Heather's Pov "Sa Twin Tower sa may BGC ako nakatira." I muttered with a shivering voice as the coldness that's coming from his car's aircondition sipped through my whole being. Idagdag mo pang basang-basa ako dahil sa pesteng ulan na hanggang ngayon ay wala pa ring paawat sa pagbuhos. "I know." Sabi n'ya saka ako sinulyapan bago n'ya muling ibinalik ang mga mata n'ya sa kalsada. Mariin akong napapikit at niyakap ang aking sarili ng hindi ko na kayanin pa ang lamig na bumabalot sa bawat himaymay ng aking katawan. Napaayos ako nang naupo saka seryosong tumingin sa bintana ng kanyang sasakyan nang mapansin na ang ruta papunta sa mansyon ang tinatahak namin. "Ang sabi mo ihahatid mo 'ko!" Nangagalaiting asik ko sa kanya dahilan para saglit kong makalimutan ang panlalamig na

