“PRINCESS, anak! Bakit ngayon ka lang? At ano itong nalaman ko kay William na nag-away daw kayo?” bungad sa kaniya ng kaniyang ama pagkarating niya sa living room. “I wanted to call off the wedding!” sa halip ay sabi niya. “What?! Are you out of your mind? Kasal mo na sa makalawa. Hindi ka na pwedeng umatras.” “But William cheated on me!” siwalat niya na kinagulat ng kaniyang ama. “Huwag kang magbiro ng ganiyan. Hindi ganiyan ang pagkakakilala ko kay William,” tanggol pa nito. “Iyon din ang akala ko, dad. Pero kitang-kita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya nakipagtalik sa ibang babae.” Tuluyan na ngang bumagsak ang kaniyang mga luha. Kumunot ang noo ng kaniyang ama. “H-hindi niyo na ba pwedeng pag-usapan o ayusin? Nakahanda na ang lahat sa kasal ninyo. Sayang naman ang ginast

