“SA XAVIER HOTEL mo na lang ako ihatid.” Kumunot ang noo ni Sandrick sa sinabing iyon ni Princess. Nasa edsa na kasi sila ngayon. Medyo natagalan kasi sila sa Barangay Bagong Silang dahil sa masukal at lubak-lubak na daan. “Xavier Hotel? Ano naman ang gagawin mo roon?” Bumuntong hininga muna ang dalaga bago ito sumagot. “You know very well that I’m not in good terms with my father and step-mother right?” Tumango siya. “Nagkasagutan lang kami noong isang linggo. Hindi na siguro natiis ni Dad ang ugali ko kaya pinalayas na niya ako sa bahay. Matagal ko na rin namang gusto umalis doon hindi ko lang nagawa agad dahil ayokong iwan si Dad na mag-isa sa bahay noong mga panahong nasa ibang bansa ang step-mom at step sister ko. At ngayong nakabalik na ang madrasta ko, nagdesisyon na rin akong

