inaalis ang tingin sa akin. “M-Mama...” “Don't you f*****g touch my daughter—” “Daughter?!” bulalas ng mama ng kaklase kong si Freya. Nanlalaki ang mata nito na binitawan ako. “A-Anak mo ang batang 'to, T-Teresa?” “Oo, Faye, at wala kang karapatang saktan ang anak ko!” “I-Is she.. ahmm..” “She's not,”sagot ni Mama. “She's not an Olivarez, Faye.” Matapos ito sabihin ni mama ay kinaladkad niya ako palayo. Mabilis ang paglalakad namin ni Mama palabas at nang makarating kami sa parking ay agad na kaming sumakay sa kotse namin. Nakatitig lang ako kay Mama na mahigpit ang hawak sa manibela. Napatingin ako sa isang ambulansya at napakunot-noo nang makitang hindi si Freya ang ipinasok sa loob, kundi ang bunso nitong kapatid na si Fresia. Puno ito ng dugo at sa gilid ay naroon si Teacher Annie na nakatayo lang at tulala. “Mama? Saan tayo pupunta?” “Sa lugar na walang makakapanakit sa 'yo na kahit sino—” “Mama, makukulong ba ako? p-pinatay ko raw si Freya—” “Hindi! Hindi, Rae. Lahat gagawin ko para hindi mangyari 'yon, anak.” Iyak lang ako nang iyak. Napalingon naman si Mama sa akin at ngumiti saka hinaplos ang namamaga kong pisngi. Ngunit ang ginawa niyang paglingon ang dahilan kung bakit hindi niya nakita ang isang papalapit na malaking truck sa bintana ng kotse. “M-Mama!” Ang huli ko na lamang na nararamdaman ay ang pamamanhid ng buo kong katawan at ang pulang likido na humarang sa aking paningin. Hanggang sa tuluyan akong nilamon ng kadiliman na tanging iniisip ay kung mamatay na nga ba ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook