DAHIL sa pagkakalapit nina Sandrick at Princess ay may kung anong nag-utos sa binata para ipahid sa mukha ng dalaga ang alginate impression. “Ano ba!” asik ni Princess nang bigla na lang nito pinahid sa mukha niya ang hinalo nilang alginate powder kanina. Tumawa naman ang binata na kinainis niya. “Alam mo bng ang hirap maghagilap ng alginate powder tapos sasayangin mo lang!” Nagulat naman ang binata sa pagsusungit niyang iyon. “S-sorry,” hinging paumanhin nito na tinalikuran niya lang. “Hindi naman kasi lahat ng bagay idinadaan sa laro. Kung ganyan ka lang din pala, mas mabuti pang umalis ka na lang.” Iyon pa naman kasi ang ayaw niya sa lahat, iyong ginagawang laruan ang mga gamit niya. Minsan na rin niyang napagalitan si Viodeza noon nang paglaruan nito ang light cure. Isang tool na

