KINABUKASAN, napabalikwas ng bangon si Analie ng hindi niya makapa si Gelbirth sa kanyang tabi. Matapos kasi ng suprisa nitong proposal ay nagdesisyon silang umakyat na at magpahinga. "GEL?" tawag niya sa pangalan ng lalaki at umupo sa kama sabay hikab. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi siya makatulog sa sobrang saya, pinagalitan nga siya ni Gelbirth pero wala ito nagawa kundi hayaan siya, besides, mukhang pagod na pagod ang lalaki at nauna itong natulog sa kanya. Nang hindi niya marinig ang tugon mula sa lalaki ay nagdesisyon siyang tumayo para hanapin ito. "GEL? NASAAN KA?" mataas ang boses na sabi niya habang lumalakad na palabas sa kwarto. Napatigil siya nang mapansin niya ang pamilyar na bulto na nakatayo sa may hindi kalaparang mesa at may inaayos roon ang lalaki. "Gel?" pakir

