Chapter 1
ZIA POV'S:
"Takbo pa habang may lupa ka pang tinatapakan Miss beautiful!" sigaw ng tatlong lalaki na humahabol sa akin. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa takot.
Bitbit ko ang aking sling bag na may lamang cellphone.
Hindi ko alam kong anong kailangan sa akin ng mga lalaki, malalaki ang katawan nila yung isa ay mataba na naka-bonete ng itim, katamtaman lang din ang katawan ng dalawa at nakasuot ng jersey na jacket at maong na pantalon.
Hindi ko alam kung saan ako tatakbo, kung kanino ako hihingi ng tulong.
Madilim ang paligid dahil sa matataas na kugon sa gilid ng kalsada magkakalayo layo din ang mga street light. At walang mga sasakyang dumadaan. Pagud na pagud na ako. Masakit na rin ang mga tuhod ko sa katatakbo. Hindi ko lubos maisip na pinagdadaanan ko ang bagay na ito. Ang habulin ng mga estranghero na ni minsan ay hindi ko pa nakikita, ni hindi ko maisip kung ano ang sadya nila sa akin, kung pera wala akong dalang pera. Ako? Lalo akong kinabahan nang maisip na ako mismo ang pakay nila. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko pero napatid ang paa ko sa nakakalat na kahoy dahilan para madapa ako. "Ano? Kaya mo pa! Hanggang diyan ka na lang Miss beautiful," Nilingon ko ang tatlong lalaki na ngayon ay papalapit na sa akin. Hinampas-hampas pa ng matabang lalaki ang kahoy na hawak niya sa hangin.
Mukhang katapusan na yata ng buhay ko. Masakit man ang mga paa ko ay pinilit ko pa ring tumayo. Pipilitin kong indahin ang sakit na nararamdaman ko para lang makalayo sa mga humahabol sa akin.
Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang wala akong nakikitang bahay na pwede kong hingian ng tulong.
Sobrang sakit na mga paa ko, uhaw na uhaw na rin ako. Pero hindi ako dapat tumigil, determinado akong takasan ang mga lalaki. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang makalayo ako sa kanila. Nang hindi ko na sila matanaw dahil sa mataas na kurbang pataas ng daan ay tumigil, ako naisip kong magtago sa malalagong halaman sa harap ng isang bahay kung nasaan ako ngayon. Para siyang warehouse, may fishpond sa paligid at may kubo sa harap. Nakabukas ang ilaw sa kubo, may nakasabit na itim na duyan pero walang tao. Mababa lang ang bakud kaya pwedeng akyatin. Hingal na hingal ako dahil sa pagod. Idagdag pa ang uhaw ko. Naisip kong maari nila akong makita kung dito ako sa halaman magtatago kaya umakyat ako sa bakud. Nagtago ako sa likod ng pader at pinipigilan makalikha ng ingay.
Ilang sandali lang ang lumipas ay may narinig akong tinig at yabag ng mga tao. Lalo pa akong nagkubli, umupo ako at niyakap ang mga tuhod ko.
"Asan kana Miss beautiful?!" Nakakakilabot na tanong sa akin ng isa sa mga lalaki.
"Woohoo! Wag ka nang magtago
Dahil mahahanap ka din namin! Wag mo na kaming pahirapan. Sabik na sabik na kaming matikman ang masarap mong bulaklak!" Tawag ng isa sa kanila. Para siyang tinig demonyo dumagdag pa sa takot ko ang halakhak niya. Halakhak ng isang adik na madalas kong napapanood sa pelikula. Nanginginig at sobrang natatakot ako. Pero wala akong magawa kundi tibayan ang loob ko at haharapin mag-isa ang trahedyang maaaring mangyari sa akin kung sakali mang makita nila ako.
"Bulaga!" malakas na bulalas ng lalaki. Dinig ko ang tunog ng sanga ng halaman, dahil sa malakas na paghawi nito. Halos mapasigaw ako sa gulat ko dahil akala ko ay nakita nila ako. Pilit kong pinipigilan ang aking paghikbi. Madiin kong tinakpan ng aking kamay ang aking bunganga. Tahimik na umagos ang mga luha ko.
Narinig kong may tumawag sa kanila parang pamilyar sa akin ang boses ng babaeng iyon. Hindi kaya may kinalaman si Dana sa nangyari sa akin? Hindi kaya siya ang may pakana ang lahat ng ito? Alam kong malaki ang inggit sa akin ng Mag-inang Dana at Lucy, pero hindi ko inisip na magagawa nila sa akin ang ganito dahil lang sa pera at kayamanang mapupunta sa kanila kapag namatay ako.
"Hindi po namin naabutan ang kapatid mo Madam," pahayag ng lalaki.
May narinig akong parang kahoy na ibinato sa may kalsada. Maaaring iyon ang hawak kanina ng matabang lalaki.
"Ang tanga niyo! Iisang tao! Babae pa yan! Natakasan kayo?! Mga b*b*!" Galit na sigaw ni Dana. Malinaw sa akin lahat ng narinig ko. Mabuti na lang at ni loudspeaker nila ang cellphone.
Sinasabi ko na nga bang siya ang may pakana ng lahat ng ito! Inagaw na ang lahat sa akin hindi pa siya nakontento! Mariin kong pinaglapat ang aking mga labi nangangalit ang aking mga ngipin at kuyom ang aking mga kamao.
Ano pa bang gusto niya? Mula nang dumating sila sa buhay namin ni Papa naging parusa na ang araw-araw kong buhay. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganun na lang ang galit niya sa akin.
Naniwala ako sa kabutihang ipinakita niya sa akin kanina, pumayag akong samahan siya sa bar, dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataong mag-bonding kami. She is just my step-sister pero gusto kong maging malapit kami sa isa't-isa.
Pero iniwan niya ako at gustong ipagahasa sa tatlong lalaki na ngayon ay nasa tapat ko at pader lang ang pagitan. Buti na lang talaga at hindi ako uminom.
She's a big liar! Evil! Hindi ako umalis sa pwesto ko hanggang hindi pa umaalis ang mga lalaki.
Nanatili akong nakabaluktot at nakakubli sa pader para hindi nila ako makita.
Nabuhayan ako ng loob nang may parating na sasakyan. Isang Pajero na kulay gold makikita ang kulay dahil sa maliwanag na front light nito.
Dahan-dahan akong tumayo, ikinubli ang sarili sa malaking halaman at pinanood ang mga lalaki. Nakahinga ako ng maluwag nang maglakad na paalis ang mga lalaki. Pero lumingon pa rin ang matabang lalaki sa likod.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate at nakita kong bumaba ang isang lalaki at binuksan ang gate. Nakasuot ng navy blue polo shirt at maong na pantalon.
Matangkad at matipuno ang katawan na para siyang nag gi-gym.
Hindi ko masyadong nakita ng mukha niya dahil nakatagilid siya pero parang may taglay itong karisma.
Pinarada niya ang kanyang sasakyan sa tapat ng kubo. At bumalik siya para isara ang gate. Sumandal ako sa may puno ng macapuno para hindi niya ako mapansin. Sinundan ko lang siya ng tingin dahil baka mahuli niya ako at sabihing magnanakaw ako. Dumiretso siyang pumasok sa warehouse kaya mabilis akong tumakbo at sumakay sa likod ng sasakyan niya.
okay na dito mas safe ako kung dito ako magtatago baka balikan ako ng mga estranghero.
pinagkasya ko na lang ang katawan ko sa likod dahan-dahan kung isinara ang pinto dahil napansin kong may babaeng nakasakay sa tabi ng driver seat. Baluktot ang mga binti kong humiga sa likod. Pinapakinggan ko ang bawat kaluskos. Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang pinto sa harapan.
Madilim sa pwesto ko kaya hindi nila ako makikita kung sakali man.
Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa maliit na box na naroon.
May nakapa akong parang bote ng tubig na nasa katabi kong supot. Dahan-dahan at ingat na ingat akong umupo at kinuha iyon. Mabuti na lang at hindi pa nabubuksan sinamantala ko ang pagkakataon upang inumin ang tubig para mapawi ang uhaw ko.
Nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ako ng takot, nang makita kong naghahalikan ang dalawa sa upuan sa unahan.
Iniatras ng lalaki ang upuan niya at sumampa sa kanya ang babaeng may mahabang buhok. Hindi kaya girlfriend niya iyon? Ay, ewan ko, dahil nagtago lang naman ako dito. Pirmi ko lang silang pinanood kung anong ginagawa nila. Nakatingala ang babae at may kasama itong pag-ungol.
"Uhmmmm...ahhhhhhhhh..." Malanding ungol ng babae. Maya maya pa ay bumaba siya at may kung anong ginawa sa harapan ng lalaking nakaupo.
Habang ang lalaking may matipunong katawan kanina ay naka-tingala at hawak ang ulo niya.
"Hmftt...Uahhhh... F*ck...yahhh...
Your f*****g so good baby..." paos na sabi niya may kasama pa siyang pagbuga ng hangin. Dinig ko din ang malakas na paghinga niya. Kaya napatakip ako ng bunganga.
Takot na takot akong gumalaw dahil baka makalikha akong ingay. Kahit masakit na ang likod kong nakasandal sa matigas na box ay tiniis ko na lang. I feel nervous, paano kung mapansin nila ako.
Lalo pa akong kinabahan at mabilis na humiga nang buhatin niya ang babae at lumipat sa backseat. Sa mismong harapan ko tanging sandalan lang ng upuan ang pagitan namin.
Gusto kong lumabas at tumakbo pero iniisip ko baka inaabangan ako ng mga lalaki. Hindi naman siguro nila ako mapapansin wag lang akong gumawa ng kahit na anong tunog.
Buti na lang talaga at malalim dito sa likod kaya ipinirmi ko na lang ang paghiga at tiniis ang pangangawit ng mga binti kong nakabaluktot.
Napahawak ako sa may tela ng upuan sa likuran dahil sa pag yugyug ng sasakyan. Ano bang ginagawa nila?
Lalo tuloy akong kinabahan. Ang bawat pagyugyog ng sasakyan ay sinasabayan ng ungol ng babae at lalaki. Maya maya pa ay tumigil na din sila. Pero dinig ko ang malalakas na paghinga ng dalawa. Madiin kong tinakpan ng mga palad ko ang aking bunganga dahil sa gulat nang may kung anong bagay na tumama sa leeg ko. Napangiwi ako dahil basa iyon at malansa ang amoy. Ilang segundo kong pinigilang huminga para hindi ako masuka.
Yuck! Kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng paghagisan ng pamunas nila ay naisip pang dito sa likod ng sasakyan nila ilagay! Ano to? Para may remembrance sila? Alam kong hindi nila alam na nasa likod ako pero sobra na ang nangyayari sa akin ngayon.
Lalo pang tumindi ang galit ko kay Dana, dahil sa mga naranasan ko ngayong gabi. Kung sa tingin niya magtatagumpay siya. Hmft! Nagkakamali siya. Kahit ilang beses pa niya akong ipapatay hindi siya magtatagumpay, sisiguraduhin kong pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin.
I assure pagsisihan ni Papa ang laging pagkampi niya kay Dana...
Sa anak ng kabit niya. Kabit? Yes kabit! Kabit pa rin siya ni Papa,
dahil kahit patay nang matagal ang Mama ko siya pa rin ang orihinal na asawa ni Papa. Dahil hindi sila kasal ng Drakulang si Lucy. Lalayas na rin ako sa mansyong tinitirhan nila, kahit pa ako ang tunay na nagmamay-ari, mas nakabubuti na iyon kaysa makasama sila sa iisang bubong. I better live in Rancho. Sa Hacienda nila Boyyi at Omma. Kaysa manatili at tumira sa malaking mansyon na kasama ang mag-inang