Kinakabahang nilapitan ni Rodell ang nakalupasay na babae. Lalo siyang kinabahan ng makita dumudugo ang noo at ilong nito dahil sumadsad sa lupa. Takot na takot naman ang kasama nito.
"Miss..miss, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Rodell habang niyuyugyog ang babae.
"Hindi siya okay, ano ka ba?" halatang nainis ang kasama nito sa inasal niya.
"Let's bring her to the hospital," naalala ni Rodell na wala nga pala siyang sasakyan kaya tinawag niya ang isang kaibigang hacindero. Bawal din kasing utusan ang mga tauhan nila dahil kabilinbilinan ng mga magulang na huwag susundin ang utos ng anak.
Tinulungan naman siya ng kaibigang si mang Kiko at inutusan pa ang anak na ibalik sa kwadra si Thunder. Inihatid siya ng mga ito sa hospital. Gabi na pero wala pa ring malay ang babae. Tahimik lang itong pinagmamasdan ni Rodell. Maamo ang mukha ng babae at simple lang ito. Kanina pa niya napapansin na laging nakatingin sa kanya ang kasama ng babae.
"Hey, may problema ka ba?" tanong ni Rodell.
"Ah. Wala. May itatanong lang sana ako," nahihiyang sabi nito.
Ngumiti si Rodell, "Sige lang. Ano ba iyon?"
"Ikaw ba yung anak ni Don Manuel?"
"Ako nga."
"Kaya pala pamilyar yung mukha mo," natatawang sabi ni Lourdes. Halatang kinikilig ito.
"Anong pangalan mo?" napangiti si Rodell.
"Leilani. At iyong pinsan ko si Tessa."
Sabay silang napatingin sa babae nang marinig ang tawag nito. Mabilis na tinawag ni Rodell ang nurse at nang sinabi ng doktor na makakalabas na sila ay tsaka lang sila umalis. Nag jeep lang sila pauwi dahil kaunti lang ang dalang pera ni Rodell. May utang pa nga sila sa hospital. Nangako si Rodell na babayaran na lang iyon kinabukasan. Uutang na lang muna siya kay Ruth. Inihatid pa ni Rodell ang mga ito pauwi. Dahil mas malayo ang bahay ni Tessa ay mas nauna nilang naihatid si Leilani. Hindi alam ni Rodell kung bakit iba ang pakiramdam niya habang kasama si Tessa. Natutuwa siyang pagmasdan ito.
"Salamat po pala sa paghahatid, sir. Rodell." nahihiyang sabi ni Tessa.
"Sir?" natawa si Rodell. "Grabe ka naman. Masyado mo naman akong pinatanda. Twenty one pa lang ako. Huwag mo na akong tawaging sir."
"Magkasing-edad pala tayo," bahagyang namula si Tessa.
"Tingnan mo."
"Pero amo ko ang papa mo," katwiran ni Tessa.
"Basta. Call me Rodell."
Ngumiti lang si Tessa. Tila tumalon ang puso niya sa ginawang pagngiti nito. Ngayon lang siya nakaramdam nang ganoon sa babae kahit pa marami rin siyang naka fling. Isa na roon si Ruth na siguradong hinihintay na siya sa bahay.
"Sarado na pala ang pinto," nanghihinang sabi ni Tessa nang makarating sila. "Siguradong mapapagalitan na naman ako ni Tatay bukas."
Malaki rin naman ang tirahan ng mga ito at halatang may kaya rin ang mga magulang ni Tessa.
"Istrikto ba ang mga magulang mo?" tanong ni Rodell.
"Medyo. Ayaw nilang ginagabi ako. Kaya rule na ni Tatay na isara ang pinto kapag alas dyes ng gabi. Kung saan ka makikitulog, bahala ka."
Napailing na lang si Rodell. "Saan ka matutulog ngayon? Pwede naman sigurong kumatok tayo. Akong bahalang magpaliwanag sa daddy mo."
"Hayaan mo na. Hihintayin ko na lang na mag-umaga," nakangiting sabi ni Tessa.
Napailing na lang si Rodell. Kung wala lang si Ruth ay isasama niya ito sa kanila. Wala naman siyang balak na masama rito. Alam ni Rodell na disenteng babae si Tessa. Dahil hindi nga ito nagpapakita ng motibo sa kanya. Nag-aalala lang siya na hating-gabi na at nasa labas pa ito ng bahay.
"Kasalanan ko ito e. Sorry talaga sa nangyari. Wala na bang masakit sa'yo?"
Ngumiti si Tessa. Hinding-hindi magsasawa si Rodell sa ngiting iyon. "Wala na. Huwag mo nang isipin iyon. Sige na, gabi na rin. Baka hinahanap ka na sa inyo."
"Walang maghahanap sa akin." sabi ni Rodell. Kahit alam niyang hinihintay na siya ni Ruth. "Hindi kita pwedeng iwan dito mag-isa."
"Okay lang ako. Inaantok ka na o?" tudyo ni Tessa.
Natawa si Rodell at umupo sa upuang kawayan sa bakuran nila Tessa. "Sasamahan kita dito. Siya nga pala, kailangan nang palitan iyong benda sa noo mo."
Binuksan ni Rodell ang dalang plastic at inilabas ang benda at gamot na binili sa botika ng hospital.
"Humiga ka konti," utos ni Rodell.
Nahihiyang tumanggi si Tessa. "Ako na lang ang magpapalit."
"Ako na," pamimilit ni Rodell. "Ihiga mo lang konti yung ulo mo."
Wala nang nagawa si Tessa kung hindi sumunod. Hindi niya maiwasang humanga kay Rodell na bukod sa gwapo ay halatang mabait din ito. Masarap din itong kausap kaya hindi niya namalayan na umaga na.
"Hindi ka umuwi kagabi." kaswal na sabi ni Ruth kay Rodell pagdating. Nagulat siya nang maabutan niya ito. Madalas kasing wala na ang babae kapag umuuwi siya nang ganoong oras.
"Hinihintay mo ba ako?" tudyo niya rito.
"Of course not. Ano bang paki ko kung saan ka pumupunta," natawa si Ruth.
Lumapit si Rodell sa babae. "Baka naman may two thousand ka dyan. Babayaran ko kapag nagkapera ako."
Natawa si Ruth at walang tanong na kumuha ng pera sa wallet. "Huwag mo nang bayaran.Alam ko namang hindi ka na magkakapera. Hindi ka naman nagta-trabaho."
Natawa na lang din si Rodell at hinila sa kama si Ruth. He started kissing her.
"Hey, easy ka lang," natatawang saway nito.
"Bilis. May lakad pa ako," natawa din si Rodell.
Napailing na lang si Ruth."Saan ka na naman pupunta?"
"Dyan lang." hindi niya sasabihin sa babae na aayain niyang lumabas si Tessa at baka bawiin ang perang ibinigay nito.
"Bakit nga ba ako nagtatanong?" natawa si Ruth sa sarili. Maya-maya ay hinalikan na ng babae si Rodell. "Bilisan na natin at baka ma-late ka pa sa lakad mo."
Saglit na nakalimutan ni Rodell si Tessa dahil talagang napakagaling ng babae sa kama. Hindi siya nagkamaling i-surrender ang virginity dito. Siguradong marami na itong experience. Kaya hindi niya ito magawang respetuhin dahil nakikita niyang wala ring respeto sa sarili ang babae.
Nang makatulog si Ruth ay bumangon si Rodell at naligo. Muling bumalik sa isip niya si Tessa. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang matamis na ngiti nito. Kailangan niyang makita ito ngayon kung hindi mababaliw siya.
Pagkatapos magbayad sa hospital ay naisipan ni Rodell na dumaan sa bahay nila Tessa. Magkukunwari siyang napadaan lang. Laking gulat niya nang makita ang isang magandang kotse sa labas ng bahay ng mga ito. Tumambay muna siya sa tindahan sa tapat ng bahay nila Tessa.
"Bili po kayo?" tanong ng bata sa tindahan.
"Oo. Mineral water po. Tsaka bigyan mo na rin ako ng hopia," wala sa sariling sabi niya.
"So, ano? Sa sabado ha?" nakangiting sabi ng lalaki na gwapo rin naman at may simpatikong ngiti. Mukhang mayaman din ito dahil halatang bago ang kotse.
"Oo na," napipilitang sabi ni Tessa. Kinabahan si Rodell. Boyfriend ba iyon ni Tessa?
Pumasok na sa loob ng kotse ang lalaki. Nakita niya ang hawak na bulaklak ni Tessa. Nagseselos ba siya? Sobrang bigat ng pakiramdam niya noon.Malungkot siyang tumalikod para umalis na nang marinig niya ang malakas na tawag.
"Rodell?" nagtataka si Tessa nang makilala ang lalaki sa tindahan sa tapat ng bahay nila. "Rodell!"
Kinabahan si Rodell nang marinig ang tawag ni Tessa.
"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Tessa. Ngumiti pa ang babae kaya nagrigodon na naman ang puso niya.
Pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang nakitang eksena kanina. Nagtatampo siya sa babae kahit alam niyang wala naman siyang karapatan.
"Wala, bumili lang," pagsisinungaling niya.
"Talaga?" natawa si Tessa. "Ang layo naman ng binilhan mo."
Napabuntong-hininga si Rodell. "Okay. Sige na. I came to see you."
Napataas ang kilay ni Tessa. "Ako? Bakit?"
"Para ibigay ito," wala sa sariling sabi ni Rodell pagkatapos iabot ang hawak na hopia.
Natawa si Tessa. Halatang naw-wirduhan sa kanya. "Salamat. Hindi pa nga ako nagme-meryenda."
Natawa na din si Rodell. Pinamulahan ito ng mukha. "Pwede ba kitang ayaing mamasyal?"
Natigilan si Tessa. Hindi siya makapaniwala na aayain siya ng anak ng isa sa pinakamayaman sa lalawigan nila.
"Sigurado ka ba?" alanganing tanong niya.
"Oo naman."
Nakita niya na lang ang sariling namamasyal kasama ng lalaking halos langit at lupa ang agwat nila.
Sa bayan siya ipinasyal nito. Kahit pa marami rin siyang manliligaw at may mayayaman din naman ay para siyang prinsesa dahil halos lahat ay kilala ang lalaki.
"Sino iyong lalaking kasama mo kanina?" hindi natiis na itanong ni Rodell.
"Iyon ba? Si Jerome iyon," nakangiting sagot ni Tessa. Nakaramdam ng kaunting kirot sa puso si Rodell nang makita ang pagngiti nito.
"Boyfriend mo?" seryosong tanong niya.
"Hindi ah," natatawang tanggi ni Tessa. "Manliligaw lang."
Nakahinga nang maluwag si Rodell. Pero nandoon pa rin ang selos sa puso niya. "Gwapo siya."
Lalong natawa si Tessa. "Type mo?"
Natawa din si Rodell. "Mukha ba akong bakla?"
"Hindi naman," pinamulahan ang babae nang makita ang matiim na mga titig niya.
"Anong trabaho ni Jerome? Mukhang mayaman."
"Architect siya. May kaya talaga ang pamilya noon," kwento ni Tessa.
"Mukhang playboy."
Tawa nang tawa si Tessa. Halata na kasi ang pagiging interesado niya sa lalaki. Napadaan sila sa sayawan at nagulat si Tessa nang hilahin siya ng lalaki sa entablado.
"Sayaw tayo, Tessa."
Kinakabahan si Tessa dahil halos lahat ay sa kanila nakatingin. Makikita ang inggit sa mga mata ng mga babaing nandoon.
"Rodell, ano ka ba?" nahihiyang saway ng babae.
"Come on, isang sayaw lang," nakangiting sabi ng lalaki. "Don't worry, hindi rin ako marunong."
Sobrang bilis ng t***k ng puso ni Tessa. Bakit ba ang lakas ng dating ng lalaking ito? Ayaw niyang mag-ilusyon na may gusto ito sa kanya. Pero bakit ba ito lumalapit?
"Sasagutin mo ba si Jerome?" nagulat siya sa tanong ni Rodell.
"Hindi ko alam," sagot ni Tessa. Hindi niya naman gusto si Jerome kahit pa mabait ito. Balita niya kasi ay babaero ang lalaki. "Tama ka, may pagka playboy iyon."
Lalong bumilis ang t***k ng puso niya nang ngumiti si Rodell.
Naglalakad si Ruth dahil naisipan niyang bumisita sa bayan nang makita si Rodell kasama ang isang magandang babae. Napangiti siya. Kaya naman pala lagi itong umaalis. Mukhang may gusto ang lalaki sa babaeng kasama. Wala naman siyang problema doon kahit pa gusto niya si Rodell. Katawan lang din ang habol niya sa lalaki at wala siyang balak makipag-commit dito.
"Hi," nakangiting bati ni Ruth kay Rodell at Tessa na ikinagulat ng dalawa. Kinabahan si Rodell.
"Ruth, anong ginagawa mo rito?" pormal na bati ni Rodell. Huwag lang siyang ibibisto ng babae dahil ihahagis niya talaga ito pabalik sa America.
"Wala, napadaan lang," mukha namang wala siyang balak ibisto nito. Ngumiti pa ito kay Tessa. "Nice to meet you. Enjoy your dance."
"Hello," nagtatakang bati ni Tessa. "Kilala mo ba ako?"
"Nope," umiling si Ruth. "Magkakilala lang kami ni Rodell. Sige ha, by the way, may wishing star daw mamaya. Abangan niyo."
"Talaga?" interesadong tanong ni Rodell. "Sige, aabangan namin. Enjoy ka rin."
"Bye," kumindat pa si Ruth bago umalis.
"Sino iyon?" tanong ni Tessa.
"Wala," paiwas na sagot ni Rodell. Mag-uusap talaga sila ng masinsinan ng babaeng iyon mamaya. "Kakilala ko lang."
Nang matapos ang tugtog ay sa Ferris Wheel niya naman inaya ang babae. Dumaan ang wishing star na sinasabi ni Ruth at sabay silang nag-wish ng babae. Kakaiba ang nararamdaman ni Rodell nung mga oras na iyon. Alam niyang mahal niya na si Tessa. Pero hindi siya magmamadali. Habang umiikot ang Ferris wheel ay naglalakbay din ang isipi ni Rodell. Bigla siyang nagkaroon ng pangarap na tapusin ang pag-aaral pag-uwi ng Maynila para may maipagmalaki din siya kay Tessa katulad ni Jerome.
"Gising ka pa?" seryosong tanong ni Rodell nang maabutang gising pa si Ruth.
"Hinintay ko pa iyong wishing star." nakangiting sabi ni Ruth. Nasa labas pa ito ng bahay. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pangangailangan ng makita ang pananamit nito pero pinigilan niya. Gusto niya nang magbagong buhay. Pero mukhang mahihirapan siya dahil si Ruth mismo ang lumalapit. Naramdaman ni Rodell ang paghalik nito sa mga labi niya pero wala na ang init na nararamdaman niya tulad ng dati. Hindi siya pwedeng magpalipas ng gabi kasama ito. Makikitulog muna siya kila mang Kiko.
"Kailan nga pala ang balik mo sa Amerika?" walang kaemo-emosyong tanong ni Rodell.
"Sa katapusan," nagtatakang sagot ni Ruth.
Napabuntong-hininga si Rodell at seryosong hinarap ang babae. "I want you to leave now. You can't stay here anymore."
Natigilan si Ruth. Pero agad namang naunawaan ang sinabi niya. Pagak itong tumawa pero wala namang bahid ng pait. Para ngang hindi ito nasaktan. "So dahil may bago ka na, paaalisin mo na ako?"
"Wala naman tayong relasyon. Ikaw rin ang nagsabi na ayaw mo ng commitment," sagot ni Rodell.
Napailing si Ruth. "No problem."
Pumunta ito sa maliit na durabox at isa-isang inimpake ang mga gamit.
"Kahit bukas ka na umalis."
"It's okay, Rodell. I'll stay in a hotel," kaswal lang na sabi nito. Maya-maya ay nagpaalam na ito sa kanya. Hinalikan pa siya nito sa mga labi.
"Thanks for the good times, sweetheart," sabi pa nito. "Call me kung nag-init ulit ang katawan mo at hindi ka makuntento sa bago mo."
Bago umalis si Ruth ay nag-abot pa ito ng pera. "Iyan nga pala yung bayad sa renta. Good luck sa s*x life."
Napailing na lang si Rodell. Hindi siya makapaniwala na may babaeng katulad ni Ruth. Bakit niya ba pinatulan ito? Mukhang gulo lang ang hatid nito. Mabuti na lang dumating agad si Tessa sa buhay niya.
Nasa bar sa loob ng hotel si ruth at kasalukuyang umiinom. Sanay naman na siya sa ganoong buhay. Pag-sasawaan ng mga lalaki at iiwan kapag nakahanap ng iba. She doesn't care at all dahil she tried not to commit herself emotionally to the guys na nakakasama niya. Isa pa, alam niyang mas marami pang maaakit sa alindog niya. Sino lang ba si Rodell? Isang lalaking taga baryo na bukod sa walang hanap-buhay ay tamad din. Sa totoo lang, ngayon lang siya pumatol sa lalaking mahirap. Kadalasan ng mga pinapatulan niya ay mga socialite at ginagawa siyang prinsesa. Samantalang si Rodell ay palamunin niya pa. Ang sabi ng pinsan niya ay hindi pa tapos ng college ang lalaki at tanging pagsasaka lang ang kinabubuhay. Dati pa raw itong snatcher at nagkakilala ang dalawa ng minsang dukutan nito ang pinsan. Alam niyang mabait si Luisito kaya siguradong pinatawad nito ang lalaki. Pero hindi niya akalain na hahayaan ng pinsan niya na makituloy siya sa isang hampaslupa. Ito pa ang may ganang magpalayas sa kanya at ipagpalit siya sa babaeng taga baryo din. Magsama silang parehong pobre.
Nilaklak ni Ruth ang natitira pang whisky. Sanay na siya na laitin ng mga lalaki lalo na kapag nalalamang ayaw niya ng commitment. Meron din naman kasing sineseryoso siya pero ayaw niya talaga ng commitment. Pero bakit ganoon? Bakit parang nasasaktan siya nang palayasin siya ni Rodell? Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng awa sa sarili. Pakiramdam niya ay napaka walang kwenta niyang babae.