MINASDAN siya ng matagal ni Gelbirth sabay lagay ng daliri sa mga labi at bumuntonghininga. "Bakit nakasuot ka pa ng roba? Hubarin mo na iyan," sabi nito mamaya. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi. "P-pwede bang mamaya na? Baka lamingin ako," palusot niya kahit ang totoo ay ayaw lang niya ma-expose ang katawan sa mga mata ng lalaki. Nahihiya siya dito, she doesn't have the confidence to show her almost naked body to him. Akala niya pipilitin siya ni Gelbirth pero hindi nito ginawa imbis ay tumungo ito kung saan ang bag nila at walang pasabing naghubad ito ng t-shirt at napaiwas siya ng tingin nang sinunod nito ang pang ibabang suot. Tinuon niya ang tingin sa dagat, kulay skyblue ang tubig na labis niyang kinatuwa, malinis na malinis rin iyon. Paniguradong masarap maligo sa ganung t

