NAKAHINGA nang maluwag si Princess nang tuluyang makalabas ng clinic niya ang binata. Hindi niya akalaing kaya nitong pasikipin ang silid niya. Nagbanyo siya para pakalmahin ang kaba sa dibdib, na sana ay hindi siya nito nakilala.
“Ang gwapo niya, hindi ba, Dok?” agaw pansin ng assisstant niyang si Viodeza habang ipinapakita sa kaniya ang picture nila ng binata mula sa cellphone nito.
“Saan naman banda?”
Ngumuso ito. “Hindi mo ba siya nakikilala?”
“Siya si Sandrick Ramal, ‘di ba?”
Umiling ito. “Oo nga pero hindi mo ba alam na isa siya sa mga sikat na car racer sa buong mundo?”
“Now I know! Tapos?” Walang ganang tanong niya.
“Hay, ewan ko sa ‘yo, Dok! Palibhasa kasi ikakasal ka na kaya hindi mo na alam um-appreciate ng ibang pogi.”
Natawa siya sa sinabi nito. “Buti alam mo!”
“A, basta! Ipopost ko sa f*******: at i********: ko ang picture namin saka gagawin ko ring wallpaper sa phone ko,” anito na kinailing na lang niya.
“Saka nangako siya na babalik siya rito,” segunda pa nito habang sine-set up na nitong wallpaper ang picture nila ng binata.
“Asa ka namang babalik pa ‘yon. Hindi naman siguro magpapabugbog ‘yon para lang bumalik ulit dito,” basag niya.
“Grabe ka naman sa kaniya! Hindi ba pwedeng magpa-cleaning lang? Syempre hindi na niya hahayaang mangyari ulit ‘yon kasi sayang naman ang kapogian niya kung masisira lang ang maganda niyang mukha.” Wala na siyang nagawa kundi ang mapailing na lang sa pagkahumaling nito sa lalaki kaya naman kumuha na siya ng bagong gloves na gagamitin niya sa susunod niyang pasyente.
PAGKAUWI na pagkauwi ni Sandrick sa kaniyang condo ay agad siyang dumeretso sa kaniyang banyo at mabilis na binuksan ang shower kahit na hindi pa siya nagtatanggal ng kaniyang saplot. Nakahinga siya ng maluwag nang medyo humuhupa na ang init sa katawan niya.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang epekto ng dentista sa kaniya. Siguro kung wala lang ang assisstant nito sa clinic ay baka muli niya itong sinunggaban.
“f**k!” daing niya saka mabilis na nagtanggal ng saplot. Hindi na siya nagulat ng makita niya ang tayong-tayo niyang p*********i.
Mabilis niya iyong hinawakan, pataas, pababa, pabilis nang pabilis habang nakapikit ang kaniyang mga mata, iniisip ang dentista.
“Ah!” ungol niya nang mailabas niya ang dapat niyang ilabas.
Nakahiga na siya sa kaniyang kama ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Kanina pa siya baliktad nang baliktad, hindi makuha ang tamang anggulo sa malambot niyang kama. Napaupo siya’t napasabunot sa kaniyang buhok.
“Ano bang nangyayari sa ‘kin? Bakit pakiramdam ko mababaliw ako nang hindi siya ulit nakikita’t nakakauusap?” kausap niya sa sarili.
“May lahi yatang mangkukulam ang dentistang iyon at ginayuma ako.” Napailing siya sa nasabi dahil alam niyang hindi ito ganoong klase ng tao. Para sa kaniya, isa itong anghel na bumaba sa lupa.
Nang hindi pa rin siya mapakali ay agad niyang tinawagan ang numero ng kaibigan.
“‘Tol, naman, gabing-gabi na—”
“Magkano pakabit ng braces?” putol niya sa bungad ni Nicholai sa kaniya.
“Bakit?”
“Basta sagutin mo na lang!”
“O chill! Hulaan ko, busog na busog ka ngayon, ano?”
“Ano bang pinagsasasabi mo, ha? Magkano nga?”
“Mukhang kinain mo na kasi mga pinagsasasabi mo sa akin noong isang araw, e,” tukso nito na kinailing niya.
“Tumahimik ka nga! Gusto ko lang din ng new fashion. Mukhang uso, e.”
“Woo! Lokohin mo lelang mo! Ang sabihin mo, gusto mo rin magkadahilan na makita si Dr. Fortaleza buwan-buwan,” segunda pa nito.
“Kasasabi ko lang ‘di ba? Gusto ko lang makiuso, iyon lang ‘yon, tapos!” giit niya.
“Wee? Hindi nga? Baka na-love at first sight din?” Narinig pa niya na bahagyang pagtawa nito sa kabilang linya.
Napahawak na siya sa kaniyang sentido.“Fine! Gusto ko lang siyang bwisitin kasi siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nagdudusa sa sakit ng ngipin ko ngayon,” pagdadahilan niya.
“Wait! Don‘t tell me na si Dra. Fortaleza at ang babaeng hinalikan mo‘t nanuntok sa ‘yo sa Mall ay iisa?”
“Well, you guessed it right!”
“Wooh! Kita mo nga naman ang tadhana, ang galing gumawa ng encounter. Nangangamoy pag-ibig, a?”
“Shut up, dude! Ano na, magkano na pakabit?”
“Sixty thousand, taas at baba na iyon.”
“Ganoon kamahal?” gulat na tanong niya.
“Oo! Package naman na iyon. Two free simple restoration, cleaning every adjustment and every six months fluoride application. At saka, hello, yakang-yaka mo namang i-fully paid ‘yon. Pero masa—”
“Sige, salamat!” aniya saka ibinaba ang tawag. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila dahil nakuha naman na niya ang nais niya.
Wala na siyang sasayangin pa na oras. Ayaw na niyang mabigo ulit. Napangiti siya. Nae-excite sa mga mangyayari dahil bukas na bukas ay babalik siya sa clinic ng dalaga.
“DOK! Sabi sa ‘yo babalik siya, e!” kumunot ang noo niya sa tanong ni Viodeza.
“Huh? Sino? Si William ba?” takang sabi niya.
Pero dalawang araw pa lang ang lumilipas nang umalis ito kaya nakakapagtaka dahil ang sabi nito sa kaniya ay tatlong araw itong mawawala para sa out of town meeting nito. Ngunit hindi rin niya maiwasang ma-excite dahil baka mamaya gusto lang siya nitong surpresahin kaya hindi nagsabi na mapapaaga ang uwi nito kaya naman mabilis niyang inayos ang sarili at akmang bubuksan na ang pinto ng pinaka room kung saan niya ginagawa ang kaniyang session ay siya namang sulpot ng taong hindi niya inaasahan.
“Ikaw?!” gulat na sabi niya nang biglang pumasok sa clinic niya si Sandrick, ang lalaking ayaw na niyang makita pa.
“The one and only,” anito saka walang paalam na humiga sa dental chair ng kaniyang clinic room.
Nagulat siya sa inasta nito pero pinigilan niya ang inis na namumuo sa dibdib niya dahil isa pa rin ito sa mga pasyente niya.
“May problema ba sa inilagay kong splint, Mr. Ramal?” nagpipigil ng galit na tanong niya rito.
Naiinis siya dahil animoy ginawa nitong tambayan ang clinic niya. Nakahiga ito doon nang magkapatong ang mga paa't humalukipkip na para bang ito ang may ari ng clinic niya.
“Wala naman, Doktora.”
“Then, why are you here? Hindi ka naman siguro pumunta rito para tumambay lang, hindi ba?” aniya saka humalukipkip
“Nandito ako para magpakabit ng braces,” prenteng sagot nito habang ikinukuyakoy pa ang mga paa.
Nagulat siya sa sinabi nito. “Huh?! Bakit? Maganda naman ang ngipin mo, ah?”
“Alam ko! Gusto ko lang ng new look! Nang new fashion,” dahilan nito na lalong nagpapakulo ng dugo niya.
Hindi pwede ang gusto nito dahil sigurado siyang buwan-buwan niya makikita ang pagmumukha ng lalaking ito at iyon ang iniiwasan niya. Kailangan niya makaisip ng paraan para magbago ang isip nito.
“Baka lalo lang masira ang ngipin mo kapag kinabitan pa natin ng braces ‘yan.”
“Bakit? Hahayaan mo bang mangyari ‘yon? Ikaw rin, baka mawalan ka ng lisensiya kapag nasira ang ngipin ko,” pananakot nito.
Hindi siya nakaimik dahil alam niyang pwedeng mangyari ang sinabi nito. Pero hindi niya nagugustuhan ang tabas ng dila nito.
“Aabutin ng sixty thousand ang magagastos mo. Thirty thousand ang down payment at three thousand ang monthly adjustment,” gatong pa niya kahit na ang totoo ay two thousand five hundred lang ang monthly adjustment niya. Sadyang tinaasan niya lang para mamahalan ito.
“Here‘s my check,” anito saka inabot sa kaniya ang pirmadong tsekeng may buong halaga at pangalan nito.
Naikumo niya ang mga kamay. Nayabangan siya sa ginawa nito na para bang isinasampal sa kaniya na kaya nitong magbayad kahit na magkano.
“Sayang naman kung hindi mo tatanggapin. Nilalangaw pa naman ang clinic mo ngayon,” dagdag pa nito habang ipinapaypay sa leeg ang hawak nitong cheke.
Napatingin siya rito sa narinig niyang pang-iinsulto nito. Ngali-ngali na naman niyang basagin ang mukha nito nang mapagtanto niyang may punto ulit ito. Nangangalahati na kasi ang araw pero wala pa rin siyang walk in. Kung hindi niya iyon tatanggapin ay baka nga wala siyang kitain ngayong araw at sayang lang sa kuryente. Maipangbibili na rin niya ang iba roon ng ibang mga gamit sa clinic na papaubos na rin.
Tinapunan niya ng tingin ang assisstant na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Tinignan siya nito na para bang sinasabi na sayang naman kung tatanggihan niya ang alok ng binata.
“Fine! Viodeza, ihanda mo na ang mga gagamitin,” utos niya sa assisstant na mabilis namang kumilos.
Bumaling naman siya sa binata. “Pero hindi natin agad-agad lalagyan ng braces ang ngipin mo dahil may sinusunod kaming procedure. So, first things first, a dental X-ray examination is a must because through dental radiographs, I can get a clear visualization of any deformities. Dental deformities such as overcrowding, tumors, or the development of pathogens have to be treated first before installing braces.”
“Do whatever you wnat to do. Basta ang gusto ko, makabitan mo ako as soon as possible.”
‘Demanding!’ bulong niya sa sarili.
“May sinasabi ka ba, Dok?” takang tanong nito.
Umiling-iling siya. “Wala naman. Halika, doon muna tayo sa X-ray room nang masimulan na natin.”
Mabilis naman itong sumunod sa kaniya. Matapos ang thirty minutes ay natapos na ang X-ray niya at mayroon lang siyang mga minor deformities na nakita sa ngipin nito. Maayos kasi ang ngipin nito sa harap pero iyong mga ngipin nito sa bagang ay may kaniya-kaniyang tubo. May ibang parts kasi doon na tabingi kaya kailangang din lagyan ng braces sa loob ng ngipin nito para iikot ang mga iyon. Matapos iyon ay sinukatan na niya ang ngipin nito gamit ang alginate powder na siyang magiging basehan niya kung may pagbabago ba sa ngipin nito o wala sa paglipas ng mga araw.
Matapos iyon ay isinubo na sa kniya nag sanction na siyang sisipsip sa laway nito. Kailangan kasi dry ang ngipin nito saka niya lalagyan ng etchant upang gawing perpekto ang ibabaw ng ngipin para sa bonding. Susunod naman ang mga brackets na siyang ilalagay sa ngipin nito gamit ang isang espesyal na pandikit to hold them in place throughout his treatment. Pagkatapos, gagamit siya ng curing light para mapatigas iyong pandikit na inilagay to set the bond. And then, she will run the archwire through the braces and hold it in place with ligature bands.
Napahinto siya nang biglang magtanong ang binata. “T-teka?! Pati sa loob talaga?”
“Yes!” mabilis na tugon nito.
“Akala ko ba okay naman ang ngipin ko? Bakit kailangan pa lagyan sa loob?”
Napailing siya. “Sa harapan ng ngipin mo wala, pero sa bagang mo meron. Kasi kung hindi natin i-a-align ‘yan pwede ‘yang maging sungki.”
“Okay na itong sa harap lang. For fashion ko lang naman.”
“Nope! I’m your dentist kaya ako ang masusunod. At saka, ikaw na rin ang nagsabi na hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng pangalan ko kaya panindigan mo na dahil nandito ka na rin lang. At para sulit din ang binayad mo.”
“Hindi ba masakit ‘yan? Baka naman magkasingaw pati dila ko?” reklamo pa nito.
Gusto niyang humalakhak dahil sa itsura nito. Parang nakikita tuloy niya ang pagsisisi sa mukha nito.
“Sa first week lang naman ‘yan masakit. Mawawala rin kapag tumagal na.”
”O-okay.”
Kaya nman ipinagpatuloy na niya ang mga dapat niyang gawin. Kinabitan din niya ng chain rubber ang brackets sa loob ng ngipin ng binata. Ang brackets na inilagay niya sa loob at sa labas ay magkaiba ng hugis. Iyong nasa ilabas ay parisukat habang ang nasa loob naman kung saan ang kaniyang dila ay hugis bilog naman.
“MAY pressure ka bang nararamdaman?” tanong ni Princess kay Sandrick nang maikabit na nito ang braces niya.
“Hmm,” tanging nasambit ni Sandrick dahil pakiramdam niya nanlambot ang mga ngipin niya dahil sa mga brackets and wires na ikinabit nito. Feeling niya isang pitik niya lang sa ngipin niya ay malalagas lahat iyon.
Tumayo siya‘t tinignan ang braces niyang may kulay itim na rubber. Nang mapansin niyang nakatingin din ang dalaga sa salamin ay mabilis niya itong kinindatan. Napansin naman niyang namula ang dalaga at mabilis na tumalikod.
“Maupo ka muna sandali, Mr. Ramal. May idi-discuss lang ako sa ‘yo ng ilan pang mga bagay,” anito saka umupo sa swivel chair nito sa gilid.
Mabilis naman siyang umupo sa kaharap na upuan kung saan tanging table lang nito ang pagitan nila.
“Dahil nakabraces ka na, kailangan mo nang iwasan na kumain ng matitigas. Ang kumain ng mga pagkaing may caramel, sofdrinks at popcorn na maaaring makasira ng braces mo. Bawal ka na rin kumain ng mga prutas tulad ng mansanas at mais ng basta-basta. Ang mansanas ay kailangan mo munang hiwain sa maliliit na hiwa bago kainin at sa mais naman hindi mo ito pwedeng kainin ng hindi mo iniisa-isa ang bawat butil nito,” mahabnag paliwanag ng dalaga na tinanguan lang niya.
Hindi niya akalain na marami na pala siyang pagkain na hindi na niya makakain.
“Kailangan mo ring bumalik dito para sa adjustment mo monthly.” Napangiti siya nang palihim sa sinabi nitong iyon dahil iyon naman talaga ang pakay niya.
Mayamaya ay may kinuha ito sa drawer nito na isang dental kit. “Ituturo ko naman sa ‘yo ngayon ang paggamit nito.”
Lumapit ito sa kaniya na kinapikit niya dahil muli niyang nalanghap ang mabangong amoy nito na hinahanap-hanap niya maging sa panaginip niya. Nabalik lang siya sa kaniyang sarili nang sabihin na nito sa kaniya kung paano gamitin ang mga laman ng dental kit na naglalaman ng dental floss, floss threaders, dental mirror, orthodontic wax, brush, and interproximal brush.
Sa tagal ng pagpapaliwanag ng dalaga ay sa labi lang nito siya nakatuon. Hindi niya alam kung nakakailang lunok na siya ng laway niya sa tuwing bubuka ang labi nito. Parang nais niyang mahagkan muli ang malalambot at matamis nitong mga labi.
Wala na rin naman na siyang nagawa o nasabi kundi ang tumango na lang dito dahil pakiramdam niya hindi na niya maibuka ang kaniyang bibig dahil nakakaramdam na siya ng kirot.
“Tulad ng sinabi ko kanina, monthly ang pagpapaadjust mo pero kung may naging problema pwede ka namang magpa-adjust sa ika-tatlong linggo mo. Pero kung wala pang tatlong linggo at natanggalan ka na ng bracket tiisin mo muna ang paggalaw. Pero kung iyong sa bagang ang maalis o iyong nasa pinakahuling bracket, bumalik ka kaagad sa akin dahil delikado ‘yon, maliwanag ba?” paliwanag nito na tinaguan niya lang ulit.
“Pakipirmahan na lang itong form, katibayan na ikaw ay kumunsulta sa akin sa buwang ito. Para mamonitor din natin kung ano na iyong mga nagawa natin sa ngipin mo,” anito na mabilis naman niyang pinirmahan saka dali-daling nagpaalam.
Gusto pa sana niya manatili at inisin ang dalaga ngunit may pasyente na itong dumating.