4 - SO CLOSE

1387 Words
LEIN Katatapos lang namin mag-linis. Tulungan kaming dalawa ni Rheo kaya mabilis agad natapos. Malinis na ang kwarto namin. Organize na at wala nang mga nakakalat pang mga basura. Pinagsama-sama at inayos na ang mga ito. Itinapon na rin ang mga hindi na kailangan. Lumuwag na ang loob iyon. Hinawi ko ang kurtina sa nag-iisang bintana sa kwarto. Pumasok ang sariwang hangin at nilanghap ko 'yon. Napahiga ako sa magiging higaan ko. Sarap sa pakiramdam. Natapos ko na ring ayusin ang mga dala kong gamit. Nagulat ako ng bumukas ang pinto. Si Rheo! Na kakagaling lang sa baba at nagtapon ng mga basura. Wala itong damit pang-itaas at nakasampay iyon sa balikat niya. Hinubad kasi nito iyon kanina habang naglilinis kami. Pinagpawisan din kasi ito kahit katatapos niya lang maligo. Isinara nito ang pinto. "Hay! Salamat malinis na," sabi nito na halatang natuwa dahil maaliwalas na ang buong paligid. Wala nang mga nakasampay at naka-kalat. "Oo, nga," sang-ayon ko. Naupo si Rheo sa higaan ko kung saan ako nakahiga. Nakatalikod ito sa akin. Napatingin ako sa malapad nitong likod. In-fairness ang kinis nito. "Mabuti na lang dumating ka. Nalinis na 'tong kwarto natin. Salamat sa 'yo." "Ano ka ba?! Salamat din sa 'yo kasi tinulungan mo 'ko. Kahit papaano ay napa-bilis ang paglilinis natin. Kaya quits lang tayo," sabi ko sa kanya. Tuluyan na itong nahiga sa kama ko. Kaya napilitan akong umusog ng konti. Halos magkatabi na kami. Nagulat ako sa ginawa nito. Maliit lang ang higaan at konti-konti na lang ang distansya namin sa isat-isa. 'Pag gumalaw pa ito ay tuluyan na kaming magkadikit. May mga gamit pa kasi sa higaan nito kaya hindi pa siya makahiga roon. Hindi tuloy ako mapakali. Hindi rin ako komportable sa sitwasyon namin. Wala na akong mausugan kasi pader na rin ang nasa gilid ko. Nakatagilid na nga ako paharap sa kanya. Napansin kong nakapikit ito. Kaya malaya ko ulit na napagmasdan ang mukha nito. Hindi ko lubos maisip na mangyayare ito sa akin. Kanina lang nang nakita ko siya. Nakuha niya agad ang atensyon ko sa baba habang naglalaro ito ng basketball tapos ngayon ay katabi ko na sa higaan. Lying here beside him is like waking up every morning at itong mukha ang bubungad sa akin na nasa harap ko, feels like heaven by his side. Ang bilis ng mga pangyayare at gusto ko na lang enjoyin ang mga sandaling ito kasama siya. Dumilat ito ng mata at bumaling sa akin. Nagkatinginan kami pareho. Sinalubong ko ang tingin niya at gano'n din siya sa akin. Mga ilang segundo siguro kaming nagkatitigan. Walang salitaan. Mata sa mata lang. Kinabahan tuloy ako sa pakikipagtitigan dito. Baka nakahalata na ito sa akin. Baka sinusubukan niyang hinuhuli ako kung tuluyan na akong bibigay. Alam kong medyo soft ang galawan ko kanina pero pinilit ko pa rin na maging matigas. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Parang may gusto itong sabihin. He's just keep on staring at me. Naiilang tuloy ako. Hindi na ako gumagalaw sa pwesto ko at pigil na rin ang hininga ko. Maya-maya pa ay palapit nang palapit ang mukha nito sa mukha ko. Sumisinghot-singhot pa ito na parang may naaamoy na kakaiba. Hindi ko alam kung ano iyon. Confident naman akong mabango ako at hindi ako mabaho. Naligo rin ako kanina at nakapag-lagay ng deodorant. Mamahalin din yata pabango ko. Ang weird lang nang inaakto nito. His face is slowly moving towards my face. Napapigil na ako sa paghinga ko. Hindi na rin normal ang t***k ng puso ko sa ginagawa niya. Ang lapit na ng mukha nito. As in mga one inch na lang ang pagitan namin. Naamoy ko na rin ang hininga nito na lalong nagpagulo sa utak at sistema ko. Bahala na kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung anong binabalak nito. I will just go with the flow. Napa-pikit na lang ako. "Hindi mo ba naamoy 'yon?" tanong nito sa akin dahilan para mapadilat ako muli. "Huh?" Nahimasmasan ako dahil do'n sa sinabi niya. Iba lang kasi ang naisip kong gagawin nito. Assumera lang ang peg. "Sabi ko kung wala ka bang naamoy?" ulit nito. Napilitan akong amoyin ang sarili ko particular na ang kili-kili ko. "Hindi 'yan," saway nito. Natawa ako dahil do'n. Akala ko talaga may body odor na ako at iyon ang tinutukoy niya. Wala naman akong naamoy na kakaiba pa. Nilinis ko rin namang mabuti ang banda rito sa pweso ko at pati na rin ilalim ng higaan. Wala akong nakuhang patay na daga doon para dahilan na bumaho. Nagtataka na ako. "Akala ko ang baho ko na." "Adik hindi. Ang bango mo nga, eh." Natuwa naman ako sa sinabi nito. Maliit na bagay. "Eh, ano?" "Parang amoy saging." Napa-kunot ang noo ko sa sinabi nito. Gusto kong tumawa nang malakas dahil do'n kaso pinigilan ko. Seryoso kasi ang mukha nito at baka bigla itong mapikon. Pero of all the things na pwedeng maamoy saging talaga? "Anong saging?" natatawa kong tanong. "Saging. 'Yong mataba." "Ah, saba," nasabi ko. "Oo, 'yong piniprito," describe pa nito. "Ah, banana cue," hula ko. "Tumpak! Banana cue nga." Hindi ko na napigilan ang tumawa nang malakas. "May nakakatawa ba?" seryoso nitong tanong. Napatigil ang pagtawa ko bigla. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin. Mababakas sa mukha nito ang kaseryosohan. "Sorry," paumahin ko. "Bakit ano bang iniisip mo?" tanong nito. "Wala naman. Hindi ko lang ine-expect na saging talaga ang maaamoy mo," paliwanag ko. "Eh, 'yon naman talaga naamoy ko. Tara!" yaya nito sa akin at tumayo na mula sa pagkakahiga. "Huh?" pagtataka ako. "Tara na!" At hinila niya pa ang paa ko. "Saan ba?" "Basta. Dali na!" pagpupumilit pa rin nito. "Okay, okay," napilitan kong sang-ayon. Wala na akong nagawa. Tumayo na rin ako sa pagkakahiga ko at inaayos ang aking sarili. Wala akong ideya kung sa'n niya ako niyayaya pero bahala na. May tiwala naman na ako sa kanya. At okay din basta siya naman kasama ko. Pabor iyon sa akin. Nakita kong sinuot na nito muli ang damit nito at tinungo na ang pinto. "Hintayin kita sa baba," sabi pa nito. "Sige." At tuluyan na itong naunang lumabas ng pinto. Agad akong nagtuloy sa CR. Puputok na kasi ang pantog ko. Kanina pa akong nagpipigil na maihi. Saka ako tuluyang lumabas ng kwarto namin bitbit ang susi. LEIN Naglalakad na kami palabas ng boarding house. Nagpatiuna itong naglakad. Naka-sunod lang ako sa kanya. Curios talaga ako kung sa'n niya ako dadalhin. Hindi pa ako pamilyar sa lugar. Hindi ko rin pa kabisado ang mga pasikot-sikot doon. Ang tanging alam ko lang ay 'yong papuntang university kung saan ako nag-aaral. Walking distance lang ang bording house namin sa eskwelahan. "Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko ulit. "'Wag ka nang magtanong. Sumunod ka na lang." "Okay." Nakalabas na kami sa may kanto. Linggo ngayon kaya wala masyadong mga estudyante na naglalakad. Pero may mga mangilan-ngilan na dumaraang sasakyan. Nakarating kami sa may dulo. At agad kong nakita ang hilera ng mga stall na nagtitinda ng mga meryenda at kakanin. Natuwa ako dahil do'n. 'Di ko alam na may gano'n pala do'n. "Pili ka na," sabi ni Rheo sa akin. "Bakit libre mo ba?" "Oo." "'Wag na!" tanggi ko. "Nakakahiya." "Ano ka ba?! Pambawi ko 'to sa paglilinis natin kanina." "Naku, hindi na kailangan." "Sige na. Pumili ka na. 'Wag ka nang tumanggi. Akong magbabayad nito. 'Wag kang mag-alala. " "Sige na nga. Ito na lang sa akin." Sabay turo ko sa camote cue. "Isang camote at isang banana cue nga po. 'Wag niyo nang balutin. Saka dalawang basong palamig," saad nito sa tindera. Iniabot nito ang stick ng camote cue sa akin saka 'yong palamig. "Salamat," saad ko at sinimulan ko nang kagatan ang pagkain ko. Tumango ito. Ngumiti ako sa kanya. Naintindihan ko na kung bakit saging ang naamoy nito kanina. Nag-crave lang pala ito ng banana cue. Kaya tuloy ay nasama pa ako sa libre nito. Sobra akong natuwa. Halos kakakilala ko lang sa kanya pero ang gaan na ng loob ko. Mabait naman pala ito. Lihim ko siyang sinusulyapan habang kumakain ito. Mukhang magkakasundo talaga kami. May reason na akong maging masaya kahit mag-isa na lang ako at malayo kina Mama. Excited din ako at looking forward sa mga susunod na araw na makakasama ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD