CHAPTER 7: BRIDAL SHOWER

2182 Words
“CONGRATULATIONS, soon to be Mrs. Villareal!” hiyaw ng mga pinsan ni Princess nang surpresahin siya ng mga ito ng bridal shower. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa pumutok na confetti. Ang buong akala niya kasi ay kakain lang sila sa labas ni Viodeza nang mag-aya ito. Nakita niya ang mga balloons at letter balloons na nagsasabi, ‘Bride to be’. Ang ibang bilog na balloons naman ay may tatak ng ari ng lalaki. At sa ibaba niyon ay ang mahabang lamesa na naglalaman ng mga cocktails, cakes, foods and gifts na siyang p-in-lano ng kaniyang made-of-honor na pinsan na si Lyka. Agad din siyang sinuotan ng mga ito ng kulay puting silk robe na may nakaburdang ‘Bride’, habang ang mga kasamahan naman niya ay kulay pink ang roba at may nakaburda namang pangalan ng bawat isa. Ang bridal shower ay isang kaugalian o okasyon na nagpapahintulot sa malapit na kaibigan at kapamilya na gumugol ng oras bago ang pakikipag-isang-dibdib. Ito rin ay isang praktikal na pagkakataon para sa mga bisita na "mag-shower" ang bride-to-be na may mga regalo upang tulungan siyang maging mabuting maybahay kasama ang kanyang asawa sa hinaharap. “Oh my god!” aniya nang makita niya kung ano ang nakatayo sa gitna ng cake niya. Bahagya rin siyang napatakip sa kaniyang mga mata. “Blow job!” hiyaw ni Viodeza na mabilis namang binatukan ng isa niyang pinsan. “Aray! Masakit, ha!” daing nito. “Mali-mali ka naman kasi, e!” suway nito. “Ang ibig niyang sabihin ay, blow your candle,” anito saka inilapit sa kaniya ang cake na may kandilang inihulmang ari ng lalaki. “Blow job! Blow job! Blow job!” sunud-sunod na sabi ng mga pinsan at mga college friends niya na siyang mga abay sa kasal niya. Gumapang tuloy sa buong mukha niya ang init. Nahihiya man ay ginawa pa rin niya ang nais ng mga ito at mabilis na hinipan ang kandila. “Yey! Cheers!” hiyaw ni Lyka saka iniabot sa kaniya ang isang kopita ng wine. “Hep! Hep! No cellphone allowed!” puna ng kaniyang pinsan ng akmang tatawagan niya si William. “Anong ginagawa mo?” takang sabi niya habang pilit kinukuha rito ang cellphone niya. “I need to call William. Kailangan kong ipaalam na kasama ko kayo dito sa surprise bridal shower ninyo sa akin.” “Hay, naku! Kailangan mong magsaya ngayon dahil ito na ang huling araw na magiging malaya ka dahil bukas makalawa ay ikakasal ka na. I'm sure naman na nagkakasiyahan din sila ng mga kaibigan niya sa inihanda nilang Groom Roast para sa mapapangasawa mo,” imporma nito tungkol sa male version ng bridal shower ng binata. Naalarma siya sa sinabi ng pinsan. Sigurado siyang may mga kasama babae sa Groom Roast ng kaniyang mapapangasawa. Akmang aagawin niya ulit ang kaniyang phone ng muli na namang magsalita ang pinsan niya. Agad naman nitong nabasa ang tumatakbo sa isip niya. “Huwag ka ngang praning, Cess! Nandodoon naman ang mga pinsang mong mga lalaki kaya wala kang dapat ipag-alala. Ikakasal na kayo ni William kaya sigurado akong hindi siya gagawa ng mga bagay na ikasisira ng relasyon niyo lalo na’t dalawang araw na lang ay ikakasal na kayo.” Napahinto siya sa sinabi nito. May punto naman kasi ito at malaki ang tiwala niya sa binata kaya naman ikinalma na niya ang sarili saka nakihalubilo sa mga palarong hinanda ng mga kaibigan at mga pinsan niya. Una nilang nilaro ay ang ‘Blow Job’ kung saan hawak ng kapareho ang saging sa may bandang puson nito habang ang isa naman ay luluhod para isubo at kainin ang saging. Nang maianunsiyo ang winner ay akala niya tapos na iyon pala ay pinasubok din sa kaniya ang larong iyon. At kahit na medyo berde ang dating niyon sa kaniya ay pinagbigyan niya ang mga ito dahil ayaw naman niyang maging kill-joy. She doesn‘t want to spoil the moment. “Galing sumubo, ah?” “Mukhang sanay na sanay!” “Siguradong makakarami kayo niyan ni William!" Kantiyaw sa kaniya ng mga kasama niya nang mabilis niyang naubos ang saging. Sunod naman nilang nilaro ang ‘Protect my p***y’, kung saan uupo ang mga ito sa upuan habang nakaipit sa hita nila ang isang mahaba at matabang pipino na susuotan nila ng condom habang nakapiring ang mga mata ng bawat isa. Kapag naisuot ang condom ay kailangan itong isubo o dilaan ng mga players saka isisigaw ang flavor niyon. At muli ay pinasubok nila iyon sa kaniya sa bandang huli. “Ikaw na talaga ‘Insan!” “Sigurado na talaga ako na hinding-hindi na maghahanap ng iba ang mapapapangasawa mo kung ganiyan ang performance mo!” At nagsisisigaw na ulit ang mga kasama niya saka sila muling nagpatuloy sa huling laro na pinamagatang ‘Pass the d***o’, kung saan hinati sa dalawang grupo ang mga kasama niya at bawat team ay may tig-limang miyembro. Ilalagay ulit ang pipino sa pagitan ng mga hita saka lalakad paikot sa kaniya hanggang sa maipasa sa susunod na players ang pipino nang hindi iyon hinahawakan. At nang maianunsiyo ang panalo ay saka sila muling nag-inuman at nagkwentuhan. “SAAN ka pupunta?” takang tanong ni Viodeza nang mapansin nito ang biglaang pagtayo niya. “Si William kasi nagtext, nasa condo raw siya, masama ang pakiramdam,” paalam niya. Napilit din kasi niya si Lyka na ibigay ang cellphone niya. “Ganoon ba? Mag-ingat ka sa byahe,” anito na tinanguan lang niya. “Oh! Saan punta mo? Hindi pa tapos ang bridal shower mo,” harang sa kaniya ni Lyka nang malapit na siya sa pinto. Agad naman niyang sinabi rito ang dahilan. “Ganoon ba? Sandali lang, tatawagan ko lang si Gino,” tukoy nito sa nobyo na kasama ni William sa Groom Roast nito. “Ano’ng sabi? Kumusta raw si William?” “Hayon, naihatid na nga nila sa condo nito. Bigla raw kasi nahilo.” Humalik siya sa pisngi ng pinsan. “I have to go, Cous. Ikaw nang bahalang ipagpaalam ako sa kanila.” Tumango naman ito saka siya dali-daling umalis ng restaurant. Malapit na siya sa condo ni William nang maisipan niyang dumaan muna sandali ng botika para bilhan ito ng gamot at ng makakain na rin. Lulan na siya ng elevator ng condo ni William nang bigla na lang parang bumigat ang dibdib niya. Pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari ngunit isinawalang bahala niya at tinanim sa isip na labis lang iyon ng pag-aalala sa fiance dahil sa kalagayan nito. Pagdating niya sa tapat ng unit nito ay naabutan niyang nakaawang ang pinto kaya agad siyang nakapasok. Pagpasok ay bigla siyang kinilabutan sa kaniyang nasaksihan, mga nagkalat na damit sa sofa papunta sa kwarto nito. Pinulot niya ang kulay asul na t-shirt saka inamoy dahil baka iba ang kwartong napasukan niya ngunit hindi siya niloloko ng kaniyang pang-amoy dahil siya pa mismo ang bumili ng pabangong iyon bilang regalo sa binata noong anibersaryo nila. Nanginig ang kalamnan niya nang sa kaniyang paglalakad pa ay damit naman ng babae ang kaniyang nakita. Umiling-iling siya, nanginginig na itinulak niya ang nakaawang na pinto sa kwarto nito. At doon na nga tuluyang bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Nakita niya ang kaniyang fiance na may kahalikang babae sa mismong kama nito na parehong mga walang saplot. Dahil sa nasaksihan ay nabitiwan niya ang mga dala niyang gamot at pagkain dahilan para maagaw ang atensyon ng mga ito lalo na si William na nanlalaki ang mga mata nang makita siya. “Mga hayop kayo!” aniya saka tinalikuran ang dalawa. Tumakbo nang tumakbo si Princess palabas ng condo unit nito. “Hon, wait!” hiyaw nito pero hindi niya ito nilingon. Sinasabi na nga ba niya. Hindi siya dapat nakanpante sa sinabi sa kaniya ni Lyka. Kung nagpumilit lang sana siya na makausap ito ay baka hindi nangyari ang bagay na iyon sa pagitan nila ni William. Nanghihina man nag buo niyang katawan ay nagawa pa rin niyang makalayo roon. Hilam na rin ng mga luha ang kaniyang mga mata kaya hindi niya napansin ang kaniyang kasalubong. “Dok?” Napahinto siya nang mabunggo't marinig niya ang baritong boses na iyon mula kay Sandrick. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha saka mabilis na tinalikuran ang binata dahil wala siyang panahon para kausapin o harapin ito ngunit pinigilan siya nito sa kaniyang braso. “A-anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” puno ng pag-aalalang tanong nito sa kaniya. “Wala ka na roon!” aniya ngunit muli siya nitong hinarang. Kahit kailan talaga ay napakakulit nito. Ano ba kasing ginagawa ng lalaking ito roon? At bakit palagi na lang nagkukrus ang mga landas nila? “Sandali—” “Ano ba! Bitiwan mo nga ako!” pagpupumiglas niya ngunit hindi siya pinakawalan ng binata sa halip ay hinila siya nito paalis sa lugar na iyon. Sa kakapiglas niya mula rito ay bigla na lang nagdilim ang kaniyang paningin dahil na rin sa pinaghalo-halong pagod at sakit na nararamdaman. “NASAAN ako?” tanong ni Princess kay Snadrick nang makita niya ito pagkamulat niya ng kaniyang mga mata. “Nandito tayo sa favorite place ko. Dito ako pumupunta kapag may problema ako o kung gusto ko mapag-isa,” anito kaya tinignan niya ang plaigid. Mula sa passenger seat ng sasakyan ay kita niya ang buong lungsod ng Maynila. Nasa isang mataas at patag na lugar sila ngayon. Gusto man niyang i-appriciate ang ganda ng lugar pero hindi niya magawa dahil sa labis na kalungkutan. “Bakit mo ako dinala rito?” tanong niya ulit. “Galing ako sa condo ng kaibigan ko nang makasalubong kita, umiiyak. Hanggang sa nawalan ka ng malay. Hindi ko alam kung paano kita iuuwi sa inyo kaya dinala na lang kita rito,” paliwanag nito. Nayakap niya ang sarili saka muling pumatak ang kaniyang mga luha nang maalala niya ang ginawang pagtataksil sa kaniya ni William. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip niya na magagawa siya nitong lokohin at ipagpalit sa iba kung kailan araw na lang ang bibilangin para sa ingrande sana nilang kasal. “Dahil ba sa fiance mo kaya ka nagkakaganiyan?” tanong nito. Hindi niya ito sinagot. “I want to go home,” sa halip ay sabi niya dahil wala itong karapatan na paghimasukan ang buhay niya. “Pwede ka namang magsabi sa aki—” “Sinabi ng gusto ko na umuwi! Mahirap bang intindihin ‘yon?” maotoridad na sigaw niya. “Pero hindi ka pwedeng umuwi sa inyo ng ganiyan ang itsura mo!” giit pa nito. Nagpantig ang tenga niya sa kakulitan nito. “Bakit ba ang kulit-kulit mo, huh?! Ano bang pakialam mo?! Sino ka ba sa tingin mo para paghimasukan ang buhay ko?!” “Gusto ko lang naman na tulungan ka—” “Well, hindi ka nakakatulong! Hindi mo ba nakikita? Ang sakit- sakit na dito!” sabay turo niya sa kaniyang puso. “Tapos dadagdag ka pa? Maawa ka naman sa akin! Pati ulo ko pinasasakitan mo!” Hindi nakaimik ang binata. Nais lang naman nito na ilabas ng dalaga ang sama ng loob nito para mabawasan kahit papaano ang bigat na dinadala nito. “Kung gusto mo talagang makatulong, iuwi mo na ako, please lang. Kung ayaw mo naman, uuwi na lang ako mag-isa.” Akmang lalabas na siya ng sasakyan nito nang pigilan siya ito. “Just lead the way back to your home,” aniya saka muling pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang sila buong byahe nang bigla silang huminto sa kalagitnaan ng Edsa dahil sa red light. Sinulyapan ni Sandrick ang dalaga dahil sa mahihinang hikbi nito na halatang pinipigilan nito. He took a deep breath at para ipakitang nag-aalala siya para rito ay agad niyang kinuha ang panyo sa kaniyang bulsa saka inabot sa dalaga. “Use this to wipe your tears.” Tinignan nito ang panyo niya. “I don’t need that.” At muling ibinaling ang tingin sa nagtataasang mga gusali sa labas. “Tanggapin mo na. Isipin mo na lang na peace offering ko sa ‘yo ‘yan matapos kitang dalhin sa favorite place ko nang hindi humihingi ng permiso sa ‘yo,” giit pa niya. Binalingan ulit ng dalaga ang inaabot niyang panyo saka nito iyon kinuha at ipinunas sa luhaang mukha nito. Hanggang sa marating nila ang bahay nito sa Greenhills. Akmang bababa siya para pagbuksan ito ng pinto nang unahan siya nito. “Hey, wait!” tawag pansin niya rito. Nais niya sanang kunin ang jacket niya na isinuot niya rito kanina. “Umuwi ka na!” anito saka tuluyang isinara ang pinto at dali-daling pumasok sa bahay nito. Napailing na lang siya sa inasta nito. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan sa dalaga. Iyon kinang sa mga mata nito ay biglang naglaho. Tila biglang umosbong lalo ang galit niya para kay William. Anong karapatan nito para paiyakin at saktan ang babaeng hinahangaan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD