MATAPOS ang pananatili nila ng tatlong araw sa isla na puno ng saya ay hindi maiwasang balik-balikan ni Princess ang masasayang araw nila roon ni Sandrick. Masasabi niyang simula nang hayaan niyang mapalapit si Sandrick sa kaniya bilang kaibigan ay hindi na siya ganoon kaapektado sa ginawang panloloko sa kaniya ni William. Kung hindi lang dahil sa mga pasyente niyang naghihintay sa kaniya sa clinic ay hindi na niya nanaisin pa na bumalik pa ng Maynila dahil gingulo lamang siya ni William. Ewan ba niya, matapos siyang halikan nito sa isla ay hindi na niya naalis sa isip ang binata. May time pa na palagi na lang niya napapanaginipan ang eksena nilang iyon sa harap ng papalubog na araw. Kung CD lang siguro iyon ay baka nagasgas na sa kaka-rewind niya. “Dok, nandiyan na naman sa labas si Sir

