Heather's Pov "Hindi n'yo naman talaga kailangang mag-stay ni Dad dito, may condo unit ako sa Taguig. Matagal ko na po 'yong nabili. It's not that big but I believe you'll be more comportable there than here." Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng mumunting kirot sa 'king puso nang makita ko ang estadong kinasadlakan ng buhay nila. Who the hell would have thought that the CEO of Fraier Furnitures Incorporation will end up being just a mere carpenter in a not so decent community. Hindi naman sa nagiging judgmental pero gano'n talaga ang impression ko sa lugar na 'to. Pawisan na lumapit sa 'kin si Dad bitbit ang lihang gamit n'ya kanina sa isang lamesang ginagawa n'ya. Si Mama naman ay nasa kusina ay nagluluto ng mga ulam na nilalako n'ya raw sa mga construction worker sa may

