“TEKA! Saan ba tayo pupunta? Uuwi na ba tayo ng Maynila?” takang tanong ni Princess kay Sandrick nang bigla na lang niya itong hinila kinahapunan. Umiling siya. “May dalawang araw pa tayo dito, remember?” Napansin niyang napanguso ang dalaga sa sinabi niya na kinangiti niya. Ang cute-cute kasi nito lalo na't nakita na naman niya ang mamasa-masa nitong labi. He’s being addicted to her lips since then. “Pwede ba tigilan mo ‘yang pagnguso-nguso mo riyan. Baka mahalikan kita ng wala sa oras,” biro niya. “Subukan mo! At ito ang sasalubong sa labi mo,” banta nito kasabay ng pagpapakita sa kaniya ng kamao nito na kinatawa at kinailing niya. “Babae ka ba talaga?” “Nang-aasar ka ba?” balik nito. “Kababae mo kasing tao ang lakas-lakas mong manuntok!” komento niya “Tsk! Ang sabihin mo, takot

