Nagulat si Lirio nang bumisita ang ama sa hacienda nila sa Laguna.
"Napadalaw ka, 'Pa." usisa ni Lirio. "Baka bumagsak ang kumpanya dahil wala kayo."
Natawa si Rodell. Lagi kasi siyang tinutudyo ni Lirio na masyado siyang workaholic.
"Namasyal ako," sagot ni Rodell. "Matagal na rin akong hindi nakakapagliwaliw.
Napangiti si Lirio. "Congrats, 'Pa. Alam kong matagal niyo nang gustong mangyari na mapawalang-bisa ang kasal niyo ni Mama."
Nanatiling tahimik ang daddy niya. Naisipan ni Liriong ikuha ito ng whisky kaya tinawag niya ang katulong.
Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni Rodell bago ipakita sa kanya ang isang brown envelope.
"Wow. Ang bilis naman ni mommy," biro ni Lirio nang makita ang ipinadalang papeles ng ina. "Mukhang desidido na talagang palayain kayo."
"Bakit parang masaya ka pa na maghihiwalay na kami ng mommy mo?" napakunot noo si Rodell at tahimik na sinimsim ang hawak na whisky.
Natigilan si Lirio at bahagyang napahiya. Hindi niya rin maintindihan kung malungkot ba ang ama o masaya. "Well, kasi naman oras na rin para magkaroon kayo ng sariling buhay. Masyado na kayong nagdusa. Lalo na si mommy."
Hindi nakasagot si Rodell. Tahimik lang itong nakatingin sa kawalan. Naramdaman niya ang mahinang pagtapik ni Lirio sa balikat niya. "Pa, huwag niyo nang isipin ang sasabihin ng ibang tao. Basta kaming mga anak mo, nakasuporta lang kami sa inyo. You tried to stay together for us. Panahon na para isipin niyo naman ang sarili niyo."
"Sa tingin mo ba gusto kong makipaghiwalay sa mommy mo?" seryosong tanong ni Rodell.
Nagtatakang napatingin si Lirio sa ama. "Hindi ba? Hindi na nga kayo umuuwi sa bahay. Alam naman namin na kami lang ni Lhira ang dahilan kung bakit nagsasama pa rin kayo hanggang ngayon."
"I could stay married to your mother alang-alang sa pamilya natin."
"You don't have to Dad. I'm sorry to say this. I'm not mad at you for choosing Mommy Tessa. Pero kailangan rin ni mommy na hanapin ang kaligayahan niya."
Seryosong hinarap ni Lirio ang ama. "Dad, hayaan niyo na si mama sa gusto niya. Nagtiis din si mama kahit alam niyang may mahal kayong iba. Dahil alam ko na kahit lagi siyang cold sa inyo, mahal niya rin kayo."
"Alam ko iyon, Lirio," napangiti si Rodell. "Kaya nga nagulat ako na bigla na lang siyang makipaghiwalay. Akala ko habangbuhay niyang tutuparin yung pangako niya sa altar."
"Kayo naman ang unang sumira sa pangako," natatawang sabi ni Lirio.
Muling sumeryoso si Rodell. "Hindi ko lang alam kung paano magsisimula ulit."
"What do you mean, Dad? E matagal na kayong nagsimula ng bagong buhay. Akala mo hindi ko alam na iba't-ibang babae ang dinadala niyo sa penthouse, gabi-gabi."
Tawa nang tawa si Rodell. Pero napansin ni Lirio ang kakaibang lungkot sa mga mata ng ama. Nagpaalam na ito sa kanya at mamamasyal pa raw. "Dyan ka na. Magliliwaliw muna ako. Akala ko pa naman, kakampi kita."
Tumawa rin si Lirio. Maya-maya ay umalis na si Rodell sakay ng bagong biling kotse. Napailing na lang si Lirio. Hindi niya rin maintindihan ang ama kung ano ba talaga ang gusto nitong gawin sa buhay.
Naisipan ni Rodell na pumunta sa haciendang pag-aari ng mga magulang. Iyon ang ancestral house nila. Hindi sinasadyang matanaw niya ang burol kung saan may maliit na kwadra ng kabayo. Malungkot siyang napangiti nang maalala ang nakaraan.
Year 1981
"Walanghiya naman, Luisito. Talaga bang hindi mo ako mapapautang?" inis na tanong ni Rodell sa kabarkada niya. Highschool classmate niya ito sa Northwood international School at kababayan niya rin sa Laguna. Pinarusahan kasi ng mga magulang si Rodell dahil hindi ito gra-graduate ng college nung year na iyon. Naging pasaway kasi ang lalaki kaya wala siyang allowance at pinalayas pa siya ng magulang.
Natawa ang kaibigan sa kabilang linya. "Ikaw naman kasi, Rodell. Ang talino mong tao sukat ba namang bumarkada ka sa mga loko. Pasensya na, pare. Wala rin kasi akong pera ngayon. Alam mo namang bakasyon tsaka tatakbong mayor ang papa ko kaya tinitipid kami sa allowance."
"Bilhin mo na lang iyong bago kong motorsiklo. Sige na, wala na talaga akong pera e. Kung sana nasa maynila ako, maghahanap ako ng trabaho. E walanghiya, nasa liblib na lugar ako ng Laguna. Tapos sa kwadra pa ng kabayo ako natutulog ngayon."
Tawa nang tawa si Luisito. "Anong klaseng buhay iyan, pare? Magpakamatay ka na."
Natawa na lang din si Rodell. "Maayos pa naman ang tinitirhan ko. May kwarto naman sa second floor ng kwadra at may mga naiwang gamit yung dating tagapag-alaga ng kabayo."
"Sandali nga, maganda ba dyan sa lugar niyo?" tanong ni Luisito. Hindi niya pa kasi naisasama ang kaibigan kahit pa taga-laguna din ito. Mahigpit kasi ang mga magulang ni Luisito dahil bukod sa mayaman ay galing ito sa pamilya ng mga kilalang politiko sa kanila.
"Oo naman. Gusto mong pumunta?"
"Hindi. Busy nga ako e. Darating iyong pinsan ko galing Amerika. Nagpapasamang mamasyal. Tsaka naghahanap din ng matitirahan."
"Talaga? Bakit hindi ba pwede dyan sa inyo?" nagtatakang tanong ni Rodell.
"Hay naku. Kung alam mo lang. Ayaw niyang makitulog sa amin. Kasi sanay iyon na mamasyal kung saan-saan tapos maghahanap ng mga bahay kung saan makikitulog pansamantala. Alam mo iyong uso sa Amerika. Masyadong adventurous ang pinsan kong iyon. Isa pa, kapag dito siya sa amin nakitulog, alam niyang magsusumbong sila mommy sa mga magulang niya at hindi niya magagawa ang gusto niya."
"Saan ko naman patutulugin iyon?" tanong ni Rodell. "Isa lang ang kama. Pero pwede rin, may sofa naman."
"Sige, sasabihin ko na sa iyo na lang makitulog. Don't worry. Babayaran ka noon."
"Marunong bang mag tagalog ang pinsan mo? Alam mo kasi I'm not that comfortable speaking in English," biro ni Rodell.
"Oo naman. Dito iyon lumaki. College lang siya nagpuntang Amerika," natatawang sabi ni Luisito.
"I see."
"O, sige ha." Paalam na ni Luisito. "Sasabihin ko kay Ruth na may tutuluyan na siya."
"Ruth? She's a girl?"
"Yeah," pagkumpirma ni Luisito. "One stubborn woman. Pero mabait iyon."
"Basta huwag lang siyang magpapakita ng motibo. Conservative kamo ako," biro ni Rodell na ikinatawa ni Luisito.
"Sige, pare. Ibibigay ko na lang ang number mo sa pinsan ko. Siya nga pala, may feeding program na gaganapin sa Calamba elementary school. Baka gusto mong pumila."
"Baliw," natawa na lang si Rodell.
Buong linggong nagtrabaho si Rodell sa hacienda ng mga magulang para magkaroon ng kaunting pera. Halatang pinag-iinitan siya ng ama dahil lagi siyang sinisigawan nito kapag nagkakamali. Hindi naman kasi siya sanay magtrabaho nang mabigat. Nagulat na lang siya nang makatanggap ng tawag mula sa isang babae.
"Hello?"
"Hey, is this Rodell?" tanong ng babae sa linya. Sopistikada ang boses nito pero masarap pakinggan.
"Yeah. Are you Luisito's cousin?"
"One and only. Look, I'm on my way to Hacienda Villareal. I just wanna' check if you're home."
"Yeah. I just finished from work. The house is ready for your arrival," napangiti si Rodell. Ano kayang itsura ng pinsan ni Luisito?
Naisipan ni Rodell na hintayin na lang sa labas ng gate ang pinsan ni Luisito dahil baka maligaw ito. Malaki kasi ang hacienda nila Rodell at sakop nito halos kalahati ng lalawigan. Isang motorsiklo ang dumaan sa harap niya at lumipad pa ang alikabok sa mukha niya. Sisitahin niya sana ang sakay nang bumaba ito at nag-alis ng helmet.
She's gorgeous kahit pa maikli ang buhok nito. Napakasexy rin ng babae at halata ang pagiging moderna. Alam niya agad na ito ang pinsan ng kaibigan.
"Rodell?" nakangiting tanong nito.
"Yeah, it's me," nakangiting bati ni Rodell at inalalayan ang babaeng bumaba ng motor. "Nice motorcycle."
"Thanks," sabi ni Ruth at nakangiting tinapik ang motor. "So where's the place?"
"Hmm, it's quite far from here," sagot ni Rodell.
"I think we should ride my motorcycle." Sabi ni Ruth.
"I'll drive it. Just sit at the back if you don't mind," sabi ni Rodell at sinakyan na ang motorsiklo ng babae. Malaki rin iyon at hindi maiwasang humanga ni Rodell sa lakas ng loob nito at hindi takot gumamit ng ganoong klaseng motor. Hindi maiwasang kabahan ni Rodell nang maramdaman ang pagyakap ng babae sa beywang niya. Unang kita niya pa lang dito ay halata niya nang liberated ito. Mukhang magiging interesting ang bakasyon niya kasama ang babae.
"Wow. I like this place," napangiti si Rodell sa nakitang reaksyon ng babae. Alam niyang attracted siya dito pero hindi ito ang type niyang maging girlfriend. Mas gusto niya pa rin ang demure at mahinhin.
"So saan ako matutulog?" pukaw ni Ruth sa atensyon niya. "Isa lang ang kwarto."
Lalong napangiti si Rodell nang magsalita ito ng tagalog. "Kahit saan mo gusto. Pwedeng tabi tayo."
Nagulat si Ruth sa sinabi niya pero agad ding ngumiti, "Pwede naman."
"I'm just kidding," bawi ni Rodell. Mukhang type nga siya ng babae. "Ikaw na gumamit ng kwarto. I could sleep in the couch."
"Okay then. Kung iyan ang gusto mo," kaswal na sabi nito. "So 5000 per month ang alok ko pero dahil alam kong you're currently broke, 6000 na plus I'll do the cleaning and I could also wash your laundry."
"Really?" napangiti si Rodell. "Tsismoso talaga ang pinsan mo. Pati kalagayan ko kwinento. Pero I'm impressed. Marunong kang maglinis."
Natawa si Ruth. "I have my own apartment in America. So, ano? payag ka?"
Masyadong malaki kung tutuusin ang upa sa liit ng bahay na iyon at kasama pa nila ang kabayo. Malamok din sa gabi pero dahil kailangan niya talaga ang pera at mukha seryoso naman sa alok si Ruth kaya sinunggaban niya na. Bibigyan niya na lang ito ng extra service kung sakali.
Hindi nakatulog si Rodell nung unang gabi nilang magkasama ng babae. Panay tapik kasi nito sa balikat at halatang nilalamok. Kaya kinabukasan ay binilhan niya ito ng kulambo. Hindi rin sila madalas magkita dahil may trabaho siya sa umaga at ito naman ay madalas na wala. Mahilig kasi itong kumuha ng litrato at maglibot sa kung saan-saang lugar. Minsan din ay naaabutan niya itong gising pa at sabay silang naghahapunan. Maraming kwento si Ruth tungkol sa buhay nito sa Amerika. But Rodell doesn't find her interesting dahil sa tingin niya ay masyadong mababaw ang babae. She's not a wife material sa madaling salita. Masyado itong happy go lucky. Pero hindi niya maitatanggi na maganda ang babae.
Naglilinis ng kabayo si Rodell sa kwadra sa ibaba ng bahay nang maramdaman ang mahihinang yabag.
"Hey, kakain na," bati ni Ruth. Nakasuot ito ng red na polo at halata ang magandang hubog ng katawan sa suot na skinny jeans.
"Bagay ba itong suot ko?" namula si Rodell sa tanong ni Ruth. "Masyado ka kasing makatingin."
"Okay naman," kaswal na sagot niya. Pero bahagya siyang pinagpawisan. "Bakit nandito ka? Hindi ka ba mamamasyal?"
"Hindi muna. Magpapahinga muna ako," sagot nito. Lumapit ito sa kabayo at masuyo iyong hinaplos.
Bahagyang kinabahan si Rodell. Bakit ngayon pa nito naisipang magpahinga? Dahil ba day-off niya?
"Mahilig ka ba sa kabayo?" naisipang itanong ni Rodell.
"Oo naman. Magaling din akong mangabayo," hindi alam ni Rodell kung may iba pang kahulugan ang sinabi nito o siya lang ang nag-iisip noon.
"Ruth, do you have a boyfriend?" hindi na nakatiis na tanong ni Rodell.
Napangiti ito. "Sa tingin mo, makikitulog ako sa'yo kung mayroon?"
Hindi rin napigilan ni Rodell na mapangiti sa narinig.
"How about you are you single?" tanong ni Ruth.
"I am," pag-amin ni Rodell. Wala naman talaga siyang girlfriend at hindi pa siya nagkakaroon. At least, yung seryoso talaga. "How old are you?"
"Twenty one," sagot ni Ruth habang nakatingin pa rin sa kabayo.
"Pareho pala tayo," sabi ni Rodell at ipinakilala ang kabayo. "That's Thunder by the way."
"Nice name. Pwede ko ba siyang sakyan bukas?"
"Oo naman," ngumiti si Rodell. Dahil naiinitan ay hinubad niya ang suot na puting t-shirt habang nililinisan ang kwadra.
Natawa si Ruth sa ginawa niya. "Are you trying to seduce me?"
"Hindi ah. Nainitan lang ako," Tanggi ni Rodell. Pero deep inside, alam niya namang iyon talaga ang intensyon niya.
"Ang ganda ng katawan mo. Nag gy-gym ka ba?" tanong nito.
"Oo." Sagot ni Rodell. "Ikaw?"
"Hindi. Pero mahilig akong mag jogging."
"Huwag ka namang masyadong makatitig sa katawan ko. Baka matunaw iyan," biro ni Rodell. Ang tagal naman ng babaing ito. Akala niya liberated ito.
Lalo siyang nainis nang tumawa lang si Ruth. "Please, I've seen better than that. Only Thunder can be seduced by that body."
Ano raw? Hindi makapaniwala si Rodell sa narinig. Kabayo lang daw ang kayang akitin ng katawan niya? Siraulo pala ang babaeng ito e. Pasimple siyang humarap dito at kunwari'y tapos na sa ginagawa.
"Tapos ka na?" tanong ni Ruth. "Maghahain na ako."
"No, I'm not yet done," nagulat ito nang lapitan niya at pilyong ngumiti. "So, si Thunder lang pala ang maaakit sa katawan ko?"
Napansin niya na kinabahan ang babae pero hindi ito nagpahalata. "I'm just joking. Hindi ba sabi ko maganda nga."
"Tomboy ka ba?" naisipan niyang itanong.
"Are you serious? No!" natatawang tanggi ng babae. "Porket maiksi ang buhok, tomboy na?"
"Don't you find me attractive?" nang-aakit na tanong ni Rodell.
Hindi agad nakasagot si Ruth. Tumitig lang ito sa kanya. Noon lang napansin ni Rodell na maganda ang mga mata nito.
"What do you want me to do?" tumaas ang kilay ni Ruth.
"Aren't you gonna make a move on me?" matiim siyang tumitig dito.
"I didn't know you're this conceited," napailing ang babae at akmang iiwan siya pero mabilis niyang hinila ito pabalik at isinandal sa pader.
Lumabas din sa wakas ang pagiging liberated nito at mapangahas siyang hinalikan. Halos kapusin ng hininga si Rodell sa ginawa ng babae. Ngayon lang may humalik sa kanya nang ganoon.
"Iyon ba ang gusto mo?" naghahamong tanong ni Ruth.
Imbes na sumagot ay si Rodell naman ang humalik sa babae hanggang sa hindi siya nakatiis at itinulak ito sa kumpol ng dayami. Hahalikan niya sana ulit ito nang balaan siya ng babae.
"I'm warning you, Rodell. You don't know me well."
"I don't have to," habol ang hiningang sagot ni Rodell.
"I don't want any commitment," sabi pa nito.
Napangisi si Rodell bago ito halikan. "No problem."
Isa-isa niyang tinanggal ang saplot ni Ruth. Wala namang problema kung hindi ito mag commit. Alam niyang wala siyang nararamdaman na kahit ano para rito kung hindi pagnanasa.
Lumipas ang mga araw ay lalong naging masaya ang bakasyon ni Rodell. Katabi niya nang natutulog si Ruth. Marami rin itong pera kaya hindi na siya nagugutom katulad dati. Ito ang taga libre niya. Kapalit noon ay hindi niya na ito pinagbayad ng upa.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Ruth. Akala niya ay tulog pa ito. Masuyo niyang hinalikan ang babae.
"Mangangabayo lang," sagot ni Rodell. Nabored kasi siya sa bahay.
"Mag-ingat ka," nakangiting sabi nito na halatang inaantok pa.
"I will."
"Bilis, Tessa." Masayang aya ni Leilani. "Balita ko nagbabakasyon ngayon dito yung anak ni Don Manuel. Gwapo raw iyon. Alam mo naman ang mga taga Maynila."
Napailing na lang si Tessa. Iba rin talaga ang pinsan. Mahilig ito sa mga mapuputi at taga-baba. Kung siya ang tatanungin, kuntento na siya sa mga lalaki sa baryo nila. May kaya rin naman ang pamilya nila Tessa kung tutuusin. Nakapag-aral nga siya sa private college kahit sa lalawigan lang. Ngayon ay papasok siya bilang personal secretary ng isa sa kapatid ni Don Manuel.
"Ano ka ba, Leilani? Hindi naman tayo papansinin noon. Syempre gusto noon taga maynila din," natatawang sabi ni Tessa.
"Bakit, maganda naman tayo ha? Tsaka may pinag-aralan din," sabi ni Leilani. Napatingin si Tessa sa pinsan. Maganda naman talaga ito. Silang dalawa ang pinakamaganda sa lugar nila ayon sa mga lalaki sa baryo.
"Pangit pa rin na pupunta tayo sa hacienda para lang makita yung anak ni Don Manuel. Desperada ang labas natin."
"Susulyapan lang naman natin o kaya makikipagkaibigan. Wala namang masama," reklamo ni Leilani.
Naglalakad ang magpinsan habang masayang nag-uusao kaya hindi nila narinig ang mabilis na pagtakbo ng kabayo.
"Thunder, no! Yahhh!" sigaw ni Rodell. Kinabahan ito nang masipa ng kabayo ang isa sa mga babaeng naglalakad.